Kabanata 4

8 0 0
                                    

Annoyed

Nang makapasok na ako sa kotse ni Jackson ay padabog akong umupo at malakas na sinara ang pinto ng kotse.

Nang makapasok at makaupo na ito sa driver seat ay rinig ko ang buntong hininga nito. Kaya napalingon ako sa kanya.

Seryoso itong nakatingin sa akin. Kaya napaangat ako ng kilay. "Ano?" Inis na tanong ko.

Bigla itong lumapit sa akin. "Hoy-hoy!" Dahil sa gulat kaya agad kong hinarang ang aking kanang kamay sa kanyang dibdib at tinulak.

Shit! Naramdaman ko 'yong buto sa dibdib niya.

"B-Bakit ka ba biglang lumapit?!" Napataas ang aking boses pagkasabi ko non.

Seryoso itong nakatingin sa akin at napabuntong hininga. Alam kong naiinis na siya, pero mas naiinis ako sa kanya.
"Wear your seatbelt." Malamig na sabi nito at seryoso na itong bumaling sa daan.

"Tsk! Seatbelt lang naman pala pwede mo namang sabihin." 'Hindi 'yong basta-basta mo na lang ilalapit 'yong sarili mo. Tsk! Inis na sinuot ang seatbelt.

Nang makarating na kami sa parking lot ay biglang nagring ang phone niya sa dashboard. Nang mahinto na niya ang kotse ay agad nitong kinuha at sinagot. Mommy niya ata.

"Yes, mom?" Rinig kong sagot nito.
Inayos ko agad ang bag ko at binuksan ang pinto. Hindi ko na siya nilingon at lumabas na ako ng kotse niya.

Nagmamadali akong naglakad at napatingin sa wristwatch ko. Almost 7 am na pala! Hindi pa naman late. Pero ayaw kong mahaggard pagdating sa classroom na ilang minuto na lang first period na. Marami pa namang estudyante na naglalakad.

Habang nagmamadaling maglakad ay may biglang humigit sa pulsuhan ko. Paglingon ko ay si Jackson pala iyon.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Mahinang sabi ko sa kaniya. Pero hindi niya pa rin ako binatawan. Hindi naman sobrang higpit ang pagkakahawak nito pero hindi ko matanggal.

"Iniwan mo ako." Sabi nito ngunit ang paningin nito ay sa dinadaanan.
"Eh ano naman?"

"May nakalimutan ka ring sabihin." At lumingon sa akin.

"Ah! Ay oo nga pala! Nakalimutan ko! Thank you pala!" Hindi 'yon pabas sa ilong na thank you ha. Pero parang ganon na nga.

I heard him "Tsk". Wow ha!
"Pwede mo na po akong bitawan." Sabay alis ng kamay nito na nakahawak sa pulso ko. Pero ayaw talaga matanggal.
"Hoy! Ano ba! Binitawan mo na ako." I glared at him, but this jerk just smirked at me. Kaya kinurot ko ang tagiliran nito gamit ang kaliwa kong kamay.

"Aw!" Agad itong napahawak sa kanyang tagiliran gamit ang libre nitong gamay.

"Ano bang trip mo? Nakakahiya na oy! Bitawan mo na ako. Sabay lingon sa mga nakasunod at nakakatagpo namin na mga junior students na nakatingin sa amin. Leche naman oh!

"Wala namang kahiya-hiya sa ginagawa natin ah? Sweet nga eh." Nakangiting sabi nito.

Dahil nandidiri ako sa sinasabi niya ay malakas kong siniko ang tagiliran nito. Napadaing ito sa  sakit kaya nabitawan niya ako.

"Sweet no?" Sabi ko at demonyong  ngumiti. Tinalikuran ko na siya at dali-dali naglakad. "Hala kuya Zach, okay ka lang?"

"Ang sama ng girlfriend mo."
Rinig ko ang boses ng mga junior students na kasunod namin. Tsk! Bakit kaya hindi ko agad naisip gawin 'yon kanina?

Matapos ang second period namin ay lumabas na kami ng mga kaibigan ko patungong cafeteria. Nang makahanap kami ng bakanteng upuan at mesa ay agad na kaming pumwesto roon malapit sa bintana.

"Kami na ni Angie mag-oorder. Anong gusto mo Deina?" Tanong ni Ate Vin.

"Two sliced ng Vanilla Cake, Egg Sandwich and orange juice, Ate Vin." Sabay lahad ng pera.
"Sayo Ellie?"

The Best Part Of Me (Montaña Del Paraíso 1)Where stories live. Discover now