Chapter 8

873 97 20
                                    

Alaskwatro ng madaling araw ay bigla akong nagising. Ang ingay kasi ng pinto rito sa apartment. Nagulat rin ako na wala si Dixon sa kutson na nakalatag sa sahig. Agad akong lumabas para i-check ang bawat sulok ng apartment pero lalo akong kinabahan dahil hindi ko siya nakita roon.

Pumunta na agad ako sa pinto ng apartment kung saan ay may nag-iingay roon ngayon. Laking gulat ko nang makita na si Dixon ay lasing na lasing sa harapan ko.

"Huy, saan ka ba galing?! Bakit lasing na lasing ka?" tanong ko agad sa kanya.

Agad ko siyang inupo sa sofa at kukuha na sana ako nang malamig na tubig at bimpo nang bigla siyang humawak sa kamay ko at nagsalita.

"I love you, Cyrah. Thank you for making me," sabi niya pa at saka sumalampak ang katawan sa sofa.

Hindi agad ako naka-recover. First time kasi na may nag I love you sa akin. May nagustuhan naman ako 2 years ago pero pinaasa lang ako kasi bigla na lang iyon nawala na parang bula.

Ilang minuto ang nakalipas ay na-realize ko na kailangan ko na gumalaw. Pumunta agad ako sa kwarto ko at kumuha ng bimpo roon. Agad akong pumunta sa kitchen sink para kumuha ng tubig at nilagay iyon sa isang basin.

Nang bumalik ako ay nakita kong nakahiga na sa sofa si Dixon. Nakahubad ang pang-itaas at bukas rin ang zipper ng pantalon. Hindi rin nakaayos ang belt niya, naiinitan siguro.

Inalalayan ko siya agad at pina-upong muli. Bakit ba naman kasi uminom pa ito? Heartbroken ba siya at ginawa niya iyon?

"Oh, umayos ka. Lalagyan kita ng malamig na tubig. Papalitan ko na rin ang t-shirt mo. Bakit ka ba kasi uminom ha?" sabi ko sa kanya.

"Kasi masaya ako, e. I celebrated the life you gave me, my dear creator!" sigaw pa niya.

Ang ingay pala niya kapag lasing. Baka magising at mainis pa sa akin si Aira kapag narinig ang ingay nito.

Naglagay na ako sa mukha niya ng bimpo na may malamig na tubig. Pinunas ko iyon para mawala ang init ng alak sa katawan niya.

Maigi na rin pala at nakahubad na ang t-shirt niya para mas madaling punasan ang katawan niya.

Pumikit na lang ako para hindi ko makita ang katawan niya. Nakakahiya, e. Kinapa ko na lang iyon.

"Why are you closing your eyes? Ayaw mo ba ako makita, Cyrah?" he asked me.

"Ah, wala. Nakakahiya ka kasing tingnan eh," sabi ko naman.

"Why? You made me. Hindi ba dapat tingnan mo maigi ang gawa mo and appreciate it?" sagot naman niya. Wala tuloy akong nagawa kundi buksan ulit ang mata ko.

Nang papalitan ko na siya ng damit ay medyo nailang ako. Kitang-kita ko kasi ang hubad niyang katawan, e. Kahit payat iyon ay maputi at mabalbon naman kaya mapapatitig ka talaga.

"Hindi nga, bakit ka uminom Dixon? Nakakainis ka, tumakas ka sa akin ha!" sabi ko ulit.

"I celebrated with.."

"With whom? Tell me, yari talaga sa akin iyan kapag nakilala ko," inis kong sabi habang inaayos ko pa rin siya.

"Hmm. Wala. Just met some cool people. You know, ganoon naman ako sa kwento mo hindi ba? I'm friendly!" sabi pa niya sabay ngiti.

"Paano ka naman nakalabas?" I asked again.

"Naglakad ako papunta sa pinto ng apartment mo. Boom! Nakalabas na ako," pilosopo niyang sagot sa akin.

Napailing na lang ako dahil sa sagot niya. Ganoon na ba ako kahaba matulog na hindi ko na naramdaman na lumabas siya?

"Sa susunod, huwag mo na ulit gagawin iyon ah. Papayagan naman kita kung pwede eh," sabi ko.

"I bet you will not. Promise, hindi mo gugustuhin na payagan ako," sagot naman niya pagkatapos ay bigla siyang napahiga sa may binti ko.

"Huy, ano ka ba! Umupo ka na lang, huwag nang ganyan. Dali, umupo ka!" tarantang sabi ko sa kanya.

Umupo naman siya at nakapikit. Natatawa ako at hindi niya maayos ang katawan niya sa may sofa. Pagewang-gewang siya roon, e.

"Cyrah, can you come closer? Look at me," sabi niya.

"Bakit?" I asked.

Kinakabahan na ako, yung tingin kasi niya parang matutunaw ako. Fuck, hindi ako sanay!

Mag-katitigan na kami ngayon rito sa sofa. He's looking at me as if he's finding something.

"Thank you, Cyrah. I love you," he said to me.

Pagkatapos noon ay na-estatwa na ako dahil nakalapat na ang labi niya sa labi ko ngayon. Shit, he kissed me!

Dixon, gago ka. Wala pang humahalik sa akin! You stole my first kiss! What the hell, ang unang halik ko ay galing sa fictional character na ako mismo ang gumawa! What kind of shit is that?!

Napatayo ako bigla at akmang aalis na pero hinawakan na naman niya ang kamay ko. Kita kong nakabukas na nang bahagya ang mata niya ngayon.

"What will you do? You'll just leave me here?" tanong niya sa nakakaawang boses.

Putangina, oo. Iiwan na kita rito dahil hinalikan mo akong gago ka. Bakit naman ganoon?!

"Dyan ka na lang muna. Lasing ka pa eh, mamaya ka na lang sa kwarto. Okay?" malumanay kong sabi pero sa totoo lang ay gigil na gigil na ako sa kanya.

"You'll leave me here or I'll kiss you again? Choose wisely, Cyrah."

Nabigla na naman ako sa sinabi niya. Ano bang nagiging epekto ng alak sa kanya? Nagiging malandi?!

Agad akong bumalik at inalalayan siya para makapasok kami sa kwarto ko.Ugh, nakakainis talaga siya!

Agad ko siyang hiniga sa kutson at nang pabalik na ako sa kama ko ay narinig ko na naman siyang nagsalita.

"Cyrah, I want to be beside you. Please?"

Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa inis. Nakita ko na lang ang sarili ko na yakap-yakap na ako ni Dixon at siksikan kami sa kama dahil hindi kami kasyang dalawa.

Pilit kong pinikit ang mata ko pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari. Samantalang siya, nakapikit ba at halata mong msarap na ang tulog. Sana all.

Kill Thy Author (Completed)Where stories live. Discover now