His eyebrows furrowed before answering me, "I'm perfectly fine," he said eyes still on the road, "Why?"





"Para po kasing may kakaiba sa inyo?"





"Oh," he chuckled, "Don't mind me,"





Hindi naman nagtagal ay nakarating kami sa isang italian restaurant. Hindi na rin kami nag antay dahil mayroon na palang reservation si Mr. Wren.





In-assist kami papunta sa table. Nang makaupo ay agad kong tinanong si Mr. Wren, "Uh, Sir? Meron po ba kayong business meeting? Wala po kasi sa schedule n'yo eh." wika ko.







He stared at me before he speaks, "Nothing, I just want to eat some Italian cuisine that's why."






Tumango tango nalang ako sa sagot niya. Iginala ko naman ang paningin ko sa kabuohan ng restaurant na 'to. Grabe ang ganda ng ambiance parang bawal mapadpad dito ang isang dukhang kagaya ko.







Maya maya naman ay dumating na ang mga pagkain. First time kong kumain ng ganito kaya naman hindi sila familiar sa akin, pero masasarap sila. Iyon nga lang, mahirap bigkasin ang pangalan.







Tahimik kaming kumakain nang biglang tumikhim si Mr. Wren na nakaagaw ng atensyon ko, "Uh, Mr. Wren, tubig?" pag aalok ko baka kasi nasamid siya o ano.




He shook his head, "I just want to ask you something,"







"Sure po, Sir. Ano ba 'yon?"






"Drop the po and opo thingy," he said, "What is your ideal man?"




Nabigla naman ako sa tanong niya. Ang out of nowhere ng tanong ni Sir?





Nang hindi ako makasagot agad ay nagsalita siya, "Nah, never mind. Continue eating,"



"Uh, hindi Sir, ano kasi.... nabigla lang ako,"




Nag isip ako ng mabilis kung ano nga bang tipo ko sa lalaki, "Uh.... wala akong tipo Sir eh, kasi naniniwala akong taob naman 'yang tipo tipo na 'yan kapag tinamaan ka." sagot ko atsaka siya nginitian.






Napangiti siya sa sagot ko at tumango, "Yeah, you're right." he chuckled.







Marami pa kaming bagay ang napag usapan. Mabait naman pala si Mr. Wren. Pakiramdam ko nga tropa na kami, pero syempre nakatatak naman sa isip ko na boss ko siya kaya dapat kahit gaano kagaan ang pakikitungo niya sa akin ay may respeto pa din ako.






Tapos na ang office hours. Kasalukuyan na akong nag aayos ng mga gamit para makauwi. Sakto na lumabas na si Mr. Wren sa office niya.






"Uuwi ka na?" Hala, ang gwapo mag tagalog ni Sir, grabe.






"Oo,"





"C'mon, I'll drive you home,"





"Naku, hindi na Sir! Nakakahiya naman."





"No, I insist." Kaya 'eto, no choice ako at nakasakay sa kotse ni Mr. Wren.






Nang makarating kami sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko ay nagtanggal na ako ng seatbelt, "Uhm, gusto mo ba muna pumasok Sir?"




"Sure." aniya at sabay na kaming lumabas sa kotse niya.







Namataan ko si Aling Inday, ang may ari ng apartment na tinutuluyan ko, "Naku, Angelina! 'Yan na ba ang boypren mo?" usisa niya.






Napapahiyang nilingon ko si Mr. Wren atsaka sinagot si Aling Inday, "Hala, Aling Inday, boss ko po 'to."




Tinawanan naman ako ni Aling Inday para sabihing hindi siya naniniwala. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy nalang paakyat.




Pagkabukas ko ng pinto ay isang lamesa at dalawang upuan agad ang bumungad sa amin. Pinaupo ko si Mr. Wren sa isang monoblock.





"Pasensya na Sir, maliit lang ang bahay ko."






"No, it's cute though," aniya at inilibot pa ang paningin sa paligid.





Maliit lang ang bahay ko pero malinis at organisado ang mga gamit. Kaya hindi ako nahihiyang inaya ko si Mr. Wren paakyat.




"Ay, gusto mo ba ng kape Sir? ipagtitimpla kita saglit," dumiretso ako sa maliit na kusina ko nang pigilan niya ako. "No, don't bother, aalis na din ako." wika niya atsaka tumayo mula sa pagkakaupo sa monoblock.








"Tinignan ko lang kung maayos ba ang tinitirhan mo," dagdag niya.






Bakit ang gwapo gwapo ni Sir magtagalog? Ang hot. T-Teka, Angel! Tahimik!







Inihatid ko si Mr. Wren pabalik sa sasakyan niya.







"Salamat po sa paghatid Mr. Wren! Ingat po kayo," ngiti kong ani at bahagyang kumaway sa kanya.




Ginantihan niya naman ako ng maliit na ngiti saka pumasok sa sasakyan niya at umalis na.








Sa halos buong araw namin interaksyon ni Mr. Wren parang masasabi ko na crush ko na siya..... Lintek ka, Angel! Matanda ka na para sa crush crush na 'yan!















The Devil's Angel (ON HOLD)Where stories live. Discover now