Lumapit kami sa grupo ng mga kaklase namin na kasalukuyang malakas na nag-uusap.

"Oh, andito na pala si Rain at EunBi. Bat ngayon lang kayo?" Salubong na tanong ni Jun Ho sa'min. Agad ko namang inabot ang regalo ko sa kanya at binati ko sya.

"Happy Birthday Jun Ho. Sorry ngayon lang kami. May dinaanan pa kasi kami."

Nakita kong namula sya ng abutin nya ang regalo ko sa kanya.

"You shouldn't bother buying a gifts for me. Ikaw lang naman sapat na." Narinig ko ang kantyawan ng mga kaklase namin ng marinig nila ang sinabi ni Jun Ho. Napailing nalang ako.

"Jungkook. Come here." Napalingon ako kung saan nagmula ang tumawag sa kanya. And there I saw Hana smiling widely at him at ngumiti din sya pabalik dito. Na ikinahigpit ng hawak ko sa strap ng shoulder bag na dala ko.

"Oh, pumunta pala si Jungkook. Akala ko ba hindi sya pumayag?" Dinig kong tanong ng isa kong kaklase.

"Well, sino bang hindi papayag kung si Hana mismo ang pumilit sa kanya." Nagtawan naman sila matapos sabihin yun na mas lalong ikinainis ko. Suddenly, parang gusto kong umiyak nalang at umalis dito at hindi na magpakita.

"Ahm EunBi, comfort room lang ako a." Bago pa bumagsak ang luha ko ay nagpaalam na ako.

"Ha? Gusto mo ba samahan kita?"

"Hindi na. Mabilis lang naman ako e. Ikaw na bahala pag may naghanap sa'ken."

"Sige, sige, bumalik ka agad ha." Tumango nalang ako at mabilis na tumalikod at tinungo ang direksyon na sa tingin ko ay papuntang rest room. Wala akong pakealam kong maligaw ako sa mansyon na 'to basta gusto ko lang magtago at ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Ganun nalang na yun kadali? Nagalit lang sya may bago na ulit. Parang ang bilis naman ata. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating pero natagpuan ko ang sarili kong unti-unting napaupo sa isang wooden bench dahil nanghihina na ang tuhod ko. Unti-unti ding bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil. Muli kong naalala ang eksena kanina. Kung paano sya ngumiti pabalik kay Hana. Kung paanong never nya akong tinignan. Napahikbi ako. Ganun na ba sya kagalit sa'kin?

"...Rain." I suddenly freeze the moment he utters my name.

Mabilis kong pinalis ang mga luhang naglandas sa mga pisngi at inihanda ang isang pilit na ngumiti saka humarap sa kanya.

"Oh Jun Ho, bat ka andito?"

"Diba dapat ako ang magtanong nyan? Bat andito ka sa labas? May ayaw ka ba sa loob?" Kita ko ang pag-aalala sa mukha.

"No, nagpahangin lang ako sandali. I'm not really fond of parties e." Mabilis kong paliwanag.

"Ganun ba? Gusto mo bang dito muna tayo? Sasamahan kita."

"Ano ka ba, it's your birthday today, you should go inside and entertain your guests. Tsaka babalik din naman ako sa loob." Agad kong tanggi.

"Sigurado ka?" He looks at me intently as if like reading my thought. I showed my wide smile to let him know that I am really okay.

"Oo. Tara na sa loob." Nauna na akong maglakad pabalik sa lugar na ayaw ko ng makita pa pero wala akong magagawa. Napilitan na din syang sumunod sa akin papasok. Dumiretso ako sa bar not minding the stares and callings from my classmates especially EunBi.

"Something hard please." I immediately said as I sit on one of the stool in front of the bar. The bartender looks at me weirdly but eventually obeys me. Maya-maya pa ay nasa harap ko na ang isang glass na may lamang pulang alak. In a second, I drinked it until the last drop. Ramdam ko ang pait nito sa dila ko at ang init na gumapang mula sa lalamunan ko hanggang sa tiyan.

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें