Kabanata 2

28 3 1
                                    

Bad First Day

Today is Monday!

And today is our first day of school. I'm now a senior high school student. Likewise, hindi ako ganoon ka excited dahil hindi pa tuluyang lumisan sa school na 'to ang palaging sumisira ng araw ko. Sana hindi magtagpo ang landas namin ngayon. Ayaw kong masira ang araw ko.

"Ellie! Bilisan mo na! Naghihintay na ang papa mo sa kotse!" Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko

"Opo, ma!" Dali-dali kong kinuha ang bag ko at tiningnan muna ang sarili ko sa malaking salamin.

Naka Spring chiffon long sleeves blouse paired with jeans. May uniform na naman ako ng Senior High pero first pa naman ngayon kaya next day na ako mag-uuniform.

Hmm. Ayos na 'to! Hindi pa ako nakasuklay ng buhok dahil natagalan ako ng gising. Kaya pinusod ko na lang ang buhok ko kahit basa pa. Sa kotse na siguro ako magsusuklay.

Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa kusina para kunin 'yong baon ko for recess. Mahilig kasi si mama magluto ng kakanin o anong pang meryenda. Pang save na rin ng pera. Para pangbili ko na rin ng mga novel books na gusto ko.

Nang makalabas na ako sa kusina ay nakita ko si mama na naglilinis sa sala. Kaya agad akong lumapit para magmano.

"Ma pasok na po ako." Sabay halik ko sa pisngi nito.

"Oh sige. Mag-iingat ka sa academy ha! Pag sasakit ulit 'yong ulo mo uminom ka agad ng gamot o hindi kaya tawagan mo kami para sunduin ka namin ng papa mo. At tsaka 'yang siko mo, hindi na ba masakit?" Paalala ni Mama.

"Hindi na naman po sumasakit ulo ko at hindi naman na masyadong masakit 'yong siko ko ma, medyo nawala naman 'yong maliit na maga. But don't worry." Yinakap ko siya mula sa likuran.

"Sige na! Malalate ka na. At tsaka 'wag mong pupusod 'yang buhok mo. Basa pa oh!. Saway nito kaya napanguso ako.

"Hindi pa kasi ako nakapagsuklay. Ay sige po babalik muna ako sa kwarto para magsuklay. Okay naman ata po malate. First day pa naman." Sabi ko at napatigil si mama sa paglilinis.

"Char lang. Sa kotse na lang po." Agad na akong nagpaalam at sumakay na sa kotse.

"Oh, natagalan ka?" Tanong ni papa nang makapasok na ako sa kotse.
"Nagchika pa kami ni mama." Napatango naman ito.

"Iyong buhok po, Ellie. Huwag mo ipusod ng basa pa." Paalala ni papa ng mapansin na nakapusod 'yong buhok ko.
"Ay opo, nakalimutan ko. " Agad ko namang tinanggal 'yong pangtali ng buhok ko.

Binuksan ko naman ang bag ko para hanapin ang suklay ko sa buhok.

Nakakailang halungkat ko na ata wala akong makitang suklay. Napanguso ako at tumingin sa dashboard ng sasakyan. Baka may makitang suklay per nadismaya ako.

"Anong hinahanap mo?" Tanong ni Papa ng mapansin na may hinahanap ako.

"Suklay, pa. May suklay ka? Hehe?" Sarkastong tanong ko. Kahit alam kung hindi nagsusuklay si Papa. Semi-kalbo kasi siya, malamang walang suklay.
"Wala. Ikaw talagang bata ka." Napailing si papa.

So wala akong choice kundi kamay ko ang ginamit ko pangsuklay ng buhok. Mabuti na lang at hindi magulo ang buhok ko. Hindi mahirap suklayin gamit ang kamay. Pero hindi talaga ako komportable paghindi nakapagsuklay eh.

Nang makarating na kami sa gate ng Mountain View Academy ay agad akong nagmano kay papa at lumabas ng kotse. Binigyan pa ako ni papa ng pera dagdag sa allowance ko ngayon kahit 'di ko naman kailangan. Hindi ko sana tatanggapin pero dagdag na 'yon pang allowance next day.

Well, matipid akong tao. Hindi naman kami mayaman. Kahit may kaya sa buhay, never akong sini-spoil ng parents ko. Kaya nga pagbinibigyan nila ako ng allowance konti lang ang nagagastos ko. Sinisave ko 'yong iba.

The Best Part Of Me (Montaña Del Paraíso 1)Where stories live. Discover now