CHAPTER TEN: Magulo...

803 26 3
                                    


Clerxiene
~*~

Maaga akong nagising kinabukasan. Inayos ko ang mga device na gagamitin namin para sa paghahanap. Siguradong magiging komplikado na ito dahil nasa isang linggo na akong naghahanap. Marami nang Dark Shadows ang nararamdaman kong naka aligid lang sa amin. Kailangan naming magdoble ingat.

Pagkatapos kong ayusin ang mga kailangan ko. Lumabas na ako ng kwarto. May bitbit akong mga weapon na nakalagay sa magkabilang bag sa hita ko.

"Aalis na ba tayo?" tanong ni Eury.

"Oy! Kumain muna tayo! Hindi porket gwapo ako hindi na ako nagugutom." pasigaw na sabi ni Jairsen.

Napakahangin niya talaga. Hindi ko alam kung side effect ba yon ng elementong hawak niya.

"Kumain ka na nga. Nagugutom ka lang hindi ka gwapo!" pasigaw ring turan ni Eury.

Hindi ako naiinis sa palagian nilang pagtatalo. Ang sweet nga nilang tignan.

"Good Morning!"

Napatingin kami sa may pinto ng pumasok si Arys.

"Good morning din." sabay naming sabi ni Eury.

"Bro!" bati naman ni Jairsen kay Arys. Nag fist bump sila na parang mag close.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Eury.

"Obvious ba?" sarkastikong sagot ni Jairsen.

Napairap naman si Eurydice sa kanya. "Harhar, Jairsen!"

"Magpinsan kami." si Arys na ang sumagot ng matino sa tanong kanina.
"Pinsan? Kayo?" hindi makapaniwalang sabi ni Eury. Maski naman ako, pero pinsan lang naman sila kaya siguro medyo opposite ang ugali. 

"Kakasabi lang eh." mapang asar na sabi ni Jairsen.

"Hindi kita kausap, Jairsen!" inis na sambit ni Eury sabay irap.

"At talagang..." hindi natapos sa pagsasalita si Jairsen nang may tumapon na tubig sa mukha niya.

"EURYDICE!" sigaw ni Jairsen. Lumamig ang hangin sa paligid kasabay ng pagtulo ng patak patak na tubig.

Tinignan ko ang dalawang nag aaway. Pareho naka angat ang kanilang kamay. Mukhang ginagamit nila ang kapangyarihan nila. At delikado kung ipagpapatuloy nila 'to.

"Tigilan niyo na 'yan." mahinanong saway sa kanila ni Arys pero hindi pa rin sila tumitigil.

"Eury, Jairsen, tigilan niyo na 'yan!" habang tumatagal ay lumalakas ang malamig  na hangin pati na rin ang pagpatak ng mga tubig na hindi alam kung saang parte ng kisame nagmumula.

"Paano ba mapipigilan ang dalawang 'to?" pabulong na tanong ni Arys sakin.

"Hindi ko rin alam." napabuntong hininga nalang ako at napayuko.

"Guys! Bumabaha na!" wala sa sariling bulalas ko.

"Shit!" sabay nilang turan at napatigil sila sa ginagawa nila. Pero ang ginawa nila ay hindi tumitigil. Patuloy ang pag ihin ng malakas na hangin at ang pag ulan sa loob ng bahay.

"Lumabas na muna tayo." sabi ni Arys.

Hanggang bewang ko ang baha kaya mahirap maglakad. Pinipigilan ng tubig ang bawat pag hakbang ko. Mabuti nalang at tinutulungan ako ni Arys. Si Eurydice at Jairsen naman ay sinusubukang kontrolin ang tubig at hangin, ngunit mukhang hindi gumagana ang ginagawa nila.

"Wala na talaga tayong choice kundi palabasin ang tubig." wika ni Eury at binuksan ang pinto na agad niyang nagawa dahil sa malakas na pressure.

Mabilis na umagos ang tubig at pati kami ay natangay.

"Shit! Mukha akong basang sisiw." inis na sabi ni Eury.

