WOM 43

392 23 0
                                    

// LELUS //

Napabuntong hininga ako habang hinihilot ang sariling noo. Sumasakit na naman dahil sa labis na mahikang ginamit ko. Mukhang hindi na kaya ng katawan ko ang mahikang ito " magpahinga ka muna, ate" turan ng aking kapatid habang may hawak na tray sa mga kamay " mabuti pa nga" sang- ayon ko saka tumayo mula sa pagkakaupo at tinungo ang pinto ng kwarto. Pipihitin ko na dapat ang doorknob ng may maalala ako, bahagya ko siyang nilingon at tinitigan ang babaeng napapakumot noo " bakit, ate?" Takang tanong nito " Mina, nakausap mo na ba si Dark ukol sa kanilang pagbabalik?" Agad namang napipilan ang aking kapatid bago sumagot " tungkol diyan ate, sinabi niyang unti- unti nang hinahanap ng mga kasama niya ang kanilang masters" hayag nito " ganoon ba. Magpapahinga na ako" turan ko bago pinagpatuloy ang pagpasok sa kwarto.

// MINA //

Napasunod nalang ako ng tingin sa aking kapatid na si Lelus. Maliit na ngite ang naigawad ko sa aking sarili bago kinuha ang mga pagkain na naroroon.

Anak ako sa labas ng ama ni Lelus, isang salamankera ang aking ina na ngayon ay namamahinga na. Mula't sapol ay humahanga ako sa mga kapatid ko sa ama, gayundin sa aking mga kapatid sa ama. Malalakas at matatalino kumapara sa aking kayang gawin. Napabuntong hininga na lamang ako saka nagpatuloy sa aking ginagawa.

" Mina, kamusta ang paaralan?" Bungad agad sa akin ng aking nakakatandang kapatid na lalaki. Umuwi ako sa aming isla mula sa gubat ng Alamaris kung saan nakita namin ang bangkay ni Mio doon.

Si Mio ay kaibigan ni Lelus noong middle school nito ngunit tinalikuran ni Mio ang pagiging kaibigan nito sa kapatid at trinaydor. Umismid ako sa naalala bago sumagot kay kuya na nakadekwatro na naman sa kanyang paboritong sofa "Magulo. Nakapasok na ang mga halimaw sa iba' t ibang lugar at marami na ang nagbuwis buhay sa laban." Sagot ko na may kalamigan ang boses. Napaangat ang makapal at nakatikwas nang kilay nito bago ako tinitigan "at ang mga nilalang na iyon? May balita na ba?" Usisa nitong muli" Lumapit na si Lavender sa master nito" sagot ko naman.

Siyanga pala, ang kapatid kong si Lelus ang kumakatayong pinuno sa aming lahat. In her sense of authority ay napapasunod nito maski ang mga matitigas na barako. Ang kakambal naman nitong si Evi ang siyang tactician, siya rin ang komandor ng buong hukbo ng sandatahan. Ang isa pa nitong kakambal na si Ezel ay isang ispeya sa isang kalabang walang kasing lakas. Ito ay nagbabalat kayo bilang kasapi ng mga kalaban.

" Mina, sabi nga pala ni Evi ay pagtuunan mo ng pansin ang south Cromella. Mukhang may napansin siya roon para ipag- utos na tingnan ang lugar na iyon" pagbibigay alam sa akin ni kuya "okay kuya, ako ng bahala roon" tugon ko.

// RUKA //

Napahikab ako ng makaramdam ng antok, kanina pa kasi akong nakatunganga dito sa pwesto ko habang kaharap ang gabundok na bangkay ng mga halimaw at ka-schoolmate. Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa mga kaawa- awang bangkay na nakatingin sa akin. Asan na ba si Lelus?

" Kanina ka pa?" Tanong ni Lelus na kakarating lang. Kung tama ako ay kulay asul ang mga mata nito ngayon" kaninang kanina pa. Natapos na nga kami sa pagkukwentuhan ng mga bangkay eh" pilosopo kong sagot " ah... so ano ang pinag- usapan niyo?" Pakikisakay nito " kahit anu- ano lang" tugon ko ulit.

" oh! I love seeing someone being hurt or I myself being in pain. Glamorous experience!  " anito na nagniningning ang mga mata ngunit agad ding napasimangot" but my sisters always stopping me because we are bad in that state." Nakasimangot nitong tugon. Napailing iling ako sa narinig. Tama nga naman siya " Evi, ano ang napansin mo sa Cromella? " baling ko sa kanya na ikinahagikhik nito " akala ko hindi mo nahalata ang personality ko." Anito bago tumingin sa akin " There's something wrong in that place." Aniya then tumingin ulit sa mga bangkay " kapag hindi maganda ang nangyayari doon, I want to annihilate it. Slowly but surely " dugtong nito gamit ang pinakamalamig na boses. Napalunok ako dahil sa kaba. Ito ang mas kwela sa magkakapatid ngunit ito rin ang unpredictable sa kanila. Hindi mo mababasa ang iniisip nito gayundin ang kanyang mga plano " so, sino ang inutusan mo sa lugar na ito?" Tanong ko " Si Mina. Para naman may trabaho naman ang bunso naming iyon" tugon niya. Napailing iling balang ako bago tumayo " nasan nga pala si Lelus ngayon?" Baling ko ulit " nasa chasm. Kinakausap ang mga silfi niya" tugon niya sa akin. Napatango- tango nalang ako sa kawalan ng salita.

Nakakamangha talaga ang kakayahan ng tatlong ito. Kaya nilang lumipat lipat sa ibang katawan at kontrolin ito na parang kanila talaga. Body possession ability. Ang pagkakaalam ko ay malakas na mahika ang kakailangan kapag body possession na ang gagamitin mo, dahil totally controlled mo talaga ang katawan ng taong sasapian mo. Sina Ezel at Evi ay kayang gawin ito lalo na't nasa astral projection ang kanilang katawan. They can possessed someone na walang problema. Samantalabg si Lelus ay kayang magtawag ng mga nilalang especially mga silfri na hindi pa natatali sa isang ki, even in the mask. Sa katunayan ay nakokontrol niya ang mga silfri nina Evi at Ezel gayundin ang kanilang mask ng walang problema.



// ROWAN //

" Nagtatago ang mga halimaw. Hindi namin makita ang ilan sa kanila" balita sa akin ni Calhoun na hindi mapakali sa kinatatayuan " marami- rami ang nasawi sa atin sa laban. Casualties are worst than before, pati ang central island ay hindi pinalagpas" untag naman ni Erv na nakaupo sa silya nito while nakapatong sa mesa ang mga siko nito at nasa baba ang mga kamay "We got some reports na inaatake ang mga kalapit bayan natin ng mga halimaw " wika naman ni Etaine na nakapamewang sa amin. Buntong hininga ang narinig ko kay Sadie na siyang nakaupo sa princess chair habang nagtsa- tsaa "may nasira rin sa garden of Elois. Nakapasok ang ilang minana gamit ang portal at pinagsisira ang medicinal pots sa garden, pati ang mga poisonous medicine ay pinagbalingan din nila" ayon naman nito pagkatapos humigop ng tsaa " what?! Pati ang garden pinasok nila?" Hindi makapniwalang bulalas ni Etaine na tinanguan ni Sadie " I think, sinadya nila iyon para hindi makaresponde ang mga healer sa laban. Gagamitin naman ng mga sorcerers ang mga poisonous plant laban sa atin" deduct ni Sadie while humihigop parin ng tsaa "We need to be ready. Hindi natin alam ang mga galaw nila" untag ko sa kanila "how to be ready, Rowan?" Tanong ni Erv " General ready. All are suspect" tugon naman ni Calhoun " Should we ask some help from the goddess?" Baling sa akin Etaine " no need. Kaya ng Pouer kingdom ang problemang ito" tugon ko.



::::::::::::::::::::

Your writer,

Dyl

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon