"Ah! Alam ko na kung sino!" Sabi nito kaya agad akong naging interesado.
"Wait sino? Bakit sino? Hindi ba dapat ano?"
Magsasalita pa sana siya agad ng biglang may tumawag sa kaniya. Kaklase niya, at may binulong ito sa kaniya.
"Marj, mauna na ako ah? Pinapatawag daw ako ng adviser namin." Tumango naman agad ako dahil mukhang importante 'yun.
Pero agad naman akong napatampal sa noo ko dahil may tinatanong nga pala ako sa kaniya na sasagutin palang niya pero 'di niya nasagot!
Ano ba yan! Kaya no choice, mamaya tatanungin ko na lang siya pag-uwi namin. Tutal, kasabay ko lang siya umuwi.
***
Bagsak balikat akong naglakad mag-isa pauwi.
Paano ba naman kasi, saktong pagka-dismiss ng klase namin ay saktong nareceive ko naman ang text message ni Shylee. Nagsosorry siya na hindi kami saby uuwi ngayon dahil may pinapagawa sa kaniya ang adviser niya, na hindi rin siya makakapag-over night ngayon sa amin kasi bukas na agad deadline.
Ano ba 'yan! Kung kailan ready na ako malaman sagot ni Shylee saka naman naudlot. Eh kung i-text ko na lang siya?
Ano ka ba Marj! Hindi mo ba nabasa ng mabuti ang text niya? Busy siya ngayon. B.U.S.Y! Kaya ipagpaliban mo na lang muna 'yang pagka-curious mo. May bukas pa, okay?
Pagkarating ko sa bahay agad sumalubong sa akin si mama. Kaya agad akong nagmano at hinalikan ito sa pisngi.
"Oh, bakit ikaw lang yata? Nasaan si Shylee?" Tanong nito sa akin habang inaayos ang hapag kainan.
"Hindi raw po muna siya makakapunta ngayong araw dito dahil may pinapagawa sa kaniya yung adviser niya."
"Ah ganun ba? Kaya ba malungkot ka?" Tanong muli ni Mama sa akin, hindi ako sumagot at nag-focus na lang muna ako sa turon at kamote fries na nasa harap ko.
"Marahil nga. Nako, ikaw talagang bata ka. Hindi na bale, bukas naman magkasama naman na ulit kayo." Diba self? Kahit si Mama sinabi na may bukas pa. Kaya 'wag ka na sumimangot dyan! Ang sarap ng turon. Nako! Umayos ka na.
Bago ako tuluyang magkaroon ng sigla ay nagpakawala muna ako ng mabigat na buntong hinga.
Ngumiti na ako gaya ng dati at in-enjoy na ang kinakain. Nagutom ako kasi kanina hindi ako nakakain ng maayos sa school.
Akmang tatayo na si mama ng bigla ko itong tinawag.
"Mama." Kaya naman muli itong bumalik sa pagkakaupo at tumingin sa akin para bang sinasabi niya na bakit?
"Ah ano kasi, ano po ba sa tingin niyo meaning ng DPS?" Dahil sa weirdong tanong ko ay biglang napakunot ang noo niya.
"DPS?" Tanong nito at tumango naman ako bilang sagot.
"'Di Pa Sure?" Tanong ni mama sa akin pabalik.
"Hindi talaga ako sure mama. Kaya nga po tinatanong kita." Sagot ko sa kaniya, kaya naman bigla akong nakatanggap ng isang masakit na kurot mula sa kaniya.
"Loka ka talagang bata ka! Tinanong mo ako kung ano meaning ng DPS. Di Pa Sure ang sagot ko." Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad naman akong napakamot sa batok ko. Shemay Marj! Natural yun nga naman ang sagot niya! Bakit lutang ka ngayon self?
"Nako, kulang ka lang talaga sa ligo. Umakyat ka na sa kwarto mo at maligo ka na. Magpahinga ka pagkatapos para naman hindi na magulo pag-iisip mo kinabukasan. At ako ay aalis muna, nagluto na ako ng hapunan dyan. Mauuna ka na maghapunan dahil ako ulit magsasara ng shop." Pagkasabi nito ay lumapit ito para halikan ako sa pisngi atsaka tuluyang umalis.
Umakyat na ako sa kwarto para maglinis ng katawan at magbihis.
