Gaano man kahaba magagawang sulat,
Mapuno man ito ng mga tanong sa lahat,
Ilalagay mga naiwang alaalang buhat-buhat,
At kung paano umasa sa mga salita mo'y ilalahadHahanap-hanapin mga 'di natirang wika,
Pati na rin matatamis at mabulaklak mong pambola
Napapaisip kung lahat ng 'yon ay naaalala mo pa,
At kung ako ang sasagot para sayo'y hindi naSaan at kailan napako,
Bigla yatang naglaho, lumabo
Sa liham ipapaalala ang nasirang pangako,
"Hindi kita iiwan, mahal ko"
YOU ARE READING
Dugo Ang Tinta (poems)
PoetryKung ang mga grupo ng salita'y nagiging talata, taludtod sa mga saknong na tugma, ang mga tulang nanatiling 'di nababanggit sayo'y nakakabuo ng antolohiya. At sa pagsusulat nito'y dugo ang aking tinta.