Chapter 3

1.8K 160 11
                                    

"I'm home!" nilapag ko ang dalawang paper bags sa lamesa.

Pumunta ako sa loob ng kwarto ko. There, I saw him sleeping in my bed. Anong oras na rin kasi akong nakauwi mula sa trabaho ko.

Umupo ako sa kama at tahimik na tiningnan lang siya. Napakamalumanay niya kapag tulog. Sana, lagi na lang siyang ganyan.

Nakita kong gumalaw-galaw siya sa kama, naramdaman niya sigurong may tao sa loob ng kwarto.

Lalabas na sana ako nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Nakita ko si Dixon na pupungas-pungas pa at umupo roon sa kama.

"Cyrah, I'm sorry if I've slept in your bed. Ang tagal mo kasi. What time is it?" tanong niya, yung boses niya ay sobrang sexy sa panrinig dahil bagong gising palang siya.

"8pm. Kakauwi ko lang. Do you want to eat o kumain ka na kanina?" I asked him.

"Nope. Hindi pa ako nakain. Ikaw ba?" he asked back.

"Hindi pa rin. Do you want to eat? Ipagluluto na kita ng dinner. Also, I bought something for you," sabi ko sabay ngiti.

"Is that the clothes? I want to see it. Sana ay kasya sa akin ang mga binili mo," sabi niya pagkatapos ay lumabas na kami sa kwarto.

"Yeah, of course. I'm the one who created you, remember?" natawa ako nang sinabi ko iyon.

"Oo nga pala. Sige, titingnan ko na lang."

Pumunta siya sa dining area, kinuha niya roon ang paper bags na binili ko pagkatapos ay tiningnan niya.

Habang ako ay busy na sa pagluluto ng tapa. Ewan ko kung kumakain siya nito pero bahala na.

"Oo nga pala, Aira went out for a bit. Pupuntahan raw niya si.." para bang hindi niya maalala ang pangalan.

"Si Basty. Yes, nagpaalam na siya via text kanina. Ikaw, anong ginawa mo buong maghapon?" tanong ko naman.

"Well, nagbasa ako ng books roon sa mini library mo sa kwarto kaya nakatulog ako."

"Paano ang lunch mo? Inayos ba ni Aira bago siya umalis kanina?" tanong ko ulit.

"Yeah, she kinda help me with that. Nakakain naman akong maayos noong wala ka," natatawa pa siya habang sinasabi iyon.

"Good. Akala ko eh pinabayaan ka lang niya," sabi ko pagkatapos ay bumalik na ako sa niluluto ko.

Nang nailapag ko na ang kanin at ulam ay tapos na rin niyang tingnan ang mga binili kong damit para sa kanya.

"They seem..nice. Thank you, Cyrah."

"Welcome! Tara, kain na tayo," yaya ko pa sa kanya.

Habang nakain ay wala kaming imikan. Hindi yata siya sanay kaya nagsalita na siya.

"You allow Aira to be with Basty kahit ganitong oras na?" tanong niya pagkatapos ay uminom siya ng tubig.

"Yep. They are already 5 years, Dixon. Alam na ni Basty iyon. Don't worry about my sister. Okay?" sagot ko naman pagkatapos ay kinain ko na ang last piece ng tapa sa plate ko at uminom rin ng tubig.

Dinala ko na ang utensils sa sink at naghugas roon. Naka-upo pa rin si Dixon sa may dining area. Ewan ko kung anong iniisip niya.

"Cyrah," he called me in his calm voice.

"Yup? Bakit po?" I answered.

"Gusto kong matuto. I mean, sa apartment mo. Gusto kong tumira rito na may alam sa mga ginagawa niyo. Okay lang ba iyon?"

Napatigil ako saglit. Hindi ko muna siya sinagot dahil nagulat ako sa gusto niyang mangyari. Nang maka-recover eh nagsalita na ako.

"Yeah, sure. Pwede naman. I'll guide you, pero lagi mong itatanong sa akin ang mga gagawin mo, okay?" paglilinaw ko.

"Opo. Hindi ko na uulitin iyong ginawa kong pagluto sa hotdog at tocino kaninang umaga. Sorry talaga," sabi pa niya, ngayon ay parang lalapit na siya sa akin.

Pumunta siya sa sink at nilagay niya ang pinagkainan niya roon. Tumingin siya sa akin na para bang sinasabing siya na ang magtutuloy noong mga hugasin.

"Can I.. atleast try?" he asked me. Para siyang bata na nagpapaalam.

"Yep.. But, be careful. Okay?" pagpapa-alala ko sa kanya.

Umalis ako sa mga hugasin at nagpalit kami ng pwesto. Syempre, kailangan ko pa ring magbantay dahil baka basagin naman niya ang mga plato namin.

"You can clean your room. I can fix this," confident pa niyang sabi pero hindi ako nakinig.

"No, I can watch you all night here. Ayaw kong may mabasag ka sa mga gamit namin. Wala ka pa namang alam dyan because Fatima is doing that all for you," sagot ko naman, natawa siya nang bahagya dahil roon.

"Fatima.. I miss her." sambit niya habang naghuhugas pa rin ng pinggan.

Ilang minuto pa ay bumukas na ang pinto ng apartment ko. Nakita ko si Aira, parang kakagaling niya lang sa pag-iyak.

"Oh, bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa dyan ha? Anong nangyari sayo?" tanong ko, wala pa ring idea kung bakit ganoon ang itsura niya.

"Nakipag-break na si Basty sa akin, ate. Hindi ko alam, okay naman kami noong isang araw eh. Biglaan na lang," sabi niya pagkatapos ay sinalampak ang sarili sa sofa.

Dahil sa gulat ay napapunta ako sa kanya, hindi ko na naisip si Dixon dahil kailangan ako ng kapatid ko.

"Wala man lang siyang sinabi?! Ano iyon, itatapon niya na lang ang limang taon? Bobo! Ang bobo niya!" inis na sabi ko sabay yakap sa kapatid ko sa may sofa.

"Niyaya pa niya akong kumain sa labas, ate. Kaya nga gabi na akong bumalik eh. Akala ko, magpo-propose na siya sa akin dahil may importante daw siyang sasabihin," umiiyak pa rin si Aira sa akin.

Nagulat na lang ako nang bigla akong may marinig na sa kitchen sink. May nabasag. Napasapo ako nang ma-realize na si Dixon iyon.

"Cyrah, I'm sorry.. Hindi ko sinasadya--" nauutal pa siya nang sabihin niya iyon.

"Go back to my room. Ako na dyan," mahinahon kong sabi pero inis na inis na ako.

"But, I want to help you Cyrah--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil napasigaw na ako.

"I said, go back to your room! Ano bang mahirap intindihin roon?!"

Agad siyang pumunta sa kwarto ko. Tumingin muna ako kay Aira bago pumunta sa kitchen sink para naman tingnan at ayusin ang mga nabasag roon. 

Kill Thy Author (Completed)Where stories live. Discover now