"Kasalanan mo naman 'yan." sagot sa kanya ni Jairsen.

"Ako pa talaga? Ha! Kasalanan mo 'to! Napaka hangin mo kasi."

"Tumigil na muna kayo sa pag-aaway." saway ko sa kanila. Nakatingin ako sa may pinto ng bahay, patuloy parin ang paglabas ng tubig.

'Hindi naman umuulan ah? Bakit binabaga sila?' narinig kong wika ng isang matanda sa bandang likuran ko.

'Baka nasira po 'yung tubo ng tubig nila.' sagot sa kanya ng isang dalagang mas bata lang siguro samin ng dalawang taon.

Napahinga ako ng malalim. Nagpapasalamat ako sa sinabing 'yun ng dalaga. Mukhang magagamit namin yun bilang palusot sa nangyayari.

'Bakit tila may kulay abong usok na lumalabas? Parang hangin." wika ulit na matanda.

'Kayo talaga, La. Matanda na nga talaga kayo. Kung ano ano nalang ang mga nakikita niyo. Mabuti pa magpahinga na muna kayo sa bahay niyo." inalalayan ng dalaga ang matanda hanggang sa makaalis iyon.

"Mukhang kailangan niyo ng tulong." wika ng dalaga kanina.

"No, Miss. We can handle this." maarteng tugon ni Eury na mabilis na sinalungatan ni Jairsen.

"Oo, Miss kailangan namin ng tulong." nakangiting sambit nito.

"Duh! Jairsen! Kung tayo nga na may powers walang magawa siya pa kaya? Tss." humalukipkip si Eurydice.

Napatawa ng mahina ang dalagang nag aalok ng tulong. Siguro ay iniisip niyang nababaliw na kami dahil sa sinabi ni Eury na may powers.

"Ano ka ba Eurydice? Anong powers? Nahihibang ka na ba? Ahh, miss huwag mo nang pansinin yung sinasabi nang babaeng yan." pagtatakip ni Jairsen at bahagyang siniko si Eury kaya lalong napatawa ang dalaga.

"Okay, so,  tulungan ko na kayong ayusin ang problema niyo." wika nito ng kumalma na siya mula sa pagtawa.

"Hindi na pala, Miss. Kaya na pala namin. Tsaka baka nakaka abala na kami." ako na ang sumagot sa kanya.

Hindi kami maaring magpatulong sa mortal. Baka malaman pa nila ang existence namin.

"Sigurado kayo? Alam niyo guys kung nangangamba kayo na may gawin akong masama or something. Don't worry, hindi ako masamang tao." nakangiting sabi niya.

Ramdam ko naman na hindi siya masama pero ngayon lang. Baka kapag nalaman niya na may tinatago kami ay siya pa ang magkanulo samin sa mga scientist na nag aaral tungkol samin.

"Hindi ka nga masama, mukha ka lang masama." mataray na tugon ni Eury. Napasimangot naman ang dalagang kaharap namin.

Kung titignan mabuti ang itsura niya ay hindi nga siya kagandahan at kaputian. Pero parang may ganda siyang tinatago. Magulo... Mahirap i explain.

"Eurydice!" sabat ni Arys. "Hindi mo dapat siya sinasabihan ng ganyan."

"Ayos lang. Sanay na ako." malungkot na turan ng dalaga.

"Pasensya ka na, Miss..." sabi ni Jairsen. Hindi siya natapos dahil sa biglang pagsingit ng dalaga.

"May nararamdaman akong kakaiba." makahulugang wika nito.

"Anong ibig mong sabihin?" takhang tanong ko.

Saglit siyang tumingin sakin at ngumiti. "Magulo pa ang nararamdaman ko at hindi pa ako sigurado. Pero may paparating..." hindi pa siya natatapos ng biglang may sumulpot na Dark Shadows.

Paano niya nalaman? Sino ba siya?

Tanong sa isip ko. Sandali akong napatingin sa kanya. Mukha lang siyang normal na highschool student pero bakit parang alam niya ang imortal? Bakit parang kilala niya kami?

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora