Ngumiti siya sakin sabay sabing, "Iho, alam mo ba yung kasabihan ng iba na, the more you hate, the more you love? Siguro naman, aware ka dun e muka ka namang matalino. Gwapo ka, maganda siya kaya di na ako magtataka kung magkatuluyan kayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Jani.
"Ahhh, sige po. Una na ko." Paalam ko nalang saka ko patakbong sinundan si Nerdy Nerd. Buti nalang naabutan ko siya.
"Grabe ka. Bakit mo ko iniwan dun? Tinulungan ka kaya ni Kuya para makalabas dun sa classroom natin. Dapat nga magpasalamat ka man lang sa kanya. Hay naku, kung alam mo lang kung paano siya maghinala kanina. Sobrang nakaka--" kuwento ko habang naglalakad kami pero naputol dahil sa pag-alburoto ni Nerdy.
"Anong pakulo na naman to Third?!" bungad niyang tanong habang nakatingin ako sa namumugtong mata niya.
"Aawayin mo na naman ba ako ha?!" Pinilit kong hindi magpaapekto sa tingin niya.
"Tinatanong kita. Hindi kita inaaway. In the first place, ikaw ang unang nagbully sakin." Paliwanag niya.
"Eh, hindi naman ako may gawa nyan sayo eh." Depensa ko.
"Pero dahil sayo kaya nangyayari sakin yung mga bagay na to. Hayst. Ewan ko ba bakit kailangan kong maranasan tong nga to dito sa school niyo." Wala sa sariling kuwento niya. Napayuko siya habang naglalakad.
Napatahimik ako sa sinabi niya. Saglit na napaisip.
Oo nga. Ako ang unang nagbully sa kanya at dinikitan pa ng 3rd warning at dahil dun kaya mas dumadami na yung bashers niya at mga taong gustong pagtripan siya ngayon.
Hindi ko alam pero sa tagal ko ng gawain itong pambubully, ngayon ko lang naramdaman na parang apektado ako.
Ramdam ko yung lungkot ni Nerdy Nerd habang naglalakad at sa di ko malamang dahilan ay huminto ako sa harapan niya. Napahinto siya sa paglalakad dahil sa biglang pagharang ko. Malungkot siyang tumingin sakin.
"Wag kang ganyan, may pupuntahan tayo para hindi ka na maging malungkot." Nagtaka siya dahil sa sinabi ko.
"Saan naman?" tanong pa niya.
"Basta sumama ka nalang." sambit ko nalang tsaka ko siya dinala sa ice cream parlor.
Ito kasi ang alam kong pampasaya ng mga karaniwang babae mas lalo na kapag nalulungkot sila. Mga kapatid ko kasi ganito.
Nagtanong ako kung anong flavor ng ice cream ang gusto niya at ang sinagot niya ay cookies and cream. Binilhan ko siya at taka siyang napatingin sakin nung hawak ko na yung ice cream niya. Kinuha ko ang kamay niya para dun ipahawak ang ice cream.
"Matutunaw na yan kung di mo pa kakainin." parinig ko nung napansin kong hindi niya pa kinakain yung ice cream.
"Eh ayokong ako lang yung kumakain. Pano ikaw?" Concern ba siya sakin o ano?
"Hayaan mo ko. Hindi ako mahilig sa ice cream. Sobrang lamig kasi, mabilis mangilo yung ngipin ko dyan." Preskong sagot ko tsaka tumingin sa glass window na nasa gilid ko.
"Hindi ako sanay na ako lang kumakain mas lalo na ngayon na may kasama ako. Okay sana kung literal na ako lang mag-isa ih kaso nandyna ka. Ano titigan mo lang ako habang kumakain?" Mahabang salaysay niya. Napatitig ako sa kanya. Napaiwas naman siya ng tingin.
"Parang ganun. Siguro." nasagot ko nalang tsaka tumingin ulit sa bintana.
"'Ha? Gulo mo." Naguluhang sabi niya na nagpangiti saglit sakin.
Hays. Kahit kelan mahirap tong kausap.
"Isipin mo nalang ice cream hater ako para di ka na maguluhan dyan." Explain ko sa kanya habang nakamasid ako sa pagkain niya ng ice cream.
"Okay. Salamat ah. Nanlibre ka." Medyo natuwa naman ako nung marinig ko ulit yung thank you niya.
Medyo natuwa lang. MEDYO.
"Libre ka dyan. Utang mo yan." Biro ko na umakting pa na seryoso ako para maniwala siya.
"Utang? Ay ibabalik ko nalang to." Odiba, naniwala nga siya.
Talagang balak pa niyang ibalik yung nakain na niyang ice cream? Yak. Baka mabalik niya.
Hindi nag-iisap tong Nerd na to. Hays.
"Sira. Kainin mo na. Uto uto ka talaga. Joke lang yun." Sunod sunod kong sagot na nginitian niya.
Pagkatapos niyang kumain. Syempre nagdecide na rin kaming umuwi na. Tinanong ko siya kung kaya niya bang umuwi tas ang sagot niya kaya naman daw niya mas lalo na ngayon na naibalik ko na yung bike niya. Hinayaan ko nalang siyang umuwi nang mag-isa tutal kaya naman niya sarili niya.
YOU ARE READING
Mr. Third meets Ms. Nerdy: The 3rd Nerd Princess
FanfictionFanfic story of Third Kamikaze. ✴✳✴ Mr. Third is a well-known guy in a famous university. Kilala siya subalit hindi sa magandang pagkakakilanlan. He is known as a bully who always pick newbies as his targets. Meanwhile. . . Ms. Bria is a transfer...
Chapter 20 💖
Start from the beginning
