Kabanata 5

5 0 0
                                    

Siopao

Kanina pa kasi ako inaantok, hinintay ko lang sila mama at Papa na dumating. Saktong alas 8 ay dumating sila, kaya sinalubong ko muna sila at pakatapos ay bumalik sa kwarto para matulog.

Naalimpungatan ako nang tumunog ang phone ko, pero tinatamad akong sagutin iyon ay hinayaan ko na lang muna hanggang sa mawala na.

Pero ilang saglit ay tumunog ulit ang phone ko, kaya kinapa ko iyon sa gilid ng aking unan at sinagot.

Hindi ko na tiningnan kong sino ang tumawag dahil tamad akong imulat ang mga mata ko. "Hello..." Inantok na sagot ko, pero walang sumagot sa kabilang linya.

"Dein? Nawrong call ka ba? O may gusto kang ichika? Pwede bukas na? Inantok na ako eh."

Pero wala pa ring sumagot kaya pinatay ko na lang ang linya.

Ngunit ilang segundo ang lumipas ay tumunog ulit ang phone ko. "Gusto ko ng matulog."

"Hmm."

"Sorry, naistorbo kita. Gusto ko lang itanong kung gusto mong sumabay sa akin bukas?"

HIndi ko alam pero parang biglang nawala 'yong antok ko nang marinig ko ang boses niya.Tiningnan ko kung sino ang tumawag.

Jackson...

"J-Jackson? Ikaw 'yong tumaw-"

"Yeah, it was me. Sorry."

"No, okay lang."

"So, bukas?"

"Hmm, sige. Mga anong oras mo ako susunduin dito?"

"Anong oras ka ba pumapasok sa school?"

"6:30 or 6:45."

"Sige." Tipid na sagot nito.

"Sige. Hmm... Good night."

"Good night."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay pareha kaming tahimik. HIndi naman niya pinutol ang linya.

"A-Ah, sige. E-ooff ko na?" Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang linya.

Saktong alas sais ng umaga ay dumating na ang sasakyan ni Jackson sa harap ng aming bahay. At saktong nakaligo at nakabihis na ako, mag-aalmusal na lang.

Ang aga niya ata ngayon ah.

"Si Jackson ba 'yon?" Tanong ni mama mula sa kusina.

"Ah, opo. Sasabay po ko sa kanya ngayon."

"Ang aga niya ata, puntahan mo muna siya sa labas at papasokin mo rito para mag-almusal."
"Sige po."

Saktong pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Papa na pinagbuksan ng gate si Jackson.

"Magandang umaga po, Tito." Bati nito kay papa.

"Magandang umaga rin, iho. Halika pasok ka muna. Ang aga mo ngayon ah, nag-almusal ka naba?" Nahihiyang umiling si Jackson.

"Hindi pa po, Tito. Sa school na po ako mag-aagahan." Napakamot batok na sagot nito.

"Naku, dito ka na mag-almusal, maagag pa naman. Halika... Oh Ellie? igiya mo si Jackson sa loob para mag-almusal." Sabi ni Papa said akin ng makita akong nakatayo sa pinto.

"Pasok ka na sa loob, Jackson. H'wag kang mahiya. Ellie, ikaw na bahala kay Jackson."

"A-Ah opo, pa. Halika ka na." Hinila ko na palayo kay Papa si Jackson./

"Ang aga mo naman ata? Hindi ka pa nag-almusal?" Kalmadong tanong ko.

"Para hindi tayo malate. Atsaka, alam ko naman aayain ako ni Tita mag-almusal." Tinaas baba nito ang kanyang kilay.

The Best Part Of Me (Montaña Del Paraíso 1)Where stories live. Discover now