Chapter 2

15 3 1
                                    

CHAPTER 2:

palapit na ako ng palapit kung nasaan si Dave. Hindi pa ako handa na makita siya. Natatakot ako at kinakabahan dahil wala gaanong tao sa labas. Baka mamaya ay bigla niya ako hatakin. Alam ko na ako ang sinadya niya dito kasi wala naman siya iba kakilala dito.

Nang makalagpas ako sa kanya ay medyo nakahinga ako ng maluwag pero nagulat ako ng bigla siya sumunod at hinawakan ako sa braso.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako Dave!"

"Pwede ba mag usap muna tayo ha?!" --Dave

Ramdam ko na galit siya kasi ang higpit ng hawak niya sa braso ko. Medyo nasasaktan nga ako eh.

"Wala tayo dapat pag usapan Dave. Kasi nasabi ko na lahat sa iyo nung araw na yun na wala na tayo. Hindi mo ba naiintindihan yun?"

"Marami. Marami tayo pag uusapan. Hindi naman ako pumayag na makipagbreak sayo diba?!" --Dave

Pumiglas ako kasi mas lalo humihigpit yung hawak niya sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!" Pumipiglas pa din ako dahil ayaw niya ako bitawan at nung nakawala ako ay bigla ko siya sinampal at naglakad na ulit.

Pero hinila niya ulit ako at nung napaharap ako ay sinampal niya din ako. 

"How dare you do that to me! Wala kang karapatan gawin yun sakin dave kasi unang una, hindi kita sasampalin kung hindi mo ako nasasaktan sa mga hawak mo. Kulang pa nga yung isang sampal eh!"

Hinatak ko na ulit ang kamay ko at naglakad na ng mabilis. Buti na lang at may ilang tao na sa labas ng subdivision.

Narinig ko na sinigaw ni Dave na magpapakamatay daw siya pero hindi pa din ako tumigil sa paglalakad. Binalewala ko lang siya at napansin ko na nauna na siya maglakad sakin at umuwi na.

Hindi na ako naniniwala sa kanya pag sinasabi niya yun dahil alam ko naman ma hindi niya itutuloy. Lagi niya lang panakot sakin yun kapag ayaw ko makipagbati sa kanya nung kami pa.

Nanginginig talaga ako habang naglalakad. Hindi ko alam kung kaya ko pang makapasok. Buti na lang ay mag dumaan ng jeep at makakasakay na ako.

Nung nakasakay ako ay medyo patingin tingin sa akin yung mga pasahero dahil yung mata ko ay maga kakaiyak kanina kay Dave.

Napaisip ako kung bakit ba ayaw niya ako tigilan.

Medyo nagulat pa ako nung nagring yung phone ko

Dave calling....

Ano na naman kaya ang kailangan niya? Naka ilang missed call sya bago ko iblock ang number niya para hindi na niya ako matawagan.

Nakatanggap pa ako ng text sa kanya na hindi daw siya titigil hangga't hindi niya daw ako nagiging girlfriend ulit.

Feeling ko ay napakadesperado nya naman. Ano bang ginawa ko sa kanya para mahalin nya ako ng ganito? Pero hindi. Ayoko na. Paano ko pa babalikan ang tao na sinaktan ako?

Haaay naku. Dapat hindi mo na sya iniisip Alice. Masasaktan ka lang.

Mahal ko pa din naman siya kahit papaano. Pero anong magagawa ko? Nangyari na ang dapat mangyari ehh.

Hindi ko napansin na sa kakaisip ko kung paano iiwasan si Dave ay malapit na pala ako sa bababaan ko.

Naglalakad na ako nang may bumati sa akin.

"Hi Alice! Kamusta ka na? Ang tagal natin hindi nagkita ah!"

Si Cara. Ang ex bestfriend ko.

Bakit ex? Kasi inagaw nya sakin yung dati kong boyfriend.

"UI! Ikaw pala yan. Sorry ha? Hindi kita namukhaan agad. Laki ng pinagbago mo ah. Ay, teka. Sasakay ka din ba ng train?"

"Yes. Pero hinihintay ko pa si Drake. Ang tagal nya nga eh"

"Kayo pa din pala hanngang ngayon. Oh sige, mauuna na ako ha? Baka kasi malate pa ako sa date namin ni Jake."

Ewan ko ba pero naiinis na naman ako sa kanya. Bitter na kung bitter pero hindi naman biro ung naranasan ko na childhood bestfriend ko sya. Alam nya halos lahat ng sikreto ko. Tapos mang aagaw siya ng boyfriend? Ang kapal naman ng mukha nya.

"May boyfriend ka??" --Cara

"Oo naman! Galing pa nga syang Virginia eh. My boyfriend was a foreigner. Pumunta sya dito sa Philippines to be with me. Ang sweet niya diba?"

Nakita ko na nag iba yung expression ni Cara. Oh well, ayaw niya kasi ng nahihigitan sya.

"I really have to go. Pakasaya kayo ni Drake. Take care :)"

I turned aroung and walk confidently.

Ganun naman eh. Dapat hindi ka nagpapatalo sa mga nanliliit sayo. Yung feeling na akala nila hindi mo kaya gawin ang isang bagay? Prove them wrong! Patunayan mo sa kanila na hindi lang sila ang may kayang gumawa nun.

Speaking of Jake. Kaibigan ko siya from Virginia. I know nagsinungaling ako kay Cara pero you should have seen her face! Sobrang hindi maipinta.

Biglang tumunog ang phone ko.

Jake Calling....

Ayan na naman sya. Buti na lang malakas ang signal ng mobile data ko.

"Hey. What's up?"

(Nothing bestfriend. I just want to check on you since you didnt reply to my text.)

"Oh sorry. I didnt notice it. By the way, im at the train station already"

Napapasabak na naman ako ng english -_- pinagtitinginan na naman ako ng mga tao dito.

(Hellllooooo?)

"Oh sorry. What did you say?"

(You're not listening. Haha. Anyway, you should take care of yourself and be careful. Dont talk to strangers!)

"Im not a kid anymore. Hahah. Thanks. The train is here already. I have to go. I'll text you once you ended the call. Bye."

(I love you)

"I love you too bestfriend"

Nagulat ako sa pag i love you nya. Medyo hindi pa din mag sink in sa utak ko ngayon kung bakit nya un nasabi. Pero ayoko naman mag assume kasi mag bestfriend kami at heelllooooo. Taga Virginia kaya sya. Ang layo nya. Alam ko naman na mas madaming babae doon na sobrang mas maganda pa sakin.

I dont know. I just thought that Long Distance Relationship isn't gonna work for the both of us.

Alam ko masyado pa maaga para mainlove dahil kakabreak lang namin ni Dave but unti unti na ako naiinlove kay Jake. Yung feeling na gusto ko siya kausap lagi kahit na badtrip ako. Sobrang saya ko kapag magkausap kami. Lagi ko siya naiisip at hanggang sa panaginip ko ay nandun pa din siya.

Si Dave at si Jake.

Sobrang layo nila sa isa't isa. Alam ko sa sarili ko na may konting pagmamahal pa na natitira para kay Dave pero unti unti na ito nasasakop ni Jake.

Natatakot ako na baka sa mga susunod ma linggo o buwan ay tuluyan na ako mafall kay Jake.

At kapag nangyari yun ay hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang sarili ko.

One message received

Napatingin ako bigla sa cellphone ko.

Hindi ko alam kung babasahin ko ba ang laman noon.

Dahil sa taong nagtext.

----------------

Sino kaya yung nagtext? Haha. Napaka gulo ng buhay ni Alice!

Sa tingin niyo ay maayos pa kaya ito?

Magkakatuluyan kaya si alice at jake?

Don't forget to vote and comment! <3

PAST or PRESENT? This is my story.Where stories live. Discover now