Chapter 5

1.3K 112 17
                                    

Nang makapasok na kami sa office ay iiwanan ko na sana siya pero nagulat ako nang may sinabi siyang pangalan.

"Fatima? Fatima, you're here!" sigaw niya, tuwang-tuwa pa na parang bata.

Agad akong lumapit sa kanya para awatin siya. Si Shyna kasi ang kinakausap niya, ang best friend ko.

"Sino ka? Hindi naman kita kilala. At saka, hindi rin naman ako si Fatima, baka nagkakamali ka, Kuya," sagot ni Shyna na nagtataka at parang iritable na.

"No. I know it is you. You're here, Fatima! My love is here to join me!" tuwa pa niyang sabi.

"No, she's not Fatima. Dixon, umupo ka na lang roon sa lounge area. Please?" pagmamakaawa ko.

"Kilala mo siya, Cyrah? Sino ba iyan? Saka.. Bakit kamukha ni Brian iyan? Twins ba sila ng boyfriend ko?" sunud-sunod na tanong ni Shyna sa akin.

"Ah, hindi! Hindi siya twin ni Brian. Halika na, Dixon. Pumunta na tayo sa lounge area, please?" pagmamakaawa ko ulit.

Fuck. Si Shyna nga pala at Brian ang inspirasyon ko sa kwento ko. Baka kaya si Fatima ang nakikita niya at si Brian naman ang nakikita  ni Shyna. Patay ako nito.

May sinabi pa si Shyna pero hindi ko na iyon pinansin. Hinawakan ko na lang si Dixon sa kamay papunta sa lounge area.

Noong umupo na siya ay nakita kong malungkot si Dixon. Umupo ako sa tabi niya at tinanong kung anong problema.

"Huy, ano ka ba? Bakit ang lungkot ng mukha mo?" tanong ko.

"Eh kasi, may boyfriend na pala si Fatima. Bakit author? Bakit may boyfriend siya eh ako iyon sa kwento mo hindi ba?" malungkot pa rin ang tono ng boses niya.

"Ewan ko rin kung bakit may kamukha si Fatima rito sa mundo namin. Sorry, Dixon. Nasaktan ka pa dahil sa nakita mo," sabi ko sabay tap sa likod niya at ngumiti.

"Sige na, pumasok ka na sa office. Dito lang ako," sabi niya.

Shit. Nakalimutan kong may pasok nga pala ako at late na ako. Si Dixon kasi, bakit ko pa sinama rito!

Dali-dali akong pumunta sa office. Iniwan ko na siya sa lounge at hindi na nakapag-paalam pa.

Napasapo na lang ako sa aking noo nang ma-realize na late na nga talaga ako. Nakita ko na si Sir Martin.

"You are late Miss Melendez. Anong nangyari sa iyo?" he asked me.

Napansin niya sigurong gulong-gulo na ang buhok ko sa kamamadali kanina. Ang hangin rin kasi sa jeep kanina, e.

"Ah, traffic po kasi kanina on the way rito kaya na-stressed ako, Sir," pagsisinungaling ko pa.

Tumingin siya nang seryoso sa akin pagkatapos ay nagsalita na. Haynaku, kapag si Sir Martin talaga ang kaharap ko eh naninigas ako sa takot.

"Hmm. Sa pagkakaalala ko, you are minutes away from here. How come you'll be in traffic? Anyways, agahan mo na lang next time," sabi pa niya at umalis na.

Ngumiti pa ako nang mapait bago siya makaalpas sa akin. Hindi ko alam kung nakita pa niya iyon.

Nang makarating ako sa upuan ko eh saka ako huminga nang malalim. Diyos ko, ano ba 'tong pinasok ko? Mamaya nga eh titingin ako ng mga hidden spell online. Try kong ibalik sa kwento si Dixon.

"Uy, nakatulala ka dyan? Patay ka kay Sir Martin kapag nakita ka niya. Trabaho na tayo, sis. Okay?" sabi ni Amantha sa akin, isa sa mga kaibigan at trabaho ko.

"Ah, oo. May iniisip lang. Thank you, Amantha. Kamusta pala iyong pinapagawa ni Sir Martin sa iyo? Natapos mo na ba?" sagot ko naman.

"Huwag mong kaisipin iyon. Kung sino man iyon, mahal ka niya. Oo, naipasa ko na kanina. Late nga ako eh, kainis."

Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi lovelife ang problema ko. At saka, sure naman akong hindi ako ang mahal ni Dixon.

Nagtrabaho na lang ako maghapon. Himala nga eh hindi ako kinukulit ni Dixon sa mga bagay-bagay. Baka ayaw na rin niya talaga akong abalahin dahil alam niyang busy ako.

5pm na nang lumabas ako mula sa office. Agad akong pumunta sa lounge para sunduin si Dixon dahil uuwi na kami.

Gulat akong hindi ko nakita si Dixon roon. Buti na lang at nakita ko si Amantha kaya agad ko siyang tinanong tungkol kay Dixon.

"Amy, nakita mo ba si Dixon? I mean, yung lalaki na nandito kanina?" tanong ko.

"Ah, oo. Nakita ko siya tapos biglang lumabas. May bibilhin yata eh pero kanina pa iyon kaya for sure eh babalik agad iyon," sagot naman niya sa akin.

Ilang minuto pa ay narinig ko ang away sa labas ng office namin. Agad ko 'yong pinuntahan nang ma-realize ko na si Dixon at Brian 'yon.

"Si Fatima 'yan eh! Girlfriend ko iyan!"

"Ha?! Eh nakita mong kami ang magkasama ah. Shyna, sino ba 'tong mokong na ito ha?!" galit na sabi ni Brian.

"Hindi ko nga kilala 'yan. Kanina pa ko kinukulit niyan, e. Sino ka ba?" tanong ni Shyna.

"Fatima, ako 'to si--" hindi na siya nakasalita dahil inawat na siya ng mga tao.

Napasapo na lang ako nang ma-realize na hindi pala talaga pwedeng isama si Dixon rito sa work ko dahil kukulitin lang niya sina Shyna at Brian. They don't have to know the truth.

Lihim kaming umuwi ni Dixon. Kinausap ko siya agad pag-uwi. Maayos naman at agad siyang sumang-ayon sa gusto ko, ang hindi niya guluhin sina Shyna at Brian.

Kill Thy Author (Completed)Where stories live. Discover now