ii | butt fracture

26.4K 76 2
                                    


Ala-una ng lumapag ang eroplano sa Mactan National Airport sa Lapu-lapu, Cebu. Nagmamadaling bumaba si Zei na inunahan na nya ang ibang pasaherong magbabaan. Wala na syang pake. Ang gusto nya lang gawin ay ang lumabas sa eroplanong to na may foreign air at malanghap ang amoy ng Cebu air.

At sana naman ay may sumundo sa kanya. She already texted her 2 friends pero ang tanong ay nareceive o nabasa ba ng mga to. She didnt want to tell her family about this. She want to surprise them. Ni hindi nga sya nagreply at nagreturn call sa mga text ng mga to para more suspense. Ha-ha!

"Godzilla!"
Napalingon si Zei ng marinig ang palayaw nya na inimbento ng mga bestfriend nya nung mga kalukaretan pa ng mga to.

Nilibot nya ang paningin at napukol ang tingin nya sa isang banner na may "NinTurt" means Ninja Turtle-- pangalan ng grupo nilang tatlo noong highschool na alam nyang syang pangalan parin nila hanggang ngayon. Baduy na name, pero lahat naman siguro naging baduy noong highschool days nila.

"Mga tutubi!" pagsagot nya ng nakita mula sa waiting area ng airport ang pagmumukha ng dalawa nyang matalik na si Chloe at Jacque. Dali-dali syang nagtatatakbo habang hila-hila ang suitcase at nahihirapan sa pagbuhat ng travel bag nya papunta sa dalawa nyang kaibigan.

She doesn't care kung ano na ang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. All she cares ay ang mahila ang buhok ng dalawa nyang kaibigan. For almost 8 years! Gosh. Feel nya atang maghyperventilate.

"Buhay ka!" sinalubong sya ng sapak sa banner ni Chloe.
Tinawanan nya lang ito at kinuha ang banner mula dito saka binitawan para yakapin ang bruha.

"Bruha kang traidor ka! Bat ngayon ka lang bumalik sa lupang sinilangan mo? Ha?" bungad sa kanya ni Jacque na... malaki na ang tiyan. Buntis ata ito. Buntis nga ata. Ang laki masyado eh. Haha.

"Madami ba akong namiss?" naiiyak nyang puna sa mga to. Ohmygash, naiiyak na sya. Wag kang umiyak, Zei! Alam mo kung anong nangyayari sayo pag naiiyak ka.

"Oo. Sobra, bruha. Akala ko ba ikaw ang kakanta sa kasal namin? Plano pa naman naming ikaw ang sumalo sa mga bouquet namin, eh ni ang dumalo nga, di mo pa ginawa eh." naiiyak na hinampas hampas sya ni Chloe ng baby bottle na hawak-hawak nito.

Napatingin sya sa hawak hawak ng kaibigan, isang cute na baby na may ribbon sa ulo at may pink bibs sa harap nito. Ohh, ang kyutttt.

"Anak mo, Chlo?" pagtatanong nya dito sabay turo sa baby na tinanguan naman ng kaibigan.

"Ang dami nga ata. Sorry naman!"
"Sorry ka jan!" pagtatampo wari ni Chloe saka inaalog-alog ang sanggol nito.

"Babawi naman ako eh. For 1 month, dito muna ako."
"Mas maganda sana kung 1 year! O kaya forever na."
"Ayaw mo ba akong payamanin, Jacque?" hinaloan na nya ng pagbibiro ang pag-uusap nila.
Mahirap na, pumapanget pa naman sya pag umiiyak.

"Uwi na nga tayo! Teka, daan muna tayo ng restaurant para may pampakain ako sa bahay." aya ni Zei sa mga to.

"Okay. Tutal dala naman na ni Jacque ang sasakyan ng asawa nya." pagsagot sa kaniya ni Chloe at nagsimula na silang maglakad.

"Shit! Who put this crap, here?!"
Nagsitigilan naman lahat ng tao sa paligid ng bigla-biglang may nang-agaw ng eksena.

Napalingon naman sya at nakitang nakatayo ang isang lalaki habang tinuturo ang sinasabi nitong "crap" na isang tarpaulin na parang banner ata.

Dyahe! Yun yung banner na dala ni Chloe at Jacque!

