CHAPTER TWELVE: Her Side

704 17 1
                                    


Clerxiene
~*~

Sinamahan kami si Elleya na maghanap ng pansamantalang matitirahan. Sinabi niya na tutungo kami sa kanyang bahay. Pumayag kami dahil wala naman kaming choice. Nasisigurado kong ligtas kami don.

"Matagal pa ba tayong maglalakad?" maarteng tanong ni Eury. Papadyak padyak din siya na parang napapagod ng maglakad.

"Bakit hindi nalang tayo sumakay? Marami namang dumadaan na sasakyan?" tanong ni Arys. Buhat niya ang iba kong gamit kaya sumama siya.

"Tama! Kung wala kayong pamasahe. Sasagutin ko na,  gwapo naman ako eh!" mahangin na namang suggest ni Jairsen.

"Hindi pwede!" impit na sabi ni Elleya. May bakas ng inis ang tinig niya. Hindi ko makita ang facial expression niya dahil nauuna siya samin.

Hindi parin tumigil sa pagrereklamo si Eury. Dahil siguro hindi niya pa nararanasan ang maglakad ng napakalayo. Well, bakit nga ba kailangan niya pang maglakad kung may sasakyan naman sila. 

Nagkibit balikat nalang ako at ilinagpatuloy ang paglalakad. Sanay na ko sa ganito dahil kasama 'to sa training ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Arys.

Tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Nasaan na tayo? Bakit wala ng tao rito?" tanong naman ni Jairsen. Tinignan ko ang paligid at tama siya. Wala ni isang tao rito. Wala ring kahit anong bahay.  At nasa harap kami ng isang mataas na pader. Katumbas ang taas nito sa pader ng Veirsaleiska.

"Pinagmumukha mo ba kaming tanga?" inis na saad ni Eury. Humarap sandali sa kanya si Elleya. Lumamig ang temperatura sa buong paligid. Kinilabutan ako bigla dahil kakaiba ang nararamdaman ko.

'Tama bang pinagkatiwalaan namin siya?'  tanong na bumalot sa isip ko.

Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Mas lumakas ang aura niya at mas nakakatakot.

"Ech li va dor!" nag chant siya ng spell sabay hawak sa pader na nasa harap niya. Maya maya ay biglang nagbago ang wangis ng pader, unti unti itong naging isang malaking tarangkahan na dahan dahan bumubukas.

"Tuloy kayo!" masiglang pagpapatuloy ni Elleya.

Hindi kami makakilos sa kinatatayuan namin. Sila Eurydice, Arys at Jairsen ay parang natulala sa naganap. Ako naman ay palipat lipat ang tingin sa gate at kay Elleya. Pero napako ang mata ko ng mapansing parang nainis siya dahil hindi kami tumugon sa sinabi niya.

"Pumasok na kayo." malamig na turan niya. Nauna na naman siyang naglakad. Kinalabit ko na yung tatlo. Mabilis naman silang kumilos at naglakad papasok. Mukhang pangkaraniwang bakanteng lote na may 2 storey house lang ito sa unang tingin. Pero kapag pumasok ay makakaramdam ng pagbabago ng temperatura. Biglang lumamig ng makalampas kami sa pader.
"Pasensya na sa biglang pagbabago ng temperature. Mas gusto ko kasi ang malamig. Mainit na kasi sa labas." nakangiting paliwanag niya.

"Ayos lang." ako na ang sumagot dahil mukhang wala sa sarili ang tatlo.

"Pumasok na muna tayo sa loob ng makapagpahinga kayo." nakangiti pa rin siya habang itinuturo ang bahay niya.

Sumunod muli kami sa kanya. Tinapat niya ang palad niya sa sensor na nasa pinto bago ito kusang bumukas. Tuloy siyang pumasok kaya sumunod na kami. Ibinaba na nila Arys ang mga gamit na bitbit nila.

"How on earth..." hindi natuloy ni Eury ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang nawalan ng malay. Maski ako ay parang nanghina.

"Sorry." sabi ni Elleya. Nag snap siya kaya biglang nawala ang mga lumulutang na water, air, fire at dark sphere. Tumingin siya samin at kay Eurydice na walang malay. "Kailangan niyang mag ensayo masyado siyang mahina."

"A-nong i-ibig m-ong..." pinutol ni Elleya ang pagsasalita ni Jairsen na parang kinakapos ng hininga.

"Hinihigop ng mga sphere na 'yan ang kapangyarihan ng mga pumapasok dito. Except sakin dahil ako ang gumawa sa kanila at ginawa ko 'yan as protection. Kaya kung patuloy kayong nanghihina habang nandyan ang mga sphere ay mawawala ang proteksyon ng bahay at maari ng mapasok ng kalaban." napatango kami sa kanya.

"Pero may tanong pa ako." napatingin kami kay Arys. Tinanguan siya ni Elleya kaya nagpatuloy na siya sa pagsasalita. "Paanong nagkaroon ng ganitong lugar? I mean napapadaan ako sa mga dinaanan natin kanina pero walang ganitong lugar." alam kong medyo naguguluhan siya at nahihirapan din ipaliwanag ang nakita. Ganun din ako.

"May portal tayong dinaanan kanina na naka konekta sa lugar na 'to. Tanging ang mga imortal o mga taong may kapangyarihan at sapat na kakayahan lang ang nakadadaan sa portal na 'yon." tumingin siya samin isa isa. "At, lahat ng dumadaan don ay nararamdaman ang enerhiya ng portal."

"Anong nais mong sabihin?" tanong ko.

Itinigil niya ang tingin niya sakin. "Pwede kong sabihin na kaya hindi naramdaman ng tatlong ito..." tinuro niya sina Eury, Arys at Jairsen. "...ang portal dahil sa normal na tao lang sila at nakadaan ang dalawa dahil sa suot nilang kwintas at si Arys, malamang ay dahil may dugo pa rin siyang imortal, tama ba ako?"

Nagulat ako dahil alam niya ang bagay na 'yon. Pero paano?

Muli niyang itinuon ang pansin niya sakin. "Ikaw Pri..." umubo siya ng marealize ang sasabihin. Mabuti nalang at naiintindihan niya ako.

"Clerxiene, isa kang imortal kaya ka nakapasok pero dapat ay mararamdaman mo 'yon." sabi niya.

"Wala akong kapangyarihan kaya siguro hindi ko 'yon naramdaman." tuwid na sabi ko.

Napahawak siya sa kanyang baba na tila nag iisip. "Or, pwedeng unti unti ka ng nagiging isang normal na tao kaya hindi mo 'yun naramdaman." seryosong saad niya. Bigla nalang akong ginapangan ng kaba.

No way! Nangilid ang luha ko dahil sa sinabi niya. Hindi pwedeng mangyari 'yon! Huwag naman sana.

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Where stories live. Discover now