Natulala ako. Napatitig sa lalaking nakita ko sa mall na ngayon nasa harapan ko na. He's really good looking. Maganda ang mga mata, malamlam, long eyelashes; at ang ilong, napakatngos, maputi at matangkad.
Paramg ang tagal... parang tumigil ang oras para mapansin ko ang lahat ng iyon sa kanya. Pero ang totoo, sandali lang iyon. Dahil agad-agad siyang yumuko at hinawakan ako sa braso para itayo.
"I'm sorry, miss. I didn't see you," sabi niya. Myghaaad, ang lambing ng boses niya!
'Yung galit ko kanina, biglang nag-disappear. "It's...it's okay," sabi ko na halos magkandautal ako. At hindi makