Malas Talaga!

15.3K 360 3
                                    

Taharah's POV

Mabilis akong naligo at nagbihis dahil late na akong nagising, ayoko namang ma-late dahil napaka-strikto ng school namin pagdating sa lates. Tatlong counts lang 75 na agad ang grade sa conduct. Pag nadagdagan pa ng isang count, 70 na ang grade sa conduct.

Pagbaba ko ng jeep, binilisan ko ang lakad papasok.

Napahiyaw ako nang bigla akong natapilok at tumilapon ang hawak kong libro.

Kung bakit kasi mabato itong daanan papasok sa school.

Di pa sinemento, ang yaman-yaman ng school. Grrr!

Mabilis akong tumayo.

"Ba't kayo tumatawa ha? Bawal ba matapilok? Perfect kayo?!" sigaw ko sa mga babaeng nagtatawanan. Akala nila mapapahiya ako ha. Isubsob ko pa silang lahat eh!

Agad kong dinampot ang mga libro ko na nagkalat.

"Ano tatawa pa!!? Ha?" bulyaw ko sa mga babae nang makitang may nakangiti pa rin sa kanila. Bigla naman silang tumahimik sa pagsigaw ko.

Buti naman! Pero sa totoo lang, nakakahiya. Pinagtakpan ko lang ang hiya ko kaya nagsungit-sungitan ako.

Buti nalang pag-akyat ko ng third floor saka lang nag-ring yung bell. Sa corridor lang naman kami naglilinya pag flag ceremony habang ang leaders of the day ay nasa quadrangle at tanaw-tanaw namin.

Tahimik ang lahat na nakalinya nang biglang may nahulog sa balikat ko kung kayat napahiyaw ako at pinagpag ito, kinilabutan ako nang makita ang isang gagamba.

Takot talaga ako sa spider!

Pero pag-akyat ng tingin ko, nakatingin na ng masama sa akin ang adviser namin at pati lahat ng nasa corridors nakatingin din.

Naku patay! Oo nga pala flag ceremony ngayon.

Napatakip nalang ako sa bibig at nagpeace sign. Di umimik ang guro namin pero halatang galit. Sigurado, sermon ang abot ko mamaya pagkatapos ng flag ceremony.

Ang malas talaga.

One Whole Sheet of Paper (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon