Inirapan ko na lang siya sa sinabi niyang iyon. In his foot I'll do that.


———

Naging usap-usapan sa school ang secret relationship namin ni Anton. Kung paano kumalat ay hindi ko din alam. Malalakas lang talaga ang radar ng mga estudyante dito.

"Is it true, Amara? You had a secret relationship with Anton Mendiola?" Bungad ng mga classmates ko isang araw na maaga akong pumasok.

Dahil ayoko na ding ipagkaila ay tumango na lang ako.

Marami akong narinig na galing sa kanila na mga comments about sa secret relationship namin. At karamihan sa kanila ay hindi makapaniwala.

"Hindi talaga nagtatagal ang mga ganiyang relasyon." Sabi ng isa kong classmate.

Maya-maya ay pumasok na si Yeshua sa room at hindi ako pinansin. Diretso siyang naupo sa silya and he never put some glance at me until our class ends.

Mabilis natapos ang isang araw na hindi ako pinansin ni Yeshua. Pati sa lunch ay wala akong nakasama dahil hindi ko rin nakita si Vincent.

Nagi-guilty na ba sila dahil sila ang nagsumbong kay mama? Nairita na ako dahil sa naisip na iyon.

Palabas na ako ng gate ng makita ko si Vincent na naghihintay doon, kasunod non ay ang paglapit ni Yeshua sa kaniya.

Nagmadali akong lumapit sa kanila.

"Yeshua! Vincent!" I shouted. Hindi nila ako nilingon. Sila pa talaga ang may ganang hindi pumansin gayong ako na nga itong naagrabyado sa ginawa nila. "Kayo ba?" Mabilis kong paratang sa kanila ng tuluyan ko silang nahabol. "Kayo ba ang nagsusumbong kay mama?"

Si Yeshua na may iritang mukha ang humarap sa akin. "Ikaw pa talaga ang may ganang magalit sa amin, Amara?"

It shocks me. So sila nga?

"Pinagsikretuhan mo kami, Amara." It's Vincent this time who speak. "Kami dapat ang nagagalit sa iyo."

"Kayo ba ang nagsumbong?" Ulit ko. Gusto kong siguraduhin. Ayoko iyong ganito. Kung sakali mang sila ang nagsabi, maybe I should stop going along with them.

Akala ko mapagkakatiwalaan sila.

Hindi na nila ako pinansin sa mga sumunod na araw. Hindi ko na katabi si Yeshua sa upuan. Nasa bandang likod na siya at sa tuwing uwian, lunch at recess ay wala na akong nakakasama. That makes me more emotional.

I blamed them. Sila lang kasi ang alam kong malapit kay mama at malapit sa akin. They must be blamed kahit saang anggulo.

"Napapansin ko na hindi mo na nakakasama iyong dalawa mong kaibigang lalaki ah." Palabas na ako ng gate ng tanungin iyon ni Vann sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "We're some sort of misunderstanding."

Nakangiti lang niya akong tinapik.



———



Hindi na nga kami tuluyang nagpansinan nina Vincent at Yeshua. We are now in our grade nine at hindi ko na sila classmate pareho. I am alone with no friends.

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now