Chapter 4

0 0 0
                                        

Skyler's POV

Oh my God oh my God oh my God oh my God oh my God!!




My mysterious Mr. Right is not only in this universe...but also in the Philippines...in Makati City....in this school.....right inside our classroom.

In front of me. I'm just a girl standing in front of this gorgeous guy ekek ala Daniel Padilla. And he just gave me his name.




"Skyler!"
'Yun si Ms. Rodis. Reyna ng basag!



Andrus.
Unique name. Just like my name, unique din.
He is Andrus Furrer. Ang lalaking nakita ko sa isang botique ng mall, ang Mr. Right ng buhay ko.

Hayss.



Magiging boyfriend din kita Andrus, soon.



Skyler and Andrus! Bagay na bagay!




"Skyler , find a seat so that we can start!"
Pero nakaupo siya sa chair ko, eh. This cute guy.





"Skyler, there's a vacant chair at the back."


Talagang ulit-ulitin ang name ko? Skyler! Skyler! Skyler! Parang echo!

Pinapahiya pa talaga ako.



Pero tumayo si Andrus at nagsabi na. "I'll just sit at the back, " sabay ngiti niya sa akin.




Omyghaaaad! What a perfect, perfect gentleman he is .




Umupo na ako ng buong hinhin. At siya naglakad na papunta sa vacant chair sa likod  Kung saan ang katabi niya ay walang iba kundi si....


Si Czeck!
Si Czeck na palaaral.... maganda.... at matalino!

Oh no!

Don't get me wrong. Czeck Candava is my famous and natatanging matalino na kaibigan ko. Mabait si Czeck. Mahal ko siya.




Pero...pero...pero katabi niya si mysterious Mr.Right ko!!!


At panay ang bulungan nila! Panay ang ngitian!


At humawak pa si Czeck sa braso ni Andrus



"Ang isang guy, kapag hinahawakan ng girl sa braso, tuwang-tuwa ang mga 'yan. Kaya ikaw, Skyler, kapag type mo ang isang lalaki, hahawakan mo sa braso."
Yun! 'Yun ang payo ni Czeck sa akin noon.




At 'yun ang ginagawa niya ngayon kay Andrus.



Type niya si Andrus!



How can I compete with Czeck?



Wala na! Olats na!



Pero ang sakit! Ang sakit-sakit-sakit! Gusto kong maiyak. Ganito pala ang jealousy.


Parang tinutusuk-tusok ng one thousand and thirty four pins ang puso mo. Ngayon ko lang na-experience ito.

Oh, Czeck! How can you do this to me?


At ano 'yung ginagawa nila right now? Ibinigay ni Iuehence ang cellphone niya kay Czeck. At si Czeck, may pinindut pindot sa cellphone.





Oh, no! Hinihingi ni Andrus ang cellphone number ni Czeck at ibinigay naman iyon ng bestfriend ko! Ang bestfriend kong traydor.





"Skyler!"



Si Ms.Rodis. "Why do you keep on looking at the back?"




"Miss, wala po. May....may stiff neck lang po ako," pagpapalusot ko. "Ang sakit nga, eh."



Pero hindi siya naniwala. May tinatanong siya sa akin tungkol sa Geometry.





Kanina pa siya nagpapaliwanag sa equation na nakasulat sa board pero hindi naman ako nakikinig.






Syempre napagalitan ako. Pahiya ako.




Lalo na kay Andrus na nakatingin sa akin.




Ang tingin niya sa akin, ang bobo ko!




Bobo na nga panget pa, waaaaah!!


After class.

Oras ng pagtutuos!





Hinila ko si Czeck sa comfort room, tinanong.




"Anong pinag-usapan n'yo ni Andrus? Bakit kayo nagbubulungan? Bakit mo siya hinahawakan sa braso? Bakit mo kinuha ang cellphone niya? Ano ang nilagay mo? Ang number mo? Hiningi ba niya ang number mo at ibinigay mo naman? Ano'ng klase kang kaibigan Czeck? Ano?" Dire-diretso kong sumbat sa kaniya.





"Ha?"





'Yun lang namutawi sa red, ref lips ni Czeck. Si Czeck ang tipo ng tao na kapag sinunud-sunod mo ang tanong, hindi mapa-process ng utak niya iyon.





Dapat paisa-isa lang. Pero wala, parang dam na nabiglang bumulwak ang dibdib ko.





Pero in fairness, wala namang alam si Czeck sa pinagdaraanan ko. Baka mas magandang sabihin ko na sa kanya ang totoo.





" Czeck, alam mo banv since last night ko pa iniisip si Andrus?"





Napaisip si Czeck saka nagtanong. "Paano nangyari iyon? Kanina pa lang natin siya nakita."




You see kapag isang tanong lang, kayang i-process ni Czeck.





"Kahapon ko pa siya nakita. Sa sinehan. Sa isang botique shop ng mga damit.





Nanlaki ang mga mata ni Czeck. Bumilod din ang bibig. Minsan, kasing -OA ko ang babaeng ito. We deserve each other.




"Ano? Bakit hindi mo sinabi?"

"E, tititigan siya ni Eizel."





"Oo nga 'no?."

"Kaya huwag mong sasabihin sa kanya."

"Sige, hindi."




" Mag-promise ka. Kung minsan, 'yang bibig mo, may sariling isip." Actually buti pa 'yung bibig niya, may sariling isip  He He He! An'sama ko.




"Promise." Nagtaas pa ang kamay ang loka.




"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang pinagbubulungan n'yo ni Andrus."


"Ikaw."


What?

"Ikaw ang pinag-uusapan namin."

"What do you mean .....ako?"

"Nagtatanong siya tungkol sa iyo."

Agaaaaain, whaaaat?

"Hiningi nga niya ang number mo eh. Kaya iniligay ko sa cellphone niya."


All together now: WHAT????

Si Andrus, my msyterious Mr.Right , nagtanong tungkol sa akin? Hiningi ang number ko? Ohmaaaaygawwwd!!!!

Blag!

Ako 'yun. Natumba. Hinimatay.

Joke!

Si Eizel 'yun. Pumasok sa CR ng girls, at ang pinto tumama sa mukha ko.

Pero feeling ko kapareho ng effect kapag hinimatay ka sa sobrang kilig.

HiHiHiHiHiHiHiHiHi!

Myyyy mysterious Mr.Right is in love with me!!!!!

(Walang kokontra!)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling for Mr. WrongWhere stories live. Discover now