CHAPTER THIRTY-ONE: Serpent Island

252 10 0
                                    


Clerxiene
~•~

"Natatanaw ko na!" masiglang banggit ni Eury ng makita niya na ang isang isla.

Tama siya. Natatanaw na nga namin pero kinakabahan ako sa pagpasok sa islang 'yan.

"Ano nga ulit tawag sa islang 'yon?" tanong niya at as usual si kuya na naman ang sasagot.

"Serpent Island." aniya.

Ang isla ng mga halimaw. Mabuti nalang at naisipan ni mommy na ipasama si kuya at ate Zie sa amin. Pero ayokong maging selfish. Kung nandidito sila at kasama si Eury, siguradong masasaktan si ate Zie.

"Paano tayo makakapunta sa isla? Lalangoy ba tayo?" tanong ni Jairsen.

Nakarating kami sa pampang. Kailangan naming tumawid sa dagat bago tuluyang makarating ng isla ng mga halimaw.

"Tubig?" ngumisi si Eurydice. Parang alam ko na ang naiisip niya.
"Hahatiin ko ang dagat!" akmang ipoposisyon na niya ang kamay niya upang gawin 'yon.

"Hindi maaari ang gusto mo!" sabi ni ate Zie. Napatingin kaming lahat sa kanya at hinihintay siyang ipagpatuloy ang sasabihin.

"Nakakalimutan mo atang sa Serpent Island ang tungo natin." kalmadong sabi ni ate Zie.

Umirap si Eury, "I know. I didn't forget about that."

"Isla ng mga halimaw ang pupuntahan natin, alam mo rin ba?" kalmado pa rin siya pero parang tinatago niya nalang ang totoong nararamdaman niya.

"Whatever you say." umirap muli si Eurydice. Humarap siya sa dagat at balak niya nga talaga itong hatiin sa dalawa.

"Ako ang prinsesa ng mga tubig! Wala akong pakialam sa mga halimaw na nakatira sa dagat na yan!" pasigaw na turan niya.

Unti-unti humigop siya ng lakas upang masagawa ang plano niya.

"Itigil mo 'yan!"

Nagulat kami sa pagsabat ni Hyun Ra. Kanina pa siya tahimik. Kaya nakakagulat na makikisali siya.

"Sinabi na ni Ziekiah na hindi mo dapat gawin 'yan." aniya pero parang walang naririnig si Eury.

Malakas na kapangyarihan ang ginagamit niya pero hindi pa rin nangyayari ang gusto niya. May mga pagpatak lang ng tubig mula sa langit ang nangyayari.

"You damn ocean! Follow my command. I want you to make a way for us! Tear apart!" paulit ulit na sigaw ni Eury sa dagat pero mukhang hindi siya nito pinapakinggan.

"Ya! I'm the princess of water!" pilit pa siyang naglalabas ng kapangyarihan.

"You're a what?"

Napahinto kaming lahat dahil sa nagsalita. Isang boses mula sa dagat?
Tumigil si Eury sa ginagawa niya at parang napagod. Si kuya naman ay agad na lumapit sa kanya upang alalayan siya.

"Aqualyn!" tawag ni kuya.

Lumutang mula sa dagat ang isang babae. "Hindi ako makakapayag na may umaagaw ng pagiging prinsesa ko." aniya.

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora