Chapter 12: Trust

43 1 0
                                    


"The best way to find out if you can trust somebody is to trust them."

- Ernest Hemingway

•••

Briana's POV

Naggayak na ko nang aking mga dadalhin papuntang Bundok Muryong. Base sa kwento sa akin ni lolo Levis  marami daw mga halamang magagamit ko dun para sa gagawin kong tsaa kaso hindi mga ordinaryong halaman ang gusto ko. Yung nakita ko kagabing pakpak nang ulyaren ang pinakapakay ko talaga dun.

Ayon na den sa nabasa kong libro nasa gitna iyon nang tuktok nang bundok muryong, isang beses sa isang gabi kung maglagas nang pakpak ang ulyaren na nagiging bulaklak ayon den sa nabasa ko kaya netong magpagaling nang ubo at maging sangkap bilang pampalasa sa mga putahe.

Napagisip-isip ko den na subukan itong gamitin bilang sangkap na den sa gagawin kong tsaa sa pagsusulit ni Ministro Rouel.

"Oh anak, bakit nakabihis ka nang damit pang mortal?" 

Nagitla ako nang may taong nagsalita sa likod ko pagkakita ko si ina lang pala.

"Ina ginulat niyo naman po"

"Patawad aking beauty" aniya "Matanong ko lamang ano ang iyong ginagawa?"

"Ina, pupunta po pala ako sa bundok muryong"

Nangunot ang noo niya dahil dun pagkuwan ay ngumiti naman siya sa akin kaagad.

"Naiintindihan ko, magpapatawag lamang ako nang ilang kawal at tagasilbi para sa iyong paglalakbay"

"Naku nay hindi po!" tanggi ko "Gusto ko po sana ako lang mag isa. Alam niyo na po para maging indipendent na rin"

Muling nangunot ang noo niya sa akin dahil dun.

"Hindi ko maunawaan, anak"

"Ina, gusto ko pong magisang pumunta sa bundok muryong"

Napasinghap siya sa akin nang marinig iyong sinabi ko.

"Anak, delikado. Kailangan mo nang kasama" takot na takot niyang sabi "Isa kang prinsesa baka kung ano ang gawin sa iyo nang mga taga labas. Natatakot ako para sa inyong kaligtasan, aking beauty"

Napabuntong hininga naman ako sa kanya at napasapo nang ulo.

"Ina, nalimutan niyo na po ba na lumaki ako sa mundo nang mga mortal?" ani ko "Yakang yaka ko na po yan. Tsaka isa pa, marunong akong lumaban at kaya ko po ang sarili ko. Hindi niyo pa po ako kilala iba po ako sa mga prinsesa dito sa mundong to"

"Hindi pa rin ako mapapalagay aking beauty, mabuting pang magsama ka na lamang nang kahit isang kawal pa ako'y mapalagay"

Natawa ako nang alanganin kay ina.

"Ina hindi po, promise hindi ako mapapahamak kaya stay put lang po kayo. Isasama ko naman si Alivia at Vane kaya may kasama pa rin ako"

"Hindi ka matutulungan nang mga mediocris, anak. Hindi sila marunong kumalaban nang kaaway."

Hinawakan ko ang kamay ni ina at pinakatitigan siya sa mata. Alam ko namang nag aalala siya sa akin pero kaya ko naman na.

"Ina. Magtiwala po kayo sa akin, wala pong mangyayareng masama sa akin"

Hinawakan niya ang isa kong pisngi at bahagyang ngumiti.

"Oo na. Pinapayagan na kita lumisan."

"Salamat, ina" tugon ko "Promise dalawang araw lang ako mawawala sa ikatlong araw babalik agad ako"

Sleeping Beauty and the Guardian Jewels (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now