iv | 100million

8 2 0
                                    





Nagsilakihan ang mga nilang lahat na nasa sala, at nafocus sa suot-suot nyang singsing sa kanang ring finger nya.

"Mahubad nga yan! Feel ko, may ilang sako ng bigas na pasan tong daliri ko!" reklamo ko at saka hinubad yung singsing sabay lapag sa lamesa.

Sinong nag-aakalang may suot pala syang humalos higit pa sa 100 million in pesos ang halaga?

Goshness. Parang gusto na nya ata itong itapon sa basurahan at kalimutang may ganong bagay syang natanggap.

T-teka, pano kung magnanakaw yung nagbigay sa kanya at ipinasa sa kanya ang kasalanan nito? Tapos pupuntahan ang bahay nila at aarestohin sya for a frame up crime. Panic alert! Mauubusan na ata sya ng oxygen sa katawan.

"Wow! Kung ganito kagandang singsing ang ibinigay sakin ni Emil, for sure papabuntis agad ako pagkatapos palang nyang makapagpropose sakin. Haha!" natatawa pang usal ni Jacque habang sinusuri ng maigi ang singsing. Ang lukaret talaga.

"Eh ate, hindi yan sayo?" magkasalubong ang kilay na tanong ni Xeila sa kanya, ito ang kinse anyos nyang kapatid na nakita ang article tungkol sa singsing sa internet.

"Hindi nga sabi. Hindi yan sakin." ulit ni Zei.

"Akala ko pa naman magiging Kuya ko na si Truz Caballero. Hays!" ngumuso nguso pa ang kapatid.

"Ha? Sinong Truz balbalero yang pinagsasabi mo, anak?" tanong ng Mama nya na naguguluhan.

Oo nga naman. Sino ba yang Truz Caballero na yan?

"Caballero Ma, hindi balbalero. Ginawa nyo pang tikbalang yung tao." reklamo pa ni Yeila na ito na ang may hawak sa tablet ng kapatid at may binabasa dun.

"Sus. Pareho lang yun na may 'ero', 'ero'. Bakit? Sino ba yan?" ulit na naman ng Mama nya.

Parang nacurious naman sya sa pinag-uusapan ng dalawang kapatid at ng ina.

"Truz Caballero, is the new owner of one of the most expensive jewelry in designed by famous jewelry designer Harlow Spencer, the "Alexandra" ring that is worth more than a 2 million dollars. It was said that the ring will be given by him to his future wife." pagbabasa pa ni Yeila sa isang article ata at pagkatapos ay napukol sa kanya ang tingin ng tatlo.

Nagtaas naman ng kilay si Zei na may pagtataka.

"A-anong pinagtitingin nyo?"

Tumikhim naman ang Mama nya sabay niyakap ang ulo nya at haplos sa buhok ni Zei.

"Alam mo anak, okay naman na mag-asawa ka na. Masyado ka ng lagpas sa kalendaryo. Tignan mo oh. Saka di mo na kailangang itago pa, tutal malaki ka na at siguro panahon mo na para makabuo ng sariling pamilya." speech ng Mama nya sa naglalambing na boses.

"Anong pinagsasabi mo, Ma?" naguguluhan ko na namang tanong.

"Kung talagang ikakasal ka kay Truz-" pinutol nya ang ina.
"Ma, hindi nga sabi. Ni hindi ko nga kilala yang Truz Truz na yan eh."

"Oo nga naman, Ma. Kakasabi lang nyan ni Ate Zei kanina eh. Di mo tanda, Ma? Wag mo namang ipahalata na talagang gurang ka na, ma." singit naman ni Xeila.

Tumango-tango naman sya bilang pagsang-ayon dito. Pero nagpipigil ng tawa. Ang abnormal ng kapatid nya. Haha.

"Teka, sino ba yang Truz Caballero na yan?" si Jacque.

"Eto, may article ulit. Sven Empire's next heir of one of S.E.'s pride--- Sven Hotel-- Truz Sven-Caballero. The 28 years old bachelor, earning a Summa cum laude in his college years taking up B.S in Bussiness Management. Second son of bla bla bla blo bla." basa na naman ng kapatid nya.

"Wow. Mayaman pala talaga, godzils." pinagtutusok pa ni Jacque ang tagiliran nya na agad nyang tinampal.
Overdose kiliti nya dun.

Mayaman naman talaga. Ang halata kaya. Makakabili kaya ng ganun kung pulubi lang? Luh.

Truz Caballero? Mayaman? Ang tanong.. gwapo ba?

Pinigilan nya ang pagngisi ng iniimagine ang mukha ng Truz na yun.
Pano pag may kacutan itong parang kay Bomgyu? Kasing macho ni Changwook? Kasing gwapo ni Dong wook? O may charm katulad ng kay Jong Suk?

Hihimatayin ata sya kung makakita ng lalaking may taglay ng kung anong meron sa apat na celebrity crush nya.

"Ate Zei? Ok ka lang?" nabalik lang sya sa katinuan ng pinitikan sya ng kapatid sa noo.

"H-ha? Oo." tumango-tango sya at tumayo na.

Pinulot nya ang singsing.

"Yei, hanapin mo kung asan yang si Truz. Isasauli mo to bukas." utos nya sa kapatid.

"Ate, ikaw nalang. May pasok ako bukas. Saka, you must take full responsibility." si Yeila.

"Steve Harvey, te?" natatawang puna ni Jacque sa kapatid nya.

Bat andito pa tong bruha?
Kanina pa ito kain ng kain at ito lang ang pumipyesta sa niluluto ng Papa nya. At ito lang ata ang kumakain.

"Hindi ka pa ba uuwi?" puna nya sa kaibigan.
"Ayaw mo ba ako dito, my friend? Nakaka-hurt ka ng feelings ah! Don't worry, uuwi ako, okay? Mamaya pa nga lang! Saka susunduin ako ni Emil."

"Sige. Maiwan ko muna kayo." pagpapaalam nya.

Sumilip mula sa kusina ang Papa nya, "Di ka ba kakain muna?"

"Mamaya nalang po." nginitian nya ang mga to saka tinalikuran na at umakyat papuntang ikalawang palapag ng bahay at tungo sa silid nya.

Pagkapasok, agad nyang isinara ang pinto saka tinitigan ang singsing na hawak-hawak nya.

Ang ganda talaga nito.

Ang swerte naman ng babae'ng pagbibigyan ng lalaking yun. Imaginin mo? Bumili pa talaga ito ng ganun ka-bongga at mamahaling singsing para dito.
I guess, mahal talaga nito ang babae.
How lucky she really is.

Zei just smiled to herself at saka naisipang itago ang singsing sa lucky wallet nya.

Nilapitan nya ang bedside table nya kung saan andun nakalagay ang cellphone at wallet nya. Itinago nya ang singsing sa loob ng wallet at umupo sa gilid ng kama ng umalma ang pwet nya.

"Aray.." daing nya.
Di pa pala ito gumaling. Butt fracture nga ata talaga ang napala nya sa pagiging careless nya.

Pero ano ba yung naapakan nya? Sinenti sya eh. Mabilis nakarespond ang karma sa kanya dahil sa pagkakasangkot ng stranger sa pagiging isip-bata nya.

Bigla nyang naalala yung lalaki.
Yung lalaking kinulelat sya sa 5'3 na height nya, yung lalaking mabango ang hininga. At yung lalaki na.. hindi nya nalinaw ang pagmumukha nito.

Kung pagbabasehan ang boses at amoy nito, amoy gwapo. Kaso di natin alam, may mga tao ding di masyadong kagwapuhan na may taglay na ganun. Malay mo, singer at masipag magtoothbrush sabayan pa ng mahilig magmugmug ng mouthwash. Ganern.

Bukas na bukas, kinakailangan nyang maibalik sa may-ari ang singsing at baka kung ano pang mangyari sa tahimik nyang buhay.

Malay natin at baka pagbintangan syang nagnanakaw, nakoo! Nasa mga drama pa naman ang mga ganoon na nafeframe ang mga bida dahil sa mga maling akala.

Kaya bukas na bukas, ito ang magiging mission nya.

end of iv.

Put A Ring On It!Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu