Chapter 5: Princess

90 7 2
                                    

"Like most girls, I fantasized about being some sort of a princess"

-Julie Andrews

•••

Briana's POV

"I-ina"

"B-Beauty ko! A-anak ko!"

Agaran siyang tumakbo payakap sa akin. Sinalubong ko naman siya, naiiyak ako sa hindi malamang dahilan.

"I-Ina ko" ani ko, umiiyak na ko sa bisig na aking tunay na ina. "B-Bakit po?"

"P-Paumanhin anak ko, kung nawalay ako sayo ng napakatagal anak ko, p-patawarin mo ang iyong i-ina"

Hindi sumagot sa kanya bagkos ay humagulgol na lamang sa kanya.

"Beauty ko!" hiyaw pa ng aking ina sa akin habang nakayakap. "Mahal kong anak!"

"I-Ina ko, M-mama ko" iyak ko sa kanya. "M-Mama"

Hinawakan niya pa ang aking magkabilang pisngi gamit ang kanyang dalawang malabot na mga kamay. Ngumiti siya sa akin habang tumatangis.

"Oh, aking anak. N-Napakaganda mo aking Beauty" sabi niya. "N-Napakaganda mong tunay, aking a-anak"

Ngumiti lamang rin ako sa kanya.

"I-Ina" yun lang ang nasabi ko, nahihiya kasi ako.

Kahit na nagagalit ako sa kanya dapat isinantabi ko na lamang. Gaya nga ng sabi nila nanay ana at tatay jome 'magpatawad'

"Napalaki ka nila ng maayos, Briana Beauty" sabi niya sa akin.

Sa hindi malamang dahilan ay naramdaman ko namang namula ang aking pisngi. PESTE! Nanay mo iyan at hindi crush, umayos ka nga, Briana.

"Asan po pala si ama, ina?"

Bigla namang nawala ang kaniyang matamis na ngiti. Napabitaw pa ito sa pagkakahawak sa aking pisngi.

"Sa totoo lamang ay hindi ko pa nasisilayan ang mukha ng mahal na phoenix"

"Ha? Ano po?"

"Paumanhin ngunit hindi ko pa siya nakikita, anak" sabi niya at ngumiti sa akin "Patawad anak"

"P-Pero—" nakakahiya namang itanong "Ahm ano kasi eh"

"Ituloy mo anak"

"Ano po kasi" nakakailang naman itanong "Ano po kasi ina ano," nararamdaman ko na namang namula ang pisngi ko "Pano po ang ko nabuo kung hindi pa kayo nagkikita?"

Napuyuko naman ako dahil dun. SHIT! NAKAKAHIYA!

Nagulat naman ako nung tumawa siya, napataas pa ang ulo ko para tignan siya. Napakahinhin naman pala niya tumawa.

"Paumanhin, anak kung ako'y natawa. Ang sagot pala sa iyong katanungan ay napakasimple lamang"

"Pano po ba niyo I mean" umiling pa ko "Pano pala nangyari?"

Ngumiti lamang siya sa akin at tumngin sa bintana ng aking silid.

"Nang ikasal ako ay Prinsipe Ragus, ang aking pinakamamahal na asawa, naging Masaya na ko, kahit pa ito ay kasunduan lamang"

"Huh?" hindi ko siya maintindihan "Si Ragus po ba ang Tatay ko?"

Umiling lamang sa akin si Ina.

"Hindi anak" sabi niya "Noon kasi ng dalaga pa ako at iisang prinsesa lamang ako sa magkakapatid ay nagkaroon ako ng isang lamat"

Napataas naman ako ng kilay ron. Ano namang konek ng lamat?

"Ayon kasi sa propesiya ang lahat ng may mga lamat sa katawan na nagsisimbolo sa elemento ay siyang magiging magulang ng mga magiging anak ng isang diyos, kasama na ako ron na nalamatan sa aking binti ng simbolo ng apoy"

Sleeping Beauty and the Guardian Jewels (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now