CHAPTER 03

175 14 2
                                    

CHAPTER 03: HIGHSCHOOL ERA

AMARA'S POV

Patungo pa lang ako sa gate ng hakutin ko na ang halos lahat ng tingin ng mga estudyante doon.

I walk with my yellow stilletos, yellow floral offshoulder dress and my costly shoulder bag.

"Amara Domingo?" Rinig kong sabi sa gilid gilid.

"Yes, it's Amara Domingo. Oh my gosh!"

Nilampasan ko silang lahat na may palihim na ngisi sa loob-looban. Yes, it's me.The one and only Amara.

Naabutan kong nangingiti ang dalawang mokong na kaibigan ko ng tuluyan na akong nakapasok sa gate.

"What?" Nangingiti ko ring sabi, bahagya pa akong nagflip hair at natawa.

"We are expecting you na maganda ka kapag naka ganiyan ka pero–"

"Napaka ganda mo." Tuloy ni Yeshua sa sasabihin ni Vincent.

I slightly bow at them. "Thank you, sir." Kinindatan ko sila.

"Your lipstick suits your face. Ikaw ang naglagay?" Tanong nila habang pinapagitnaan ako. "You've learn, huh?"

Naglalakad na kami ngayon papuntang bulletin para malaman ang mga sections namin.

"I watch some make up tutorials. As what you two said, I need transformation." Nangingiti kong kuwento.

"Hindi na namin makita sa iyo ngayon ang Amara'ng laging naka headset at hoodie. Mukhang may babantayan tayo, Yeshua." Natatawang sabi ni Vincent.

Even though I changed my style, I still prefer go along with these two boys.

Nasa malapit na kami sa kumpulan sa bulletin ng tawagin ako ng mga classmates namin noong elementary. Nilingon ko sila.

"Amara?" Nagugulat nilang sabi na animo'y hindi makapaniwala. Nagtataas-baba sila ng tingin sa akin. "You...wow! I like your outfit." Puri nila.

Simpleng ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.

Si Yeshua ang sumingit sa kumpulan para tignan ang section namin. Vincent remains standing beside me.

"Remember Vann Flores?" Biglang bulong ni Vincent sa akin habang hinihintay namin si Yeshua.

I nod.

"Tinititigan ka niya." Pasimple niyang nginuso ang bandang kaliwa ko.

Pasimple ko rin iyong nilingon at naabutan ko nga si Vann na nakatitig sa akin sa kabila ng maraming estudyante.

I smiled at him, nakita niya iyon kaya ngumiti rin siya pabalik. Tumakas ako sa tabi ni Vincent para lapitan si Vann.

"Hi, Vann." I waved and stand in front of him while smiling. He smiled back.

"Nice change." Tingin niya sa suot ko. "Your dress suits you."

"Thank you, Vann–" naputol ang sinasabi ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

Domingo #3: Crush Me BackWhere stories live. Discover now