Does she know I exist? [Chapter 3: Earn it]

15 0 0
                                    

Hindi naimik habang naglalakad tungo sa deans office. Alam kong siya yung kanina. Si Jess yung nabangga ko habang tumatakbo ako kaninang umaga. Gusto kong humingi ng tawad kasi ako naman talaga ang may kasalanan pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano bumwelo. 

Jess, sorry kanina ha? Hindi ko talaga sinasadya. Pasensya kana.

Mga salating halo-halong sinasalaysay ko sa aking isipan. Sa halip na mag sorry dapat ako, ito ang nasabi ko sa kanya.

Tim: Jess, alam mo ba kung bakit ako pinatawag?

Bakit alam mo pangalan ko? Gulat na sumagot si Jess.

[Click ‘Read More’]

Hindi ako kilala ni Jess. Stalker niya ako. Secret admirer. Kinabahan ako, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero buti na lang nakita ko ang kanyang I.D, itinuro ko ito at sabay na sinabing, ‘Ayan oh, Jess Mendiola.’

Napangiti siya at pinagpatuloy ang paglakad.

‘Shit! Thank you Lord. Hayyy, mutikan nanaman ako dun’ wika sa sarili.

Tim: Uy Jess, sorry pala kanina. Alam mo na kung bakit. Nagmamadali talaga ako kasi late na at may test pa.

Jess: Sa susunod kasi, tingnan ang dinadaanan. Hindi mo naman yun pathway diba?………… kala mo kung sino. Dagdag pa niya.

Oo, pasensya kana, babawi na lang ako sayo. Sorry talaga.

Sagot ko. Hindi inaasahan, bigla akong hinila ni Jess. Mutik na akong tumama sa isang poste kasi naman tingin lang ako ng tingin sa kanya, parang tanga lang.

‘TANGINA!’

Napasigaw ako habang si Jess tawang tawa sa tabi ko. Itinulak pa nga niya ako eh, pero sa pasimpleng ganun niya parang halik na. Ikaw kaya, hawakan ka ng crush mo?

Imbes na sumigaw sa tuwa, ngumiti ako at sinabing 

‘Jess, patas na tayo ha. Hahaha!’

Jess: Oy, hindi ah, niligtas pa nga kita! Ibig sabihin nun, dalawa na ang utang mo! 

Tim: Hala, ganun? May tubo ba yan? Paano ko mababarayan? Haha!

Jess: Mamaya, may practice kami, 5 ng hapon sa gym pumunta ka at doon ko sasabihin sayo.

Hanggang alas tres lang dapat ako ngayong araw nato pero paano ko ba matatanggihan si Jess? Kaya ko ngang gawin lahat makasama lang siya at ngayong siya na ang nagsabi, aayaw pa ba ako?

‘O sige, sagot ko.’

Malapit na kami sa staff building. Nagpaalam si Jess, pero ilang metro palang ang layo, sumigaw siya.. ‘Ano ang pangalan mo?’

‘Tim, Tim Aquino’ 

Kumaway siya at pinagpatuloy ang paglakad. Ako naman, nakangiti habang pinagmamasdan siyang naglalakad. Parang anghel na kagagaling lang sa kanyang misyon.

—————-4.50pm—————-

Halos dalawang oras din akong naghintay, pero sa totoo lang hindi ako nagalit o nainip. Habang naglalakad papunta sa gym, hindi ko maiwasan ang dalas ng aking pagngiti. Magkikita nanaman kami ni Jess. Matagal ko ng pinapangarap ko. Kanina pinagsisihan ko yung nabangga ko siya. Ngayon, masaya ako at nagpapasalamat sa tadhana sa pangyayaring naganap. 

Nakarating na ako sa gym, unang hinanap ko… syempre si Jess. Paglingon ko sa kaliwa, wala siya. Sa likod, wala din. Pag kaharap ko, ginulat ako bigla ni Jess.

‘Baaaaah!’ 

Hindi ako nagulat pero nagpanggap ako.  

Ngumiti siya at nagpaumahin. 

Muntik akong mahimatay syempre dahil sa kanyang ngiti, sa ala mansanas na labi. Yung ngiti niya, Yung cheek bones niya. Tinago ko na lang ang nararamdaman, at sinabing

Okay lang. So ano na? Paano ako makakatulong?

Jess: Okay lang ba sayo na ikaw muna ang mangasiwa sa cd player? Wala kasi yung kasama namin, pero kung hindi okay lang din.

Tim: Yun lang ba? Oo naman, okay lang. 

Jess: Salamat ha? … 

Tila nakalimutan niya ang panglan ko.

Tim, Tim Aquino. Hayag ko.

Jess: Ah, salamat Tim ha.

Tim: Wala yun, so… patas na tayo? Friends na tayo?

Pabiro kong tinanong.

Nginitian niya lang ako, habang dahan-dahang lumakad papalayo. Nakalipas ang ilang segundo, lumingon siya at sinabing.

‘You have to earn it.’

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 08, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Does she know I exist? [Chapter 1: Torpe]Where stories live. Discover now