Chapter 10

723 20 5
                                    

Nakarating kami sa bahay nila nang may pangamba pa rin sa akin. Nakita ko agad na wala ang kotse ni Vinze sa kanilang garahe kaya kahit papaano ay nabawasan naman ang kabang nararamdamanan ko.

Right after Vile carefully parked his car, he called me and said, "Let's go."

Palabas na siya ng kotse nang may maalala ako. Hinawakan ko ang manggas ng damit niya at hinila siya pabalik sa loob. Nang makapasok ulit ay hinarap niya naman ako nang nakakunot ang noo.

"Why?" he asked.

"Ano... Nasabi mo na ba sa parents mo?"

Lalong naguluhan ang mukha niya at pinilig ang ulo. "Ang ano?" tanong niya kaya nahampas ko siya sa braso niya.

Nakalimutan na ata niya, hindi pa nga namin nasasabi ang katotohanan!

"Na hindi totoo 'tong relasyon natin!"

Napahawak siya sa batok at nahihiyang tumingin sa akin. "Uh... 'di pa, eh."

Muli ko siyang nahampas sa braso dahil doon kaya napahawak siya sa parte ng braso niyang hinampas ko, "Masakit!"

"Deserve mo! Kailan mo balak sabihin, ha?" Pinipigilan ko na lang ang sarili ko pero totoong naiirita ako sa kaniya. Angtagal na noon pero 'di niya pa rin maamin!

"I'm waiting for the right time..."

"Every time is the right time, Vile! Kung gugustuhin mong gawin 'tong right time..."

"I'm sorry, alright? They're still not over the plan to marry me off to some stranger," sagot niyang hawak pa rin ang braso niya. "I'll tell them soon, promise."

I rolled my eyes at him, "Dapat lang!"

Ako na ang naunang lumabas ng kotse niya at habang hinihintay siya para sabay kaming pumasok ay inayos ko muna ang suot kong shorts.

Napaka-casual lang ng suot ko ngayon dahil bahay lang din naman ang pinuntahan namin. Wala rin naman sa plano namin ang pagpunta rito sa kanila. I'm wearing a halter top, matched with a pair of denim shorts and white sneakers.

Nang makapasok kami sa bahay nila at naglalakad patungo sa dining area ay bahagya siyang lumapit sa akin para bumulong, "'Wag ka munang magsasalita ng kung anu-ano, sasabihin ko rin sa kanila 'yon, just not now." May bahid pa ng kaba ang pagkakasabi niya, kaba sa kung anong maaari kong ilantad.

Hindi ko siya nilingon at pinang-ikutan lang ng mata ang sinabi. Hindi ko naman talaga balak sabihin iyon. I don't want to assure him that I won't do it, either. Bahala siyang kabahan sa wala diyan.

"You're finally here! Mabuti naman at may takot ka pa rin sa akin, Vile," saad ni Tita Veronica nang makarating kami sa dining area. Tumutulong siya sa paglalagay ng mga pagkain sa hapag. She really works with class and elegance even with the smallest things she does.

Humarap naman siya sa isang kasambahay nila, "Pakitawag na si Lander at sabihing kakain na kami," bago muling bumaling sa amin at nakita ko ang may pananakot na tingin niya kay Vile. Tulad ng tinging ginawad sa kaniya nito kanina.

Saglit akong tumingin kay Vile para kumpirmahin kung natatakot nga siya at nakita kong may takot nga sa kaniyang mukha! Kaya naman pala hindi makakuha ng oras na umamin, dahil ganiyan ang takot kay Tita.

"Of course, Mom," simpleng sagot ni Vile sa sinabi ni Tita Veronica kanina. "By the way, is Vinzeler around?"

I saw how Tita Veronica threw him a dagger look, "Hindi ka pa rin talaga nag-kukuya sa kaniya."

"What's the matter? He's just a year older." And shrugged his shoulders.

"Bahala nga kayo, malalaki na kayo. And no, he's not around, hindi ko rin alam sa kapatid mo kung anong oras na naman uuwi 'yon," bago bumaling sa nasa likod namin na si Tito Lander pala, sinalubong niya ito.

10 Last MonthsΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα