Chapter 1

8.1K 366 309
                                    

Sa wakas! Tapos ko na rin ang story na ginawa ko. Agad-agad kong pinatay ang aking laptop at pumunta na sa aking higaan.

"Ayos! Nakapatay na naman ako. For sure, iiyak na naman sila bukas kapag binasa nila iyon. Makatulog na nga."

Naglaro pa ako sa aking cellphone para magpa-antok. Kapag hating gabi talaga eh buhay na buhay ang diwa ko dahil may mga ideas na nalipad sa aking isip.

Ilang minuto pa ang lumipas, eh may narinig akong katok sa aking kwarto. Hindi ko pinansin iyon, baka si Aira lang at nanti-trip.

Pagkatapos ng ilang minuto ay narinig ko na naman ang katok mula sa pinto. Dahil naiinis na ako, tumayo na lang ako at binuksan iyon.

Halos mabitawan ko ang aking cellphone. Gulat na gulat ako sa nakita ko. Is this real? Is he.. real?

"Sino ka? B-bakit ka nandito?" nauutal kong tanong.

"I know that you know me, Cyrah. Why did you kill me?"

Tama siya. Kilala ko siya, I'm the one who made him. Kahit hindi siya magpakilala ngayon, alam kong siya iyon.

By the description I gave him sa story ko, ganoon na ganoon ang itsura niya ngayon.

Maliit na mga mata, may kapayatan, nasa 5"9 ang height at medyo maputi ang kulay ng kanyang balat. It was him, the character in my story.

"Cyrah, answer me. Bakit mo ako..pinatay?"

"Dixon, I'm sorry. I just.."

"You just what?"

"I just want you to end that way. I really do that, hindi lang sa iyo. Marami pa akong pinapatay na characters."

"I know. I met them. Ako lang talaga ang naglakas loob na pumunta rito sa mundo mo para harapin ka."

But why? Am I dreaming? Hindi naman pwede mangyari ito hindi ba? Sa stories ko lang 'to nakikita eh.

Tinapik-tapik ko ang sarili ko at pumikit. Guni-guni ko lang siguro siya o panaginip.

Nagulat ako nang biglang naroon pa rin si Dixon sa harapan ko habang nakatingin nang nakakaloko.

"What? Do you think na hindi ako totoo? Well, I'm sorry! The man you made and killed is now in front of you. Buhay na buhay ako, oh." sabi pa niya.

Tangina, anong ginawa ko? Hindi pwede ito! Baka naiisip ko lang siya kaya nakikita ko siya. This can't be!

Pumunta ako sa higaan ko at hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto ko. Nagtalukbong ako at nag-cellphone.

Ilang minuto pa ay nagulat ako dahil may shadow na sa may kama ko. Shadow ng isang lalaki, I know that it is Dixon.

"Umalis ka na dito. Pumunta ka na kung saan ka dapat pumunta," sabi ko habang nakatalukbong pa rin ako ng aking kumot.

"Are you kidding me? Dito nga ako pupunta sa iyo eh. Now, I have something to tell you."

Naramdaman kong umupo siya sa kama ko. Dahil doon ay napaayos ako ng upo at saka siya tiningnan.

Ang gwapo pala ng gawa kong character. Diyos ko! Kung hindi lang siya fictional ay hinalikan ko na siya ngayon.

"What?" I answered back.

"Let me live here on earth or I will kill you."

Fuck. That wasn't a good deal after all. Ayaw ko pang mamatay, no! Mahilig lang akong pumatay pero hindi ko pa gustong mamatay!

"May choice ba ako, ha? Parang wala naman eh. Niloloko mo lang ba ako?!" inis na sabi ko.

"No. Hindi kita niloloko. Alam ko ang mga problema mo. Alam kong gusto mo na ring mawala kaya--" pinutol ko agad siya roon dahil ayaw kong marinig ang mga iyon.

"Bahala ka. Wala naman akong paki sa iyo dahil pinatay na kita sa story ko, hindi ba?" matapang na sabi ko.

"Anong klaseng sagot iyan? Answer me with a yes or a no. Kundi--"

"Oo na! Okay? You can live here on earth but never in this apartment!" sagot ko.

"So.. Saan ako titira?"

"Ewan ko. Ask Fatima, maybe she knows where you'll live." mataray na sagot ko.

"Nasa loob siya ng story mo, she wouldn't be here! Oh, that girl. I miss her," sabi pa ni Dixon.

"Bahala ka nga. Maybe you can rent an apartment near here. Whatever."

"Fuck. Alam mo namang wala akong pera hindi ba? Tss. Whether you like it or not, I'll stay in your apartment," nakangiting saad niya.

"No! That can't be! Ano na lang ang sasabihin ng kapatid kong si Aira?!" inis na sabi ko.

"Tell her that I'm your boyfriend, or something else," sabi niya sabay kindat sa akin.

What the fuck? Boyfriend?! Ano siya, sini-swerte?! Hindi ako papayag! Hindi pwede ito. I need to do something about this.

"Okay. Titingin na lang tayo ng available apartment, okay? For the mean time, dito ka muna. I'll make a way para malipat ka kung saan man. Just don't stay here."

"But, you created me. Kung nasaan si author, dapat ay naroon ako. Gets mo?"

Napasapo na lang ako sa aking noo nang ma-realize na may point siya. Hindi nga pala siya totoong tao para mabuhay nang normal. I need to guide him.

"Okay. Sige. You can live..here," dahan-dahan kong sabi.

Nagliwanag ang mukha niya. Tuwang-tuwa siya sa aking desisyon. Alam ko iyon dahil iyong ngiti niya ay abot hanggang sa kanyang mga mata.

Ilang minuto pa ay nakita ko na nakayakap na siya sa akin. Mukhang masyado siyang natuwa sa sinabi ko ah.

"You're..hugging me."

"Yes, I am. I'm thankful because you let me live here with you. Don't worry, pinapatawad na kita sa pagpatay mo sa akin sa kwento mo," masaya niyang sabi sa akin.

Hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Hindi ako yumakap pabalik dahil naiilang ako sa ginawa niya.

Tss, ginagawa ko lang naman ito dahil papatayin mo ako. Also, I'm sure that this is just a dream. May aftershock pa ako sa pagpatay ko sa iyo kaya kita nakikita. Bukas, paggising ko ay sure akong wala ka na.

Niyaya ko na si Dixon matulog. Roon siya sa baba ng kama ko, may kutson naman roon na pwede niyang higaan.

Aba, kahit naman panaginip lang ito eh gusto ko pa rin na hindi kami magkatabi ni Dixon. Dalagang pilipina tayo eh.

Kill Thy Author (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt