WOM 23

898 25 0
                                    

// DYL //

Isang malaking balita ang kumalat sa kaharian ng Pouer, lahat ay nagulat at nagduda. Kumalat sa lahat ang pagbisita ng isang representative sa isla ng skoto, nais ipakilala ang kanilang pinuno na kaytagal ng nagtatago sa isla nito.

Kabilang sa nagulat ang mga anak ng limang isla na namumuno ngayon sa kaharian. Bawat isa sa lima ay may iniisip at pagdududa sa biglang pagpaparamdam ng nilalang sa skoto. Sumama sila sa pagpupulong na gaganapin sa high court of kingdom, isang lugar na tanging ang mga matataas na official sa kaharian lamang ang pwedeng makapasok.

Nakaupo ang limang tagapagmana sa pwestong malapit sa mga magulang, seryosong nakatingin sa lalaking nakatayo at nakaharap ngayon sa kanila "Magandang umaga sa lahat" pagbati ng lalaki habang nakayukod ang katawan. Makikita sa mukha nito ang kaseryusuhan. Umigkas ang kilay ng mag-inang Vossler sa inasal ng panauhin ngunit hindi nagkomento "ano ang pangalan mo at ano ang nais mo dito?" Usisa ni Claudius na siyang nakaupo sa pinakagitna upuan "Ako si Varl Gyssevalsa, nagmula sa isla ng skoto. Ipinadala ako ng aming pinuno upang ipaalam na dito papasok bilang estudyante ang anak niyang dalagita" tugon ng lalaki.

Nagkatinginan ang lahat na nandoroon, nagtataka sa nais ng pinuno ng Skoto "maaari ba naming malaman ang pangalan ng estudyante?" Tanong ni Devanthe, ina ni Calhoun "patawad po pero hindi pwedeng ako ang magpapakilala sa kanya. Siya lamang at wala ng iba ang pwedeng gumawa noon" sagot ni Varl "o sige, pumapayag ako. Ngunit dapat ay hindi gagawa ng hindi kaaya- aya ang estudyanteng ito at ipapahiya ang paaralan" wika naman ni Norman na tinanguan naman ng lalaki. Dinismis ang lalaki.

______________🖋️

// VERA //

Napabuntong hininga ako saka ginala ang tingin sa paligid habang kumakain ng kamote, nakakagutom naman ang pagsusulit na to. Andito kami sa labas ng paaralan, sa nayon ng Artum. Nasa bahaging timog ng kaharian malapit sa boundary ng Vastes. Gamit ang pentagon Center kaya kami nagteleport dito.

Ang sarap umiyak, wala akong kaibigan dito. Iba ang grupo na kinabibilangan ko. Pito kaming kagrupo ni Sadie na siyang mentor namin sa ibang subject, siya kasi ang mentor ko sa combat. Si S (Svea) naman ay nasa pangkat ni Erv MacNamara, si Lelus ay sa pangkat ni Rowan kasama si Ruka. Sina Reneeka at T (Teriana) ay magkasama sa pangkat ni Calhoun habang sa pangkat ni Etaine si Angelus. Bakit kami pinaghiwalay?

Kasalukuyan akong ngumangata ng potato ng makarinig ng ingay "Makinig! Tayong pangkat ay nabibilang sa healing squad. Dahil tayo ang may kakahayan sa Earth kaya ito ang angkop nating trabaho" wika ni Sadie na walang emotion ang mukha. Muntik pa akong mabilaukan sa gulat "Hindi lang tayo dito sa timog maglalagi. Lilibutin natin ang buong Pouer Kingdom para gamutin at agapayan ang mga falynn na nasaktan. Tig- tatlo ang pangkat ng bawat squad. Ako, si Lucia at si Dianthe ang pangkat ng mga manggagamot. Sina Rowan, Niall at Cailin naman sa battle field habang sina Erv, Kai at Thaki ang Shield maker. Ang pangkat nina Calhoun, Cagari at Anura ang magmamasid at magpapaalam ng babala sa lahat habang long range attack naman ang pangkat nina Etaine, Shan at Inoue " pagbibigay alam niya sa mga info ng bawat pangkat. Grabeh! Watak watak din pala ang mga Queen bitch.

"Bawat pangkat nakasuot ng iba't ibang coat na may logo at kulay. Ito ang magbabasé sa pangkat na kinabibilangan natin. Kulay puti na may logong dahon ang kapote natin bilang healer habang pula na may espada ang pangkat ng mga battle fielder. Gray na may logo na pakpak ang suot ng mga messenger habang blue na may kamay ang mga Shield Protector. Yellow na may kidlat ang suot ng pangkat ng long range attacker." Pagpapatuloy niya habang palakad- lakad sa harap namin "sinasabi ko ito para may idea kayo sa grupo na kasama natin at madali lang alamin kung saang pangkat nabibilang ang mga nakakasulubong natin. Be careful, hindi lang ailill ang umaali- aligid dito kundi katulad din nating mages na may kapangyarihan. Walang nakakaalam kung ano ang suot nila" aniya na ikinasinghap namin "now! Be ready sa lahat ng oras because anytime may sasalakay sa atin. Do not let your guard down para aktibo kayo sa lahat ng oras. Kaibigan natin ang nakapaligid natin at sila ang unang maging omen natin" turan ni Sadie na tinanguan namin "dismiss" huling wika ng dalaga bago tumalikod. Nakahinga ako ng maluwang ng makalayo ang dalaga, nakakatense ang presinsya nito kapag seryoso.

Agad kong tinungo ang tent na tutulugan ko mamayang gabi "Hi! Vera right?" Baling sa akin ng isang babae na may maikli at kulay kayumangging buhok, nakaipit sa bandang kilay nito ang clip na may bulaklak na rosalia (eight petal rose na kulay violet). Tumango ako bilang tugon saka pinagpatuloy ang pag-aayos ng tent "I'm Shasha, Omega class B" pakilala ng babae na nakatingin sa akin. Nilingon ko siya upang magpakilala ngunit nabighani ako sa viridescent green eyes ng babae kaya hindi agad ako nakapagsalita, its unique color "Hey! Are you alright?" Nag- aalalang tanong ng dalaga sa akin "ha? Ah yeah. Ang ganda kasi ng mga mata mo" komplemento ko na ikinangite nito "thank you" mahinang turan niya saka ngumite " Vera. Omega class A" pakilala ko na ikinakinang ng berde nitong mga mata "Omega Class A? Kayo pala yung lumaban kasama ang mga highest student " aniya na ikinapula ng mukha ko "ah... Parang ako nga yun" alanganing sagot ko "ang galing. Alam mo hanga ako sa tapang niyong anim, matatapang at palaban. Kahanga hanga din yung si Swabsk kahit nakaka- intimidate ang presinsya" hayag niya na sinang-ayunan ko "ay! Ikaw pala ang kaibigan ni Swabsk? Alam mo, maraming nakakagusto sa kanya pero natotorpe lang dahil napakatahimik. Hindi tuloy alam ng mga lalaki kung pano siya lapitan" sabat naman ng isang dalaga na nasa kanan niya, kulay berde naman ang buhok nitong kulot na nakatwin braided. Bulaklakin ang ribbon ng panali nito sa buhok "talaga? Naku, pati nga ako ay naiilang sa kanya. Okay pa si Ruka dahil madaldal pero si Lelus, ay iwan" turan ko na ikinasinghap ng nakisabat "Lelus pala ang pangalan niya! Ay, ako nga pala si Sariandi. Sa Omega class C naman ako" pakilala ni green haired " hi! Vera" Nagkwentuhan pa kami nina Shasha at Sari (yun daw itawag sa kanya eh) bago nagpahinga. Sukob kaming tatlo sa isang tent. Pasalamat nalang ako at mababait ang dalawa. Hay kamusta na kaya sila doon?



:::::::::::::::

Your writer,
Dyl

World Of Magic 1: The Mask MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon