"You know him?" umiling naman ako bilang sagot.

"He's the face of our company, siya lahat nagiging model sa mga product ng mga Kyril"

"Ah! kaya pala familiar, nakita ko na siya sa magazine about sa company niyo"

"Pano ba kayo nag kakilala dalawa?"

"I don't know?" totoo wala akong alam pano kami nag kakilala dalawa, siguro nakalimotan ko sa dami ng ginagawa ko.

"Okay! let's start the couple shoot" sigaw ng director at napalingon saamin.

"Teka couple? hindi ako marunong sa ganito" sabi ko naman kay Belle, ngumiti lamang ito saakin at sabay kami pumunta sa pwesto ni Nethon.

Iniwan niya naman ako sa tabi nitong Nethon at kinausap ang director, tumango naman ang director habang nakatingin saakin.

"Let's start" ngumiti ito saakin.

Sa pag sisimula ng shooting, tinuturuan naman ako nitong sa Nethon o di kaya si Belle o ang director kung ano ang dapat kong gawin.

Kahit naiilang ako sa mga titig saakin ni Nethon, hindi ko na lamang ito pinansin at sinunod na lamang ang mga sinasabi saakin.

Masyado atang weird itong si Nethon, pero kahit ganon magandang lalaki naman ito, maputi din ito, mas lalo itong pumuti pag tinatabi saakin, halatang hindi dito nakatira.

Hindi talaga ako mag tataka kung maraming Kyril ngayong dadating na family gathering nila. Baka nga may mga Kyril na anak sa labas, ewan ganon naman talaga diba basta mayayaman may mga sabit pero dahil mayaman sila naitago siguro nila ng mabuti para sabihing perpektong pamilya sila which is yun ang sinasabi ng iba.

Sa mga Kyril si Belle yung gusto ko at crush ko si Ashton, kasi tulad ni Alice yung kuya niya din gwapo pero nakakatakot, parang halimaw sa business.

Si Ashton yung tipong happy go lucky lang sa buhay, nakilala ko lang din ito sa magazine, magazine ng Kyril, nakatira si Ashton sa Spain, may nakababatang kapatid na babae ito, nakita ko din iyon sa magazine, maganda din yung kapatid niya masyadong sexy ito, di tulad ni Belle at ni Alice na simple lang. At dahil crush ko si Ashton ay sakanya lang ako nakapag tuon ng pansin doon sa magazine at kay Belle.

"Okay thank you everyone!" napahinga naman ako ng maluwag nang sabihin iyon ng director.

Lumapit naman saakin si Belle at niyakap niya ako.

"Thank you" napangiti naman ako dahil sa pagyakap niya saakin.

May iba't ibang personality ang mga Kyril kay mas gusto ko si Belle at si Ashton kaysa sa iba pang Kyril.

"Mag usap na kayo about sa business thingy" sabi ni Belle nang mag hiwalay kami ng yakap, kumaway pa ito saakin.

Nakapag ligpit na din ang lahat, magbibihis pa sana ako ng dati kong suot pero sinabihan ako ni Belle na wag na mas bagay daw saakin ang suot ko ngayong suit na pang babae yung tuxedo ng mga lalaki, yung blazzer at pants lang naman atsaka nakasuot lang ako na sando sa loob, kanina pa ako bihis ng bihis ito ang pang huli, di ko alam bakit naging formal yung huling take.

Nakita ko naman si Nethon na umupo sa isang bench, lumapit naman ako at umupo sa tabi niya pero may ispasyo.

"Masyado atong di pormal kung dito tayo mag uusap about business"

"I don't do business Miss Caraquel, don't worry sasabihan ko si Alexanded hyung na mag invest sainyo"

"Hindi mo papakinggan ang mga sasabihin ko?"

"I told you I don't do business, your presence is enough for me to approve your proposal"

"Pano ako makakasiguro na mag iinvest kayo?"

"You participated in the shoot and also we're Kyril?"

"Pinapunta mo lang ako sa wala" napalingon naman ito saakin.

"I didn't said I waste your time and effort it's just I don't do business, I told you don't worry your presence is enough, I have to go" tumayo naman ito at iniwan na lamang ako mag isang nakatulala.

Tinignan ko naman ito ng masama habang nakatalikod na paalis hanggang sa makasakay sa mahahalin niyang sasakyan.

"Asshole" inirapan ko naman ito kahit hindi ako nakikita nito.

"Sana si Ashton nalang yung kumausap saakin, gaganahan pa akong mag trabaho" tumayo naman ako at umalis na din.

Habang nasa kalsada tumawag naman yung mommy ko, sinagot ko naman ito at sinuot ang earpiece ko.

"Bakit?"

"Ipapaalala ko lang sayo darling na may blind date ka bukas ah?"

"Mommy! ayst!"

"Wag mo kong sigawan, sundin mo nalang wala ka namang lusot ginawan ko na ng paraan ang schedule mo bukas"

"Kung ano na sasabihin ng mga kasamahan ko saakin dahil sa pinaggagawa niyo saakin ni dad"

"Oh I heard nakipag negotiate ka sa Kyril, ano balita? napa Oo mo ba?"

"Gagong Kyril yung nakausap ko mom!"

"Gago pala si Alexander"

"No it's not Alexander"

"Edi sino? yung crush mong si Ashton?"

"Hindi si Nethon!" inis kong sabi sakanya.

"Chill baby, nagpa appointment na ako sayo sa salon, tomorrow morning yung schedule mo tapos yung damit na pipilian mo andon na din"

"Bakit ko ba kailangang gawin to?"

"Tumatanda ka na lalo na kami tapos wala pa ka pang boyfriend"

"Kung si kuya pala yung pinapa-blind date niyo?"

"He's busy doing business anak"

"Me too mom I'm busy"

"Whatever anak, basta pumunta ka bukas wag mo ko ipahiya okay? I love you baby"

His Secret Affair ✔Kde žijí příběhy. Začni objevovat