Tinagilid ko ang higa ko para tuluyang makaharap sa kaniya. I raised an eyebrow at her. "Competitor?" I probed.

"Yes. Come on, ano ngang pangalan?"

Bumalikwas ako at muling umupo, naka-indian seat. "I don't know her name."

Naiiling naman siya at hopeless na tumingin sa akin. "Paano 'yan?" Humarap siya sa computer at muli ring humarap sa akin. "Anong itsura na lang?"

Hindi niya pa kasi ito nakikita dahil tuwing nakakasalubong ko ito ay wala siya.

"Don't make me describe her. You know, I have the tendency to say otherwise because of my irritation towards her." I rolled my eyes.

"Fine. Any details? I might know her..."

"Lagi siyang kasama nila Vinze on the way to their practice. Tsaka 'yung kinwento ko sa'yo na nasa gym din siya?"

Napatingin siya sa taas at nag-isip tsaka bumaling sa akin ang tingin. "Something like the team's assistant?"

Napaisip din naman ako at maaaring pwede iyon. I nodded. "Pwede! And she looks too mature, maybe older than Vinzeler."

She faced the computer and scrolled from a conversation with someone. "Baka naman biased ka lang?" she asked.

"Hindi ah! I swear, she's giving me that energy." Tumango naman siya roon.

Nakita kong may cinlick siyang link at nag-open iyon ng panibagong tab. "Come here."

I obliged, went off the bed, then stood beside her computer chair. I crouched.

"She's the girl na pinag-uusapan ng classmates natin kasi naiingit daw sila." I rolled my eyes. "She's the new assistant of the basketball team," pagpapaliwanag niya habang tinitignan ko naman ang profile noon.

"How come I've never heard about that?" Nakakunot ang noo ko habang sinisilip ang profile nito.

"Ewan ko sa'yo, may sarili kang mundo, eh."

"Whatever."

Krizelle Nari Rentoza

The name rings a bell but I couldn't remember where I have heard or seen it.

"You're friends with her pala, oh." Napansin ni Sandra sa mutual friends ang pangalan ko at talaga ngang friend ko siya.

Hindi ko maalalang may in-add akong ganiyan ang pangalan.

"I can't remember adding her," I said.

"Baka siya ang nag-add sa'yo. We both know you confirm every friend request sent to you, 'pag nakita mo nang schoolmate natin." Hindi ko na lang pinansin ang latter part ng sinabi niya because somehow, it's true.

Pinindot niya ang 'About' at nakita naming Civil Engineering student siya. Kita rin sa 'Work' na siya ay assistant ng basketball team.

Now, I remember. Siya 'yung cinonfirm ko ang friend request noong naghihintay ako kay Vile noong kumain kami!

"I remember now! Siya nga 'yung cinonfirm ko last time. Ang mahalaga, hindi ako ang nag-add." May pride ang pagkakasabi ko noon at parang nagyayabang kaya tinawanan ako ni Sandra.

"Now let's see some photos to confirm if she's your ate girl."

Nakatalikod kasing babae ang nasa profile picture niya kaya hindi pa namin agad makumpirma. Pinindot ni Sandra ang profile picture at lumabas na may karamihan ang nag-like ng picture niya. Pinindot naman ni Sandra ang next, to reveal that she really is my ate girl.

10 Last Monthsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن