'Di Pa Sure at 'Di Pwedeng Secret

15 3 1
                                        

Chapter 11

Marj's POV


"Sis!" Sigaw ng kung sino sa akin ngunit hindi ko ito nilingon dahil may iniisip ako.

Ano kaya ibig sabihin nun?

Hm, ngayon ko lang kasi nakita yung ganung initial. Related kaya yun sa business? Pero teka! Sino bang matinong tao ang magbuburda ng DPS o ng kung ano business term sa panyo?

Bakit ba lumalala yung pagiging curious kong tao nitong mga nagdaang araw? Ano bang pakialam ko kung DPS? For sure naman name lang yun ng may-ari ng panyo.

Yun na nga! Kailangan ko malaman yung name na 'yun para masauli yung panyo.

Malalim pa akong nag-iisip ng biglang may nang hampas sa akin sa braso kaya naman bigla akong napalingom dahil sa gulat.

"Hay mabuti naman! Kanina pa kita tinatawag pero 'di mo man lang ako nililingon." Sabi ni Shylee habang naka-nguso sa akin.

"Sorry. May iniisip kasi ako." Saad ko lamang at muling bumalik sa pag-iisip.

"Oo nga, halata nga. Nalulunod ako sa lalim ng iniisip mo." Sabi nito na may halong sarcasm pero hindi ko siya pinansin at hinayaan na lamang.

Narinig kong nagpaalam si Shylee para bumili ng makakain namin.

DPS? DPS?

Hindi kaya...

Hay nako Marj! Masyadong malabo. Impossible! 'Wag ka mag-isip ng kung ano-ano dyan. Sa school mo napulot kaya hindi siya 'yun.

Pero diba same school kami? Kilala niya yung iba kong classmate? Hindi impossible.

Pero hindi ka pa rin sigurado self! Saka isa pa, pwedeng niloloko ka lang nun. Kaya impossible talagang siya 'yun!

Napa-iling ako sa iniisip ko, kahit kailan talaga! Kung ano-ano na lang naiisip ko. Pati sarili ko nakikipagtalo na sa sarili kong isip. Mukha na siguro akong abnormal dito.

Agad din namang nakabalik si Shylee na may dalang pagkain. Pinili kong manahimik at tinuon ang atensyon sa pagkain. Hindi ko maipagkakaila na sumasagi pa rin sa isip ko yung DPS na 'yan.

Hindi naman siya espesyal na bagay o salita, kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit gusto ko malaman yung meaning ng DPS.

Para maisauli sa may-ari? Pwede ko namang hanapin na lang ang may-ari, room to room pero masyadong nakakahiya yun kung nakataon. Kung tutuusin pwede ko 'tong iabot sa lost anf found ng school pero mas pinili kong itabi sa akin at ako mismo magsauli. Hindi rin naman kasi impossible na maibalik ito ng personal sa may-ari dahil onti lang kaming SHS dito, karamihan ay mga College. Hindi naman mahirap tukuyin kung college ba ang isang estudyante o hindi dahil magkaiba ng uniform ang college sa mga senior high.

"Hoy! Tapatin mo nga ako, ayos ka lang ba talaga? Kasi sa totoo lang, natatakot na ako para sayo. Nung isang araw ka pa tahimik. Akala ko nga ayos ka na kasi kahapon medyo okay ka na. May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Shylee. Concern siya sa akin? Wah! Baka mahulog ako. Joke lang, pero nakakatouch naman siya kung ganun!

Hindi ko naiwasan ang magpakawala ng mabibigat na paghinga bago magsalita.

"Shylee, do you have an idea about the meaning of DPS?" I asked her out of nowhere. Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil sa desperada na akong malaman meaning ng DPS. Actually alam ko namang hindi malabong iba sagot niya pero malay naman natin, diba?

"DPS? Saan mo naman narinig 'yan?" Tanong naman muli nito sa akin pabalik.

"Narinig ko kasi kanina sa CR." Pagsisinungaling ko.

Stranger and IWhere stories live. Discover now