Patay. Mukhang beastmode ang lalaki. Mukha pa namang malakas kasi matangkad.
May kumulbit sa kanya.

"Zei, diba yun yung banner natin?" bulong ni Chloe sa tenga nya.

"H-ha? Oo. Kunin nyo dali, tas tumakbo tayo." suhestyon nya.

"Gaga. Bakit andyan yan? Saka, tumakbo? Naiwan ba sa London ang commonsense mo? Buntis ako, may sanggol na bitbit si Chloe. Ikaw, wala. Bilbil lang. Kaya ikaw na kumuha nun at mag-sorry ka. Di na tayo bata." pagsasalaysay nito. Kahit kelan talaga, napaka-makata ng kaibigan. Hahay.

"Oo na." hindi na lang sya umangal. Kasi kung aangal pa si Zei ay sya parin ang talo. Saka, may malaking point naman si Jacque eh.

Nilapitan na lang nya ang lalaki na nagrereklamo. Mukhang nadulas ata ito dahil sa tarpaulin na banner. Pero bat ba ito nagrereklamo? Kung hindi lang sana ito nagpapatanga-tanga at tinignan ang dinadaanan edi hindi ito nadulas. But oh well, kasalanan na nga niya. Sya kasi ang nag-iwan nito sa kung saan.

Kinulbit nya ang lalaki na nakatalikod sa kanya. Pumaharap naman ito sa kanya ng magkasalubong ang kilay.

"What?!" nabigla naman sya ng naninghal ito agad-agad.

Ang sarap sanang kutusan nito, pero wag na. Ayaw nyang magkalihi ng bad vibes ang pag-uwi nya. Saka, ang bango din naman ng hininga nito. Hindi amoy freshmint o v-fresh. Amoy.. basta. Amoy natural lang.

"Sakin ang crap na tinuturo mo, sir." sambit nya with her calm voice.

Namewang naman ito and smirked.
"So you're the irresponsible being who threw this damn thing out of here?"

Aray naman nun. Iresponsable daw sya. Pero pinigilan nalang nya ang asar at saka tumango-tango at pinulot yung banner saka nilukot.

"Buti na lang at ako ang nadulas nyan. What if matanda? What if maliit na bata? What if may sakit? Or worse, what if buntis? Buti nalang at ako, kasi kung isa pa sa mga namention ko, what will you say? That you're sorry?" panunumbat nito.

What if yun nga yung nangyari? Oh no. May sanggol pa namang dala at buntis ang mga kasama nya.
Sheteness. Nilalamon na sya ng sariling konsensenya.

Kung bat kasi nacarried away sya kanina at nabalibag ang utak. She's too old. Yet, she still has her immature acts at this rate.

Huminga nalang sya ng malalim. Let it go, Zeila.
She just said this apology, "I am sorry."

Tumalikod na sya dito habang bitbit yung banner at nagmamadaling naglakad palapit kay Jacque when unknowingly may naapakan sya that causes her to slip and.. fell on the floor, straight to her butt at naging dahilan para mabitawan ang paper bag na dala nya at magkalat sa sahig ang mga laman nun.

"Zei!" nagpupumilit tumakbo palapit sa kanya si Jacque at inalalayan syang tumayo.

"Wag na, Jacque. Buntis ka pa naman. Ako na tatayo." keme lang syang ngumiti dito and tries to stood up kahit may remained reaction pa sa pwet nya.

Nagmamadali nyang pinulot ang mga gamit nya at inakay sya ni Jacque palabas ng airport.

"Umalis na tayo dito. Ang laki na ng gulo'ng dala mo sa Cebu!" bulong ng buntis.

Zeila just sighed.
"Miss! May naiwan ka po."
Lumingon naman sya at nakita ang parang isa sa staffs ng airport na patakbong lumapit sa kanya.

"Ha?"
"Naiwan mo po." nakangiting sambit nung lalaki at inilahad sa kanya ang isang.. singsing?

"W-wait---! Di ito--" bigla itong nawala.

"Zei, lika na." hinigit na sya ni Jacque kaya nagpaubaya nalang sya at ibinulsa ang ibinigay sa kanyang singsing.

Ang sakit ng pwet nya. Nilihi ata ang first day nya ng butt fracture. Diosmio.

end of ii.

Put A Ring On It!On viuen les histories. Descobreix ara