I (My life)

68 2 0
                                    

Liv P. O. V


" Liv! " Sigaw ng aking mama mula sa itaas na kung saan ay nagmumula sa k'warto ko.

" Ano 'ma? " Tanong ko rito nung ako ay makalapit sa kan'ya.

" Well, eh ano 'to? " Tanong naman nito sabay itinaas ang isang papel.

" Papel " Pilyo kong sabi pero sinigurago ko na hindi niya iyon maririnig dahil paniguradong basag na labi ang aking matatamo pagkatapos nito.

Isang test paper ang hawak-hawak nito na kung saan ay bagsak na naman ang naibigay ko sa kan'ya. Nagkibit-balikat na lang ang aking naitugon kay mama dahil wala naman akong magagawa pa. Kung baga, bagsak kung bagsak. Sabi nga sa motto ko ay " Grade is just a number "

" Bakit ba kasi cellphone ang inaatupag mo? Gayahin mo kasi ang bata 'yang *turo n'ya sa bahay ng kapitbahay namin*  " Hay, ito na naman ang mama kong magaling. Nagsimula na namang mangsermon o kung ano-ano pang dinadatdat.

Alam mo bang ang batang 'yan sa tuwing dadaan sa atin nakikita ko na may dala dalang mga medalya, mga tropeo at kung ano-ano pa na talagang mapagmamalaki ng kahit na sinong magulang. At ikaw! Ay naku, ang dala mo sa akin ay laging itlog o kaya naman peso. Na minsan yung peso nilalagyan mo ng dalawa pang itlog para maging 100! "F" lagi ang mga test mo "F" ferpect, WoW! sa madaling salita sakit ka ng ulo "

 ' blah blah blah blah ' Ang sakit sa tenga!! Walang katapusan ang bibig ni mama. Ang mama ko kaya ang best rapper sa buong mundo.  At tapos ipagkumpara n'ya ba naman ako sa ibang tao na para bang kilalang kilala na niya ang lalaking 'yun.

Hindi naman ako bobo, well..kunti lang naman hehehe. May iilan lang na subject akong nahihirapan. Katamaran? Oo, aminado ako na napakatamad ko. Sinusubukan ko namang maging pursigido sa pag-aaral dahil hindi sa lahat ng oras ay may pera si mama para paaralin ako.  Lalo na isang single mom si mama.


....

Kinabukasan, gamit ang aking bike papuntang paaralan ay maayos at matiwasay naman akong nakarating sa school. Matapos makarating ay agad ko itong ipinarada sa parking lot at nagsimulang maglakad papuntang classroom nang biglang may tumama na kung anong bagay sa aking ulo dahilan para masubsub ako sa sahig ng hallway.

" B'wisit! Sino 'yon?! " Pasigaw kong sabi sabay himas ng aking ulo, doon sa parteng natamaan.

" Sorry, hindi kasi kita nakita " Sabi nito na para bang nang-uuyam at saka niya ipinulot ang isang bola na sa tingin ko ay ito ang bagay na tumama sa akin.

Alam ko naman kung ano ang gusto nitong iparating- na maliit ako. Oo maliit ako at wala akong paki roon! Buwisit!! Wala talaga siyang magawa kundi asarin ako. " Salamat sa compliment mo, hah?!!!! "

Napatigil ito sa paglalakad at saka bumaling paharap sa akin. Ngumisi ito na para bang nang-aasar bago nagsalita.

" Your welcome!! " Sabi nito na nakatalikod sabay kaway ng kan'yang kamay.

Pakiramdam ko ay parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo na para bang bulkan na nag-aalburuto.

Kahit kailan talaga!!!! Nakakabanas talaga itong lalaking 'to!

Inis akong nagpatuloy sa paglalakad at mga ilang saglit pa ay nagulat ako dahil bigla na lang may umakbay sa akin at sabay tumili nang napakalakas na talagang makakasira ng tainga.

YOU & I BOOK ONE (CTLY Series)✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant