i | happy? birthday

27.3K 52 3
                                    





"I. Am. Hopeless." anunsyo ni Zei sa sarili nya ng hinipan na nya ang kandila ng birthday candle na binili nya para sa sariling kaarawan. Isang maliit na birthday cake para sa isang gurang na katulad nya.

She already reached the number kung saan lagpas na sya extended days ng kalendaryo. 32, treinta'y dos, tatlumpo't dalawa, 삼십이.

Naiiyak na inislice nya ang cake into 4 slices dahil maliit lang naman ito, saka tinusok ang isang slice gamit ang tinidor at kinain.

"Happy birthday, to me. Happy birthday gurang na Zei. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, gurang na Zei." kinantahan nya ang sarili habang ngumunguya nguya ng cake. Masarap pa naman sana ang give-away ng coffee shop bilang pabirthday sa kanya. Kaso nahahaloan na ang lasa sa lungkot at pagdadalamhati nya. Lol. Ang oa lang.

Kung sana andun lang sya sa Cebu at kasama ang pamilya, siguro hindi magiging ganun ang lyrics ng "Happy Birthday" song nya. Kahit sinasabi nyang ayaw nyang icelebrate ang birthday nya --kahit gusto naman talaga nyang magcelebrate. She missed her family already. Magwawalong taon na ata ng magmula ng lumipad sya papunta sa London dahil sa pagiging promoted nya sa trabaho. Kung bakit kasi mas lalaki yung sweldo, at ang dedicated nya sa trabaho eh!

Okay. That's it.
Bineblame na nya ang pagiging "Best Employee of the Year" nya for 4 consecutive years. Charot lungs.

Di din naman kasi nya mabiblame ang sarili na magseryoso eh. Her work was her dream work come true.
Ilang taon, ilang oras, ilang thesis paper, ilang excuse letter, ilang printed paper, ilang papel, ilang ballpen, ilang magsisinungaling na nakalimutan nya ang assignment, ilang pangongopya, ilang oras sa net shop ang inilaan nya para magtapos sa kolehiyo. Insaneness.

Napag-isipan nalang nyang iligpit ang pinagkainan at ilagay ang cake sa ref at neither matulog o tapusin ang drafts nya. Okay, magefb nalang.

Umupo na sya sa working table at binuksan ang laptop sabay type sa search bar ng search engine ng "Faceback". Log In and go.

"Buti ka pa, faceback. Naisipan mo pa akong batiin." sambit ni Zei ng makita ang banner sa news feed nya ang, 'Happy Birthday Zeila Villanueva! Faceback wishes you a happy day!'

"Yey! Happy day?" matamlay na sambit nya kaya naisipan nyang isara nalang ang laptop at lapitan ang kama nya. Mas gusto nya nalang atang matulog.

Pagkahiga nya ay napukol ang tingin nya sa kisame at parang nagflashback sa utak nya yung mga highschool days nya kasama ang mga magkaibigang si Chloe at Jacque. Yung mga araw na sinabi nyang hinding-hindi sya magkakaroon ng pamilya dahil andun naman ang Mama't Papa nya at ang mga kapatid. Na sapat na sa kanya ang trabaho at pamilya para magka-Happy Ending ang life nya.

Umatungal sya saka pinagkakarate ang hangin.
Oo na. Nagkamali sya. Gusto nya ding maranasan ang makasal, pakasalan, pakiligin at anything basta romantic.

Masasawa din pala sya sa kilig na nararamdaman pag nanonood ng Koreanovelas at pagbabasa ng pocketbooks at webtoon. Ayaw nyang walang tumawag sa kanya ng "Mama". Gusto nyang pumili at magsuot ng wedding dress, magplano para sa pinakamagandang araw ng buhay nya, at.. lumipad papuntang ibang lugar para magtravel kasama ang loveydovey nya for an exclusive honeymoon.

Napabuntong-hininga si Zei. Ngayon pa talaga nya naisipan ang mga yun, kung kailang gurang na sya at puno na ng wrinkles.

At dun ay parang may umilaw sa tumatanda na nyang utak. Magpapahinga muna sya. Oo. Kahit isang linggo lang, o kundi isang buwan.

Uuwi sya ng Cebu. That's it! Uuwi nga sya ng Cebu!

••

"Are you sure about this, Zei?" paulit-ulit na pagtatanong sa kanya ng boss nya na tila hindi makapaniwalang magbabakasyon sya. Para bang himala ang tingin nito sa pinagsasabi nya.

"A hundred percent, Dominic. Just tell me if I'm not allowed to so I can change it and hand you a resignation letter." pananakot wari nya. Of course, she knew her worth.

"Whoa whoa! You're quite determined with this, Villanueva eh?"

"Of course. I already reached the numbers that doesn't exist in the calendar, so I came to think, should I spend some time for a little leisurement? Like a little vacation or what of.." sya saka with a dreamy look. Iniimagine palang nya ang gagawin kasama ang pamilya ay naeexcite na sya.


"Okay. If that's what you want. Ginawa mo narin kasing lungga tong kompanya namin. Kakaupo ko palang bilang boss, andito ka na. Kakaengaged namin ni Maurice, andito ka na. Kinasal na ako, andito ka parin. Hello? Wala ka bang ibang paglalaanan ng oras mo kundi ako?" pagteteleserye ng boss nya.

Sinapok nya ito ng plastic folder na walang laman. Ang oa talaga nito minsan. Iniisip palang nyang maging tatay ito, naku. Wag na.


"Hindi ikaw ang pinagkakabusyhan ko, urur."
"Sabi ko nga. Haha! Sige. Pwede ka nang magexplore sa mundo ng isang buwan. Dagdag one month kung sa ibang mundo naman gagala, sa Mars o Jupiter maganda dun." pinirmahan na nito ang Leave Request nya at nilagyan ng seal stamp ng CEO ng company.

"Watevur. Salamat! Babayu!" pagpapaalam nya dito at excited na lumabas ng opisina nito ng sinalubong sya ng mga kasamahan sa trabaho.

"Aalis ka na ba talaga, Zilay?" si Anthony este Antoinette. Kasama nya ito for 3 years na at napakafriendship nila ng sang to.


"Ng isang buwan lang, ano ka ba. Saka, babalik naman ako."
"Sure, Zei ha? Walang tutulong sa pageexplain ng mga bagay-bagay samin." epal ni Gina.
"At, isang buwan lang ha? Makakatiis naman kaming hindi marinig ang sermon mo tuwing magtsitsismisan kami, saka wala na kaming walk-in French translator, kukuku.." singit naman ng Reyna ng Tsismis sa opisina nilang si Tris.


"Group hug nga! After 7 years, di ko na makikita mga pagmumukha nyo! Makakapagpahinga narin sa wakas ang aking eyes~" aya nya sa mga to at nagyakapan na nga silang lahat.


Pagkauwi nya ng bahay ay agad nyang inayos ang mga gamit sa bahay-bahayan nya for 7 years(almost 8 years nga pala) saka na ang mga gamit nyang dadalhin sa paglipad nya.


Excited na sya. Deym feels!

end of i.

Put A Ring On It!Where stories live. Discover now