Hahara-hara Daw?

10.1K 355 21
                                    

Taharah’s POV

“Hayyy! Salamat!” Napainat ako nang lumabas ang teacher namin. Inextend ko pa ang kamay ko para ma-feel ang pagkawala ng tension. Hehe!

“Kamay mo, hahara-hara!” saad ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya.

Himala! Twice na siyang nagsalita!

Magugunaw na ba ang mundo?

But wait, ano daw? Tinawag niya akong Hahara-hara?

“Hoy Kenneth! Two years na tayong magseatmate, di mo pa rin alam ang pangalan ko?” singhal ko. Napakunot-noo naman siya sa akin bago tumingin sa ibang direksyon.

 “Hoy! Kausapin mo ako!” sigaw ko.

“Tss! Ingay!” saad niya saka tumayo na.

Aba’t walang modo. Lumabas nalang bigla sa classroom. Hay naku bahala siya!

Bumalik din siya bago dumating yung next teacher namin pero di ko na pinansin. Suplado na, wala pang modo. Wala akong pakialam sa kanya kahit guwapo pa siya.

Pagkatapos ng klase tumayo na agad ako, inis pa rin ako sa seatmate ko.

Dahil nasa upuan pa nila ang mga kasama ko at inaayos na ang gamit nila, tumayo nalang muna ako sa may pinto. Paglingon ko sakto namang papalabas yung suplado kong seatmate. Hmp!

“Tss! Hahara-hara!” bulong niya at nasagi pa ako habang papalabas siya. Mas lalo tuloy akong nainis kaya hinawakan ko ang braso niya bago pa siya makahakbang.

 “Hoy! Hindi Hahara-hara ang pangalan ko okay! Ta-ha-rah!” pinandilatan ko siya.

 “Tsk! Bobo!” He smirked.

“Sinong bobo?” nakapameywang kong saad. Hmp! Kainis talaga siya!

“Baka ako?” papilosopo niyang tugon.

“Talagang ikaw! Dalawang taon tayong magseatmate tapos di mo pa alam na hindi hahara-hara ang name ko!” nanggagalaiti kong sagot.

He chuckled at my remark. Kahit pa sobrang guwapo niya at labas ang dimples niya sa pagtawa niya. Naiinis pa rin ako sa kanya. Hmp!

“Bobo! Ang sabi ko kanina yung kamay mo hahara-hara!” natatawa niyang saad saka ako pinitik sa noo.

What?!

Pero sabi niya kamay mo hahara-hara…

Shit! Ang bobo ko! Di ko na-gets.

Bakit kasi di niya kinukumpleto ang sentence niya. Maano bang sabihin niyang , “yung kamay mo, nakahara.”

Oh di ba mas bobo siya!?

“At kilala kita Taharah Jameima! Yung laging pasang-awa ang score sa Math. Yung laging late magpasa ng projects at madalas walang sagot sa essay. Di nga ako makapaniwala na nakasagot ka sa Q&A ng Ms. Intrams.” Sunod-sunod niyang hayag.

Alam niya lahat yun?

Sabagay siya ang taga-check ng quiz papers ko.

At pati yung Ms. Intrams?

“Hmp! Di bale nanalo naman ako!” ingos ko. Natawa naman siya lalo sa sinagot ko.

“May lima kang manliligaw na everyday mong binabasted. Sina Jerico, Edmar, Inno, Gio at Lio” Dagdag niya.

Napamaang ako. Alam niya pati yun? Eh parang wala naman siyang pakialam ah. May pagkachismoso din pala siya.

“At meron kang secret admirer na nagbibigay ng chocolate bar sa’yo everyday simula pa last year!” saad niya bago tuluyang umalis sa harapan ko.

One Whole Sheet of Paper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon