Special Chapter: Danico

211 8 3
                                    

"Magenta Lizares, thirteen." nahihiyang saad ng bagong feature writer. Tiningnan ko siya. She looks pretty and kind.

"This is Danico, a news writer. He is one year ahead of you." pakilala sa akin ng aming adviser.

"Hello, Kuya Danico." bati niya at ngumiti. Sht...ang ganda ng ngiti niya. Siya na ba ang first crush ko? No way!

***

"Hoy, Maggie. Ano bang ginagawa mo sa printer?" hindi ko alam ngunit palagi ko siyang sinusungitan. Nasanay naman siya siguro.

"S-Sorry, Kuya Danico. Natapon ko yata ang ink." nahihiya niyang sabi sabay peace sign. Napansin kong puno ng ink ang mga kamay niya.

"Second year ka na, di ka pa marunong mag-alaga ng gamit?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti lamang siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin.

Ilang segundo ay tumayo siya. Pumunta siya sa bag niya para kumuha ng wipes. Nilapitan ko siya at inagaw yon mula sa kanya.

"Kamay," utos ko.

"Ha? Ako n---"

Kinuha ko ang kamay niya at pinunasan iyon. Natahimik lang siya.

Habang hinahawakan ang kamay niya, hindi ko maiwasang ngumiti ng patago.

***

Late na at nandito pa rin ako sa eskwelahan. May tinatapos kasi akong mga requirements.  Nagdesisyon akong pumunta sa broadcasting room. Naiwan ko kasi ang aking bag doon.

Pagdating ko ay nakita ko si Magenta na nakapikit at nakahilig ang ulo sa lamesa. Mukhang pagod siya. Nilapitan ko siya at tiningnan ng maigi. Maya-maya ay gumising na siya. Tumikhim ako at kinuha ang aking bag.

"Bakit ka pa nandito? Gabi na ah." sabi ko.

"Wala pa ang driver ko eh. At may aircon dito, sarap matulog." tumawa siya.

Kinuha ko ang biscuit sa bag ko at binigay sa kanya, "Oh. Baka gutumin ka. Patayin mo ang aircon pag umalis ka na." sabi ko at umalis na rin. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

***

"Maggie, this is Lorenzo, my best friend. Enz, si Maggie." sabi ko. I introduced my best friend to her. I don't want to, but wala akong choice dahil araw-araw akong kinukulit ni Enzo.

"Hi," nakita ko ang pagblush ni Maggie sa simpleng bati ni Lorenzo. Definitely her type.

***

"Dude, she said yes!" magkasabay kami ngayon ni Lorenzo. Natigilan ako. Niligawan niya si Magenta? Naunahan na pala ako.

"Congrats. I'll go ahead, bro." dali-dali akong umalis. Nasasaktan ako. Iba ang gusto ng taong gusto ko...

Worst part ay ang bestfriend ko pa.

Sinubukan kong suportahan ang bestfriend ko at ng babaeg gusto ko. Nakita ko naman na mahal nila ang isa't-isa.

***

Habang gumagawa ako ng assignment ay biglang nagnotif sakin ang isang message galing kay Olivia. Nagulat ako sa pinadala niyang litrato. I ignored it at first...pero kailangan kong kausapin si Lorenzo.

Papunta ako ng gym para makita si Lorenzo. Isang linggo, hindi ko siya kinausap. Paano niya nagawa iyon kay Maggie?

Nagulat ako sa aking nadatnan. May hinahalikang babae si Lorenzo. At yun ay si Olivia. Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon.

***

"Maggie, Lorenzo's cheating on you." sabi ko sabay pakita ng litrato ni Lorenzo na nakahiga sa kama, kita lamang ang kamay ni Olivia na nasa mukha niya.

"No...." napahagulgol siya.

"I-I also saw him kissing an---"

"Shut up, Nico!" sigaw niya.

"At first, hindi ako makapaniwala. I'm so sorry, Maggie. Ayaw kong ginagago ka niya patalikod." tiningnan ko lamang siya. Umalis siya kaagad.

***

Weeks had passed. Naghiwalay sina Lorenzo at Maggie. Hindi na rin kami nagkaayos ni Lorenzo. Bahala siya. Sinaktan niya si Maggie. Sana hindi ko na lang sila pinakilala sa isa't-isa at the first place kung alam ko lang na ganito ang magiging kinalalabasan. Sana okay lang si Maggie. Sana, niligawan ko na lang siya noon. Sana ako na lang ang minahal niya.

***

Prom Day. Masaya ako dahil date ko si Maggie. Pero alam ko na nag-alala siya para kay Lorenzo. Buong gabi ay parang wala siya sa sarili. Hinayaan ko na lang.

Nagkaroon din ako ng tiyansa para ligawan siya. But I guess, talo pa rin ako.

Nang matapos kaming sumayaw ay pumunta ako sa CR. Pagbalik ko ay nakita ko na si Maggie na papalabas ng venue. Hinabol ko siya. Doon ko na nakita si Lorenzo na hinihintay si Magenta. Sumayaw silang dalawa. Ang...sakit. Mas masaya si Magenta sa kanya.

Hindi ko inasahan na nireject ni Magenta si Lorenzo. Alam kong may mga dahilan si Maggie. Nakita ko na ngumiti ng pait si Enzo bago umalis.

***

"Enzo." pagtawag ko sa kanya. Moving up ceremony na namin ngayon. Ilang segundo ay lumingon na rin siya.

"Kailangan nating mag-usap." sambit ko. Sinenyasan ko siya na sumama sa akin. Sumunod naman siya. Napunta kami sa labas ng gymnasium.

"I'm sorry...for being such a bad best friend." panimula ko.

Tiningnan niya lang ako.

"Before we step Senior High School, gusto ko, magkabati tayo. You are still my brother."

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Didn't expect that we ended our friendship because of a girl." tawa niya.

"She's a special girl for the both of us," sabi ko.

"I know. I'm also sorry for not knowing that you had feelings for her beforehand,"

"Go get your girl. She wants the both of us to be okay again," sabi ko na lang sa kanya.

Nalilito niya akong tiningnan.

"What? We talked. It's obvious that it's still you."

"Thank you, bro."

***

Years passed...I think nakamove-on na rin ako kay Magenta. It was hard to forget lalo na't first love ko yun eh.

Humahangos ako papuntang main building. Didn't expect that I would be late for first day of college. Marami pang bilin sa akin si Mama eh.

"Wait! Sir! You dropped this!" pagpigil sa akin ng isang babae. Mukha siyang mahinhin ngunit maganda. Hawak niya ang I.D. ko.

"Thanks," kinuha ko iyon at tumalikod.

"Maggie! Bilisan mo, late na tayo!" sigaw ng isang babae mula sa malayo. Natigilan ako sa pangalang binanggit niya.

Maggie...

"Heto na, bestie. Sorry may ibini---"

"What's your...name?" hinarap ko siya at tinanong.

"Uhm..." nahihiya niyang inabot ang kamay niya. "Magdalene. Maggie is my nickname."

Kinamayan ko siya at nginitian. "I'm Danico."

Dedicated to: Mr. Heartbreaker ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu