Kabanata 1

36 3 0
                                    

10 years Ago

'Past'

It was already 6 in the evening at heto ako ngayon sa kwarto ko nagfa-facebook kasi wala naman akong assignment. Habang nagso-scroll-up and down biglang tumunog yung messenger ko at may nagpop-up na message

*Deina*
Oy! punta kana dito sa bahay! Nandito na sila Angie at Vinnie!

Bigla kong nakalimutan mag-oovernght pala kami sa bahay ni Deina. Kaya dali-dali akong bumangon sa kama at kumaha ng maliit na bag para lagyan ko ng phone ko. nakapajamas kasi ako, may bulsa naman pero ayaw kong ilagay 'yong phone ko baka malaglag. magbibike Lang kasi ako patungo kina Deina kasi sa kabilang block kasi sila medyo malayo sa bahay namin ngunit pareho Lang naman ng subdivision.
Lumabas na agad akong sa kwarto at nagtungo sa sala. Bumungad agad sa akin sila mama at Papa na nakaupo at nanunuod ng TV.

"Ma, Pa, kina Deina po ako matutulog ngayon magmomovie marathon po kami." Paalam ko sa kanila.

"Naghapunan ka na ba?" Tanong ni mama.

"Wala pa po. Sabi ni Deina doon na lang daw ako maghapunan."

"Sige mag-iingat ka sa daan ha! 'wag masyadong bilisan ang pagbibike baka mapano ka." Paalala ni Mama.

"Opo, ma." si papa naman ay tumango at sinabing mag-iingat ako. Medyo madilm na din kasi pero may mga ilaw naman sa dinadaanan ko at saka subdivision din naman to.

Pagkalabas ko ng bahay ay agad akong pumunta malapit sa garahe kung saan nadoon ang bike ko.

"Ma! Pa! pakisara na lang po ng maayos 'yong gate. Alis na po ako" tawag ko at sumakay na sa bike ko. Mahina lang pag pedal ko kasi medyo malamig kahit nakapangtulog na ako.Malamig talaga dito sa La Ciudad Fría kaya nga minsan lang ako mag open ng aircon sa kwarto ko.

Medyo malayo pa 'yong kina Deina mga ilang blocks at bahay pa bago ako makarating. Pareho lang kasi kami ng subdivision which is Pinewoods Subdivisions.

Hinihinaan ko lang ang pagpedal kasi medyo nilalamig ako sa hangin.May mga bata rin akong nakikita sa daan na nagbibisikleta rin. Hindi pa naman kasi malalim ang gabi. I think mag si-six thirty pa lang.

Malapit na sana ako sa block nila Deina ng biglang may umilaw sa likod ko. Alam kong sasakyan 'yon. Normal lang naman na may dumaan kasi daanan naman to, basta nasa pinakagilid na ako okay na.

Habang papalapit ng papalapit 'yong ilaw ay dedma ko lang nasa gilid naman ako. Ngunit hindi ko inaasahan ng magpreno ito bigla akong bumangga ang side view mirror sa siko ko kaya nagulat ako at nawalan ng control dahil na rin nataranta kaya natumba ako.

Nakabawi naman ako agad kaya agad akong bumangon. Mabuti na lang at hindi mabilis ang pagpatakbo nito kundi sure akong bali buong braso ko.

Kasabay ng pagtayo ko ay ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at iniluwa nito ang isang matangkad na lalake na kinaiinisan ko sa buong buhay ko. Mabuti na lang at may ilaw sa dito kaya kita ko ang buong mukha nito. Inis na pinagpag ko ang mga dumikit na alikabok sa aking braso at pj's.

I thought he's going to laugh or sabihing ang tanga ngunit hindi ko inexpect ang sasabihin nito.

"Hey Miss! Are you okay? I'm sorry, I didn't mean to bump you." May pag-aalala sa tanong nito, pero naiirita ako sa boses nito kapag naririnig ko 'yon.

"Excuse me?! Sinadya mo talagang banggain ako ano?! Nasa tama 'yong dinadaanan ko. At saka ang laki-laki ng daanan tapos dinutdot mo pa 'yang kotse mo sa pinakagilid, kita mong may nagbibisekleta! I guess hindi mo nakita! Singkit ka kasi." mahinang usal ko sa huli kong sinabi.

"Tinker Bell?!" May gulat sa reaksyon nito.

"Stop calling me that! Idiot! You almost killed me! My God!" Nasapo ako sa nuo.

The Best Part Of Me (Montaña Del Paraíso 1)Where stories live. Discover now