Pagkatapos ng ilang minutong pananatili sa banyo ay agad akong dumiretso sa harap ng laptop ko para mag-online. Ang mabuti pa si Patrick mismo tanungin ko.
Alam ko naman kahit sino tanungin ko dito, paniguradong hindi ako makakakuha ng tamang sagot dahil hindi nila kilala ang nakaiwan ng panyo.
So bakit mo pa sila tinatanong Marj? Para makakuha ng mga sagot?
Napa-iling na lamang ako sa naisip kong sagot. Kahit kailan ka Marj!
Mabuti na lang wala kaming homeworks ngayong araw kaya malaya akong makakapag-online na walang aalalahanin.
Sakto rin naman na online si Patrick. Ma-chat nga.
Me: Hey Patrick! Patrick Star!
Patrick: Uy Marj!
Patrick: Waw! Lumelevel up ka na Marj ah? May nickname ka na agad sa akin?
Patrick: Ako kasi wala pang nickname sayo. Pwede bang love na lang?
Patrick: Joke lang hehe.
Napa-iling na lang ako sa nabasa ko. Hindi rin ata maganda ideya na kinausap ko pa ang mokong na 'to. Pero kasi, kailangan ko ng sagot!
Pero ang bilis niya magreply. I wonder kung nag-aaral pa ba talaga 'to o niloloko lang ako. Baka mamaya sugar daddy 'to e. O hindi kaya serial killer?
Baliw ka na ba talaga Marj? Ayos ka pa? Kaya pa?
Kaya hindi na ko na lang pinansin ang una niyang message. Bawal magpa-apekto!
Me: Baliw!
Me: Nasa bahay ka na ba?
Me: May tanong ako sayo.
Patrick: Sayo? Hehe.
Patrick: Oo na hindi na parang ganun na nga.
Patrick: Yes na agad!
Napa-kamot ako sa noo ko dahil sa sunod-sunod nitong reply.
Hindi ba siya magrereply ng matino? Para kasi ewan!
Me: Umayos ka nga, mukha kang ewan.
Me: Ang gulo mo kausap.
Me: Parang 'wag ko na lang itanong kasi ang abnormal mo sumagot. Hindi lang ako makakuha ng matinong sagot sayo.
Patrick: Joke lang. Sige na eto na, matino na ako.
Patrick: Ano bang tanong mo?
Me: Alam mo ba meaning ng DPS?
Patrick: DPS? Saan mo naman narinig 'yan?
Ano ba 'to daming tanong. Ako nga itong nagtatanong sa kaniya! Hay! 'Yan, ginusto mo yan Marj!
Kaya no choice ay kinuwento ko ang buong nangyari ng madampot ko ang panyo, naikwento ko nga rin yung sagot ni mama at ang hindi ko pa nakukuhang sagot ni Shylee.
Patrick: Ganun pala.
Patrick: By the way, ikaw na mismo maghanap sa may-ari. Para naman personal ka mapasalamatan hehe.
Me: Eto na nga gagawin na. Pero ano nga ba sa tingin mo ibig sabihin ng DPS?
Patrick: DPS?
Patrick: Hm... Di Pwede Secret?
Me: Oo naman! Bakit mo i-sesecret sa akin? Eh tinatanong ko nga sayo yung sagot.
Patrick: Marj chill! Di Pwedeng Secret ang sagot ko.
Patrick: Mukha kang sabog Marj.
Patrick: Sorry HAHAHAHA pero pinapatawa mo ako.
Dahil sa reply niya ay hindi ko sinasadyang maseen na lang siya.
Shemay self! Pangalawa mo na 'yan ngayong araw! Nakakahiya ka! Sabog ma sabog ang dating mo!
Pero Di Pwede Secret? Di Pa Sure? May ganun pala? Bakit ngayon ko lang nalaman yan?
Siguro nga, siguro nga kulang lang talaga ako sa ligo at pahinga ngayong araw.
YOU ARE READING
Stranger and I
Teen Fiction"Don't talk to stranger." Paulit-ulit na paalala sa akin ni Mama mula pagkabata hanggang ngayong malaki na ako, nakakasawa mang pakinggan pero sinusunod ko pa rin. Pero minsan na-curious ako.... May nag-add sa'kin sa facebook ko, hindi ko kilala. ...
'Di Pa Sure at 'Di Pwedeng Secret
Start from the beginning
