Chapter 27

4.8K 192 0
                                    

Habang nasa kalagitnaan na kami sa kagubatan ng bundok ay may parang isang ahas na malaki. Pula din ang mga mata nito.

"Master! Sabihan mo ang mga kasama mo sa wag tumingin sa mga mata niya"

   Biglang sigaw ng Demonyo ko. Agad akong umiwas sa mga mata nito.

"Wag kayong tumingin sa mga mata niya!!"

   Nakita ko namang umiwas sila ng tingin sa demonyong ahas.

"Ano bang nasa mga mata niya?"

"Nakakahiptonismo ang mga mata niya demonyo at maari niya kayong patayin sa isang iglap"

   Ng sinabi yun ng demonyo ay agad ko naman isinabi sa dalawa.

"Paano natin patayin ang demonyong 'yan?"

    Tanong ni Leon kaya nag isip-isip kami ng paraan upang talunin ang demonyong ahas na yun.

"Guys, may plano ako"

    Biglang sambit ni Claria. Di ko akalain na na u-use din pala ang brain nito minsan.

"Hali kayo at lumapit sa'kin"

    Sinunod naman agad namin siya. She touch our forehead at maya-maya lang ay nakita ko lang ay naggagandahang paligid hindi na ito madilim at nakakatakot. This place became lively.

"Ano ito? Bakit naging ganito?"

"I inverted the things that you see. Imbes na madilim ang gubat ay ginawa ko itong lively.  Kapag tinignan naman kayo sa panlabas na anyo ay para kayong naka blindfold."

    Tumingin ako kung saan naroroon ang ahas. Pero hindi kagaya ng nakita namin kanina. Ito ay parang isang spaghetti na malaki. Nakakatakam tuloy hahaha.

"Ahas ba yun?"

    Tanong ni Leon sa kabila na katabi lang ni Claria.

"Probably yes"

"Demon, paano namin mapapatay ang spaghetti ay este ahas pala?"

"Putulin niyo ang buntot niya dahil nandun ang puso niya"

"Okay"

  
   Tumingin ako sa dalawang kasama ko.

"I know this snake can also be hard to beat up. Kaya here's the plan"

~~~

   Matapos ang plano ay agad binabato ni Leon ng fire balls niya. Nakuha naman sa kanya ang attention niya. The snake was running through him while Claria put a barrier sa harap ni Leon.

'Now it's my turn'

  Hindi ko akalain na ganito kadaling patayin ito. I use my thunder speed at agad pinutol ang buntot niya. Pero nagulat na lang ako dahil tumubo ito ulit. Nasa akin na ang attention nito. Bumuka ang bibig nito patungo sa'kin pero agad akong nakaiwas.

"Demon! Bakit hindi pa yan namamatay?!"

"Gaya ng ginawa mo sa'kin master. Mamamatay yan pag sobrang kuryente hanggang sa maputol ang buntot nito"

   Napaisip ako sa sinabi niya. May nag pop up bigla ng idea ko. It really sounds crazy but I have to do it. Lumapit ako sa ahas. Nasa akin na ulit ang attention nito even if Leon was keep throwing fireballs at this huge snake.

    Nakita kong bumuka ang bibig nito papalapit sa'kin.

"Yazzy!/Yazna!"

   I closed my eyes nang maramdaman kong nasa loob na ako ng ahas. It's really gross in here! Yucks!

   Pinalibutan ko ang sarili ko ng thunder bolt at ginawang times ten ang energy nito. The snake trembled. Ramdam ko dahil dasa loob ako up until it explode.

   Huminga ako ng malalim dahil sa baho sa loob ng ahas.

'Hindi ko na yun uulitin! Grabe! Ang baho ko na!'

 
   Someone poured me a bucket of water at masama kong tinignan ang gumawa dun.

"I'm sorry master"

    Napailing na lang ako at sumakay sa kanya.

"Waaaaahhh!!! Yazzy!! Don't do that again okay?"

    Alalang sabi niya sa'kin habang yinakap-yakap ako. Tumango lang ako sa kanya at humiwalay. Pinitik naman ni Leon ang noo 'to. Feeling close naman! Sinamaan ko lang ito ng tingin at nakita kong nag peace sign ito.

"Let's go Demon"






Ain't NobodyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora