Final Destination 4 na ang kasalukuyang nakasalang, kakasimula pa lang dahil katatapos lang nila nung 3. Nasa race track ang mga tao, obviously nanunuod ng car racing at 'yong protagonist na in the end mamamatay din naman ay nakakita ng vision.

"Kyaah... ang astig!" Napatalon pa si JA nang nagsimula nang may mamatay. Unang namatay ang babaeng napugutan ng ulo nang matamaan ng lumilipad na gulong.

"Stop it, guys!" awat ko sa kanila. Pero mukhang hindi nila ako narinig o ayaw lang talaga nila akong pakinggan. Lumapit ako sa monitor at pinatay ang pinapanuod nila.

"Shit naman, ate!" sabay na naman sila. Tumayo rin at sumigaw nang mabitin sa palabas. Magkahati siguro ang pusod ng mga 'to. Nagkakasabay din naman kami ni Xy sa pagsasalita pero hindi katulad nila na halos minu-minuto.

"Iba na lang kasi ang panuorin n'yo." Naghanap ako ng ibang movie sa flash drive na nakalagay sa DVD at may pinlay dito.

"Ano 'yan?"

"Jenny and Juno."

"Ano 'yon?"

Napahawak na ako sa ulo at tiningnan sila, parehas na hindi maipinta ang mukha. "Panuorin n'yo na lang. Pero kung gusto niyong i-spoil ko kayo, isa itong romantic comedy. Ang plot ay may magkasintahan na nabuntis ng lalaki 'yong babae, they're both teenagers. At ang twists ang mga struggles nila dahil parehas pa silang nag-aaral at kung paano nila sasabihin sa mga parents nila. Ito na lang ang panuorin n'yo, may mapupulot pa kayo."

Sabay silang umiling. "Ang boring!" sabay ding tumalikod sa akin.

"Saan kayo pupunta?"

"Uuwi na. Doon na lang namin itutuloy ang panunuod ng FD!" At iniwanan na nga nila akong nakatunganga. Mga lokong bata.

Lumabas din ako para magpahangin. Umupo ako sa dalampasigan. Nakatunganga sa kalangitan na nag-aapoy ang kulay. Papalubog na ang araw. Pero tagus-tagusan ang tingin ko. Hindi ko nga namalayan na umiiyak ako. Hindi ko mapigilan. Sirang faucet yata 'tong mga mata ko. Ayaw malock.

Tumayo ako't naglakad-lakad. Hanggang sa mapaluhod ako't napahagulhol. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Sa buhay ko. Sa lahat.

Lumusong ako sa tubig. Kapag mabigat ang pakiramdam ko, naliligo ako. Nahuhugasan lahat ng pinagdadaanan ko, kahit hindi naman talaga nababawasan.

May biglang humila sa braso ko. Natulala akong napatitig kay Silver. Bakit siya nandito? Lalo na nang makita ko ang mga mata niya. Umiwas siya ng tingin. Napakurap ako. Imposible.

Niyakap niya ako. Paulit-ulit na sinabi sa 'kin na mahal niya ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit naaapektuhan ako? Hindi ko siya kilala. Hindi ko kilala ang buong pagkatao niya. Si Grant ang mahal ko. Wala ng iba.

Nakatulog ako. Inatake na naman ako ng narcolepsy. Masyado akong napagod sa mga nangyari. Hindi kinakaya ng sistema ko.

Nagising ako sa loob ng isang kubo. Nagtaka pa ako kung paano ako napunta dito nang maalala si Silver. Kasama ko nga pala siya. Pero nasaan na siya? Bumangon ako. Napatitig sa damit na nakapatong sa katawan ko.

Narinig ko ang kaluskos sa labas. Tumayo ako't lumapit sa may pinto. Nakita ko si Aling Cora na natulalang nakatitig sa kaharap niyang lalaki na nakatalikod sa 'kin. Unti-unting lumaki ang mga mata ko. Dinaga ang dibdib ko.

Si Silver!

Alam ko na ngayon kung ano'ng nangyayari. Ayoko lang ipasok sa 'king kukote. Ayokong mas alamin nang buo. Hindi p'wede. Mas mabuti nang wala akong alam.

Nanginginig ang mga labi kong nakatitig lang sa likod niya. Napahawak ako sa bibig. Nilalamig ako. Tama, nilalamig lang ako.

"Pakiusap, 'wag mo pong sasabihin sa kanya kung sino ako. Para sa ikakabuti niya ang ginagawa ko," narinig kong sabi ni Silver.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon