Bumuka ang bibig ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Nakayuko si Silver. Napatingin sa direksiyon ko si Aling Cora. Mas nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung sino nang mas namumutla sa'ming dalawa.

"A-Aling Cora..." nanginig din ang boses ko. Nakita ko ang paninigas ni Silver. "S-Sino siya?"

Mahabang katahimikan ang naghari sa 'min. Hindi sumagot si Aling Cora. Nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa 'min ni Silver. Hindi na rin ako muling umimik. Sinundan ko lang ang bulto ni Silver na naglalakad na palayo.

Napahawak ako sa ulo. Napaupo sa gilid ng pinto. Mabilis akong dinaluhan ni Aling Cora. Hinagod niya ang likod ko nang umiyak ako.

Bakit na naman ba ako umiiyak? Leche! Nakakapagod na. "S-Silver. He's so stupid," sabi ko kay Aling Cora. "Idiot..."

Umiling siya. "He loves you, 'nak!"

"H-He's running away..."

"Tumatakbo ka rin naman." Napatitig ako sa kanya. Mas lalo lang akong naiyak. Pinunasan niya ang mukha ko. "Ayaw mo siyang makilala, 'di ba? Kaya ka ganito. Natatakot ka sa mangyayari kapag nakilala mo kung sino siya."

Hindi ako nakaimik. Kasi tama siya. Ayokong makilala kung sino si Silver. May idea na ako pero iniiwasan ko. Kasi hindi p'wede. Naguguluhan ako. Magugulo lalo ang mga nangyayari sa paligid ko.

"Mahal na mahal ko si Grant."

Napangiti si Aling Cora. 'Di lang ako sigurado kung totoo o pilit. "Alam ko. Magbihis ka na. Baka nakauwi na siya."

_..._..._

NAPATAKBO AKO mula kwarto papuntang sala nang tumunog ang telepono. Muntikan pa akong matisod dahil sa kamamadali ko. Hindi talaga nawawala sa 'king sistema ang pagiging clumsy.

"Hello—"

"I miss you, baby. I'll be there within seven minutes." Hindi na ako pinasagot ni Grant at ibinaba na niya ang aparato. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Seven minutes? Oh, shit!

Tumakbo ako pabalik ng kwarto at dumiretso sa banyo. Tapos na akong maghanda ng surpresa sa kanya pero hindi pa ako nakakapag-ayos ng sarili. Pangalawang beses na niya itong tawag kaya nawala na ang takot ko. Ang buong akala ko ten o'clock ang uwi niya pero mag-aalas nuwebe pa lang. Hindi naman sa ayaw kong 'wag muna siyang umuwi. Kaya lang hindi pa ako nakapaghanda.

Inabala ko ang sarili nang makabalik kami ni Aling Cora kanina.

Ayoko nang isipin si Silver.

Ang bilis ng mga kilos ko. Hindi ko na nga nagawa ang makapagligo nang maayos. Ang quick shower naging wisik-wisik na lang. Pasuot na ako ng damit nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Baby?" Nabitiwan ko ang hawak na blouse. Nahulog ito sa Jacuzzi.

Tarantang kinuha ko agad kaso basang-basa na. Napasabunot ako sa buhok at tumingin sa itaas. "W-wait lang." Kabado ako, gayo'ng hindi ko pa naman siya nakikita. What more kung nasilayan ko na ang kanyang mukha?

Ano ba, Heather! Tinawag ka lang niyang "baby". Hindi ka pa nasasanay? "Baby" lang 'yon. "Baby..." Ugggh!

Mahinang tumawa si Grant. "Hindi mo naman kailangang magpaganda; maganda ka na. Hindi mo na kailangang maligo; mabango ka na. Hindi mo na ako kailangang akitin; sadyang nakakaakit ka na!" Damn it! Ba't and sexy ng boses niya?

Paano niya pala nalamang may balak akong akitin siya?

Leche ka, Grant. Mahahalay talaga kita!

Saka ko lang napansin na tumutunog pa rin ang malamlam na musika na piniplay ko kanina. Naiwanan kong nakapatong ang magenta negligee sa malambot na kama. Hindi ko tuloy alam kung itutuloy ko pa ba 'yong plano o hindi na.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon