Chapter 20 💖

93 59 5
                                        


° Chapter Twenty:
Ice Cream Hater? °





Third's POV




Nagbugtong hininga ako. Napakabilis ng araw. Biro mo parang kahapon lang e lunes palang tapos biyernes na ulit!

Nag-inat ako ng braso ko tsaka ako naghikab. Kakagaling ko lang kasi sa tulog dito sa arm chair ko. Medyo hinilot ko rin ang batok kong nangangalay. Hindi sinasadya ay napatingin ako sa katabi ko.

Aba, tulog din?

Saglit akong napatitig sa mukha niyang nakapikit at para bang mahimbing na natutulog. Napangisi ako nung may biglang mantrip sa kanya. Nakita ko kung paano pagbuhulin ng isang lalaki yung tali ng bagpack ni Nerdy sa upuan niya. Medyo natawa pa ako dahil naimagine ko agad yung mukha niyang inis habang tatangalin yung pinagbuhol na bagpack niya sa arm chair niya.

Uwian na kasi at hanggang ngayon hindi pa rin siya gising. Eh kapag may natutulog kapag uwian, madalas mapagtripan ng mga students. Mas lalo na pag mahimbing talaga yung tulog. At tulad nga ng sinabi ko, tinodo talaga nung mga kaklase namin yung pantri-trip kay Nerdy Nerd. Una yung sa buhol na bag, pangalawa ay itong pagbudbud nila ng pulbo sa buong mukha niya, pangatlo ay itong pagpadlock sa kanya sa classroom namin. Pinigilan pa nung iba yung dalawang kaibigan ni Nerdy na pumasok para magising yung kaibigan nilang nerd. Sa huli, walang nakatulong kay Nerdy Nerd. Binitbit ng iba mapantrip naming kaklase yung dalawang asungot ni Nerdy papunta sa school gate. Walang magawa yung dalawa kundi sumunod nalang kasi the more na ipu-push nilang tulungan si Nerdy, the more na mas mapapahamak siya.


Malalim akong huminga tsaka ako nagdecide na umalis na ng school pero sa di inaasahang pagkakataon muli kong nakita ang ex girlfriend kong matagal ko nang hindi nakita. Nagpako ang tingin namin sa isa't isa. Nawala yun nung bigla siyang umalis. Kinusot, kinurap ko ng ilang beses ang mata ko. Napaisip din kung bakit ko makikita ang ex ko sa ganitong lugar at talagang dito pa sa loob ng school na to.


Imposibleng makita ko siya dito, siguro namalikmata lang ako.


Napailing ako sa naisip ko tsaka ako naglakad palayo sa classroon namin. Ilang minutong paglalakad palayo ay narinig ko si Nerdy na padabog na binubuksan ang pinto ng classroom.


Hindi ko na sana siya papansinin kung hindi ko lang narinig yung pag-iyak niya. Kahit medyo malayo ako, ramdam ko at rinig kong umiiyak siya. Pilit na pinapalakas yung paghikbi niya para siguro may makarinig.


Suddenly, nagkaroon ako ng awa. Bully ako pero nakakaramdam din ako ng awa. Sa totoo lang ngayon ko nalang ulit naramdaman yung ganitong pakiramdam na parang guilty ka na ewan.

Malalim akong huminga tsaka ako nagdecide na tulungan siya. Hinanap ko si kuya janitor sa school namin. Siya kasi yung may hawak sa lahat ng kandado dito sa school.


Nung nakita ko siya, agad akong nagpatulong na buksan yung pinto ng classroom namin kasi naiwan dun si Nerdy. Medyo nagalit naman si Kuya kasi bakit daw naglock ng classroom e may tao pa pala. 

Pagkabukas ng pinto ni Kuyang Janitor ay nasaktuhan na ako yung nasa harap kaya ang nangyari, ako yung agad na niyakap ni Nerdy. Nagulat ako dahil sa biglang pagyakap niya habang patuloy siyang umiiyak.


"Salamat, Maraming salamat." Umiiyak niyang usal habang nakayakap sakin. Hindi ko siya niyakap pabalik. Nung nakita niya ako bigla niyang inayos ang sarili niya tsaka agad na lumabas ng classroom.

"Hay naku. Kung may lq kayong dalawa, wag naman sa ganitong paraan. Madadale kayo sa ginagawa niyo eh." reklamo ni Kuya Jani.

"Ah. Hindi po kami Kuya. Btw. Salamat po." Magalang kong sabi na yumuko pa sa kanya.

Mr. Third meets Ms. Nerdy: The 3rd Nerd PrincessWhere stories live. Discover now