"Madalas ka rito?" I asked, to break the silence.

"No, kay Sheal kami laging tumatambay," he responded.

Napalunok ako nang makita kong bahagya siyang napakagat sa kan'yang pang-ibabang labi at dinilaan ito. Umiwas ako ng tingin. Pinaypayan ko ang sarili para ma-distract. Ang lakas talaga ng dating ng lalaking 'to.

"Hello, Vena!" Devi quickly kissed my cheeks when she saw us. Kumpleto na sila ro'n at mukhang kami na lang ang hinihintay.

"Are you wearing Guerrero's hoodie?" Damien smirked, halata ang pang-aasar sa kan'yang boses.

Nakuha no'n ang atensyon ng lahat. Lahat sila ay napatingin sa akin. Napakurap sila nang hapitin ako ni Fabian sa baywang at mas lalong inilapit sa kan'ya.

"How did you know that this is Fabian's hoodie?" Hinawakan niya ang hoodie at tinitigan 'to nang matagal. "Maraming gan'yan si Vena," Devi rolled her eyes and crossed her arms.

"Can't you see it? The small Guerrero on the side? Amoy na amoy rin 'yong perfume ni Fabian," mas lalong napangisi si Damien habang nakatingin sa aming dalawa.

"Oo nga! Buwiset ka, hindi ka nagkukuwento!" Malakas akong hinampas ni Devi sa aking balikat.

I laughed hard. Ano'ng ikukuwento ko? He is just doing this because it is a part of our game. Gusto niyang ipamukha sa kanila na may something sa amin kahit wala naman. But like what I've said, Fabian is really a good man and friendly. Sa sobrang friendly niya, akala mo may gusto siya sa 'yo.

"Ang landi landi mo! Bilis niyong kumilos ni Fabian!" Melanie shouted.

She is sitting beside Sheal. Kitang-kita ko ang paninigas niya because Sheal wrapped his hand around Melanie's shoulder. Namumula siya at halatang-halata 'yon dahil maputi siya.

"Parang 'di mo naman kilala 'yong kaibigan natin. Gulat na nga lang tayo, may kalandian na 'yan. Tahimik kumilos 'yang gagang 'yan," singit ni Bella.

Tinitigan ko sila nang masama. Nilalaglag nila ako! Baka maturn-off sa akin si Fabian dahil sa pinagsasabi nila! Hindi na lang nila itikom bibig nila para walang gulo. Mas lalo pa akong nairita dahil tinawanan lang nila akong lahat. Kahit si Fabian ay tumatawa rin.

"Nainis," asar ni Bella.

Nakita kong umupo si Fabian sa couch, katabi ni Gener. He gestured me to walk towards him. Para mawala ang atensyon ko sa kanila, naglakad na lang ako palapit kay Fabian. Nagulat ako nang mabilis niya akong nahila at bumagsak ako sa kan'yang kandungan.

He encircled his arms around my waist. Mas lalo niya pang hinigpitan 'yon nang maramdaman niyang gusto kong kumawala.

"Huwag ka nang mainis. Just sit on my lap and I will hug you from the back," he whispered.

Nanlambot ang aking mga katawan. I want to pinch his hands to let go of me but I can't do it, lalo na no'ng hinawakan niya ang mga kamay ko.

I looked around Damien's family house to distract myself. My heart is beating rapidly. I bit my inner cheek. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at naglalampungan sila ng mga partner nila.

"Are you hungry? Do you want delight and donut?" He asked me, using his very very sweet tone.

I nodded my head in agreement. It feels great having someone na mag-aalaga sa 'yo. Kung ganito ang ipapakita niyang moves sa akin, baka 'yong sinabi ko noon na hindi ako madaling bumigay, magbago ngayon.

He opened the bag and get a one doowee donut and delight. Tinanggal niya sa pagkaka-wrap ang doowee at dahan-dahang ibinigay sa akin. Mabilis ko 'yon naubos at kinuha sa kamay niya ang delight na kabubukas niya lang.

Alam kong mukha akong bata na umiinom ng delight sa kandungan niya. Other parts of me want this kind of treatment. Feel ko 'yong alaga at halaga ko sa isang tao. Inayos niya ang buhok ko at hinawakan ang aking batok. Nang maramdaman niyang may pawis, kumuha siya ng bench bath at pinunasan ako.

"Are you still hungry?" He spoke slowly and calmly.

Mabilis akong umiling. Ramdam kong nagsisimula nang mag-init ang magkabilaan kong pisngi. Nahihiya na ako! Gusto ko na lang tumakbo nang tumakbo dahil sa hiya!

"Ingat kayo ni Mrs. Guerrero sa daan," asar na sabi ni Sheal.

Kanina pa nila ako inaasar ng Mrs. Guerrero dahil may Guerrero nga na pangalan sa hoodie ko. Kanina pa ako nahihiya. Parang gusto ko na lang yakapin nang mahigpit si Fabian at sumuksok sa dibdib niya para matago ang mukha ko.

"Ay, baka gutom na ang inaalagaan ni Mr. Guerrero. Sige na, pakainin mo muna 'yan ng cream-o at dutchmill. Akala mo kinder, e," inirapan ako ni Melanie kaya inirapan ko rin siya.

Sinabunutan ko muna si Melanie bago kami umalis. Malaki ang distansya naming dalawa dahil nahihiya ako sa nangyari kanina. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil ayaw ko nang makalapit pa siya sa akin. Hindi ko alam, hindi ako tumitiklop pagdating sa landian pero tumitiklop ako sa small movements ni Fabian!

"Why are you so quiet?" He bit his lower lip to prevent himself from smiling. "Gusto mo pa rin bang i-baby kita?"

Parang napantig ang tainga ko sa sinabi niya. Bumilis ang aking paghinga. Kanina pa ako nahihiya tapos dadagdagan niya pa? God, Fabian! Ayaw ko nang mahiya! Hindi kita matingnan! Nasasayangan ako, sarap pa naman titigan niyang mukha mo!

"Pa'no kung sinabi kong oo?" Tinapangan ko ang aking boses para ipakita sa kan'ya na walang effect 'yon sa akin.

Humalakhak siya. Hindi niya na napigilan ang pagtawa habang nagnanakaw ng tingin sa akin para makita ang reaction ko. Ginawa ko ang lahat para hindi ako mag-outburst sa harap niya but I failed.

"Buwisit ka, Fabian! You're a buwisit!" Hinampas ko siya nang malakas ngunit sinuklian niya lang ako ng isang naaaliw na tawa.

To Catch A Dream (Architect Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon