Chapter 28 💗

82 37 0
                                        

° Chapter XXVIII:
Straightforward °

Thirdivin's POV

"Sus. Ang sabihin mo naiinlove ka na naman sakin." Mahanging banat ko na ngumisi pa sa kanya.

"Ang kapal mo ah. Ang yabang mo talaga." Mataray na komento ni Nerdy sa sinabi ko. Saglit akong napatitig sa kanya ngunit iniwas niya ang tingin sakin.

"Ganun talaga pag confident na gwapo." Proud na saad ko kay Nerdy Nerd saka ko siya kinindatan.

Wait, what? Bakit ko siya kinindatan?!

Akmang aalis na sana ako nang biglang,

Ahhh---

*bogsh*

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa bigla ko na naman napanaginipan ang Nerdy Nerd na yun.

What the heck? Bakit ko ba siya napapanaginipan?

Ginulo ko ang buhok dahil sa frustration na gumugulo sa utak ko.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa calendaryo na nakasabit sa wall na katapat ng kama ko.

It's her special day.

Marahan kong inayos ang sarili ko pagkatayo ko sa binagsakan kong kama tsaka ako nagdecide na maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay saktong tumawag ang birthday girl. Kinuha ko ang cellphone kong nakalagay sa ilalim ng unan ko. I slide the screen of the phone to answer her call.

["Thirdi! Hindi ko na dapat sabihin to so dapat alam mo na--"] Pinutol ko agad ang sasabihin niya. Ang daldal niya talaga hahaha.

"Happy Birthday Takie Lore" Nakangiting bati ko sa telepono, as if namang nakikita niyang nakangiti ako.

["Thankyouuu! Basta text ko nalang sayo kung saan celebration, punta ka ah. See you."]

"Sige, see you." then I ended the call.

Naglakad ako papuntang closet ko. Namili ng comfortable clothes na magagamit ko bilang pambahay syempre. Mamaya pa naman yung birthday party ni Taky.

I texted the three ugoks na sila Warren, Seven at Noel na puntahan ako sa bahay mamaya para may kasama akong pumunta kila Taky para kapag naligaw ako papunta dun ay kasama ko sila, pero syempre joke lang ulit iyon. May google map naman kaya hindi kami maliligaw.

Mabilis lang lumipas ang oras at eto na nga kami ready to go na sa hotel kung saan ise-celebrate ang birthday ng girl bestfriend ko. Pumasok na kami sa elevator at pinindot ang floor kung saan nakapuwesto yung celebration room ni Taky.

As we entered the room, makikitang magarbo yung party, mapapansin na agad yun base sa designs and theme ng buong room na pinasukan naming tatlo. Sa pagkakakilala ko kay Taky ganito nga yung dream party niya at ito na nga yung tinupad nila Tito at Tita para sa kanya.

Naghanap kami ng magandang puwesto nila Warren at napili namin yung sa bandang likuran na medyo malayo sa center stage kung saan may makikitang malaking couch na kulay red na may halong konting pink.

Ilang minuto pa ang lumipas at napansin ko ang isang pamilyar--or I should say very familiar face sa party.

Kasama pala siya dito? Teka, kelan pa sila naging friends ni Taky!?

Hindi ko na inabala ang sarili kong sagutin ang mga tanong ko sa isip ko dahil nagsimula na ang pag-entrance ni Taky papunta sa upuan niya na nasa harapan.

Mr. Third meets Ms. Nerdy: The 3rd Nerd PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora