Does she know I exist? [Chapter 1: Torpe]

114 0 0
                                    

“Hoy pre, bat ka ngiti ng ngiti ngayon? Parang hindi ikaw yan ha” Pabirong sinabi ng aking kaibigan. 

Ako si Tim, eto nanaman ako… pinapantasyahan ang babaeng gusto ko kahit alam kong wala naman akong katiting na chansa para maging kanya o kahit mapansin man lang niya. Eh tangina, sino ba naman ako? Isang tourism student, hindi kagwapuhan, hindi mayaman at yung grades ko? Okay lang. Kung i-kumpara sa babaeng gusto ko, iskolar, cheerleader at crush ng bayan sa campus. Siya lang naman si Jess. 

Alas dos palang at 4:30 pa ang klase ko so agad kaming pumunta ng aking kabarkada sa kinaugaliang tambayan, sa park ng campus. “Uy pare, saktong sakto may cheerleading practice sila ngayon, magkikita naman kami ni Jess” wari ko.

“You mean, makikita mo siya? She doesn’t even know you exist” Sabi ni Steph.

Tim: Oy! Ang sakit ha, tamo, balang araw magiging kami din.

Mark: Asa kapa, gago! Hahaha.

Hindi ko na lang sila pinansin, kasi nga diba si Jess nasa harapan ko? Mata kong tila naging anino na niya, sunod na sunod kasi sa kanya.

Okay guys, break muna, 20 minutes. 20 minutes lang ha! Pa sigaw na sinabi ni Jess sa kanyang squad. Lumakad si Jess sa isang bench ng park at umpong mag-isa, pinagpapawisan at mukhang pagod pero ang ganda parin, yung matangos niyang ilong, yung cheek bones niya, yung ngiti niya.

Shit pare ang ganda niya talaga, love na ba ito. Hayag ko. Sa halip na seryosong sagot, nagtawanan lang silang lahat.

Lalapitan ko kaya siya, bigyan ng tubig? Ibigay ko kaya itong pamunas ko na matagal ng naka reserve para lang kay Jess? Ay wag na lang, nakakahiya eh. Ah shit, nadala nanaman ako sa ka torpehan ko. - Mga salitang pabulong kong sinabi sa aking sarili.

Bahala na mga pare, lalapitan ko na si Jess. Hindi ko kayang hanggan dito lang. Walang magagawa kung ganito lang ako lagi.

Sabi ko. Ewan ko lang biglang lumakas ang loob ko, kasi parang it’s now or never. 

Dahan dahan akong lumakad papunta kay Jess. Kinakabahan, hindi alam ang sasabihin, nanginginig at takot na takot.

Okay Tim. Eto na. One chance, don’t waste it. Mga ilang hakbang nalang, biglang tumayo si Jess at biglang tampal at sinabing, “Okay guys, 20 minutes na! Back to your places. Bilis! Bilis!”

*face palm* Hiyang hiya ako, ginawa ko na lang ang tila ‘ninja’ move at biglang tumalikod at ilang sigundong hindi kumibo.

Shit! Bakit ganon? Ang lapit-lapit na. Shit! Sige, pangako bukas. Kakausapin ko na talaga si Jess. Pangako.

Does she know I exist? [Chapter 1: Torpe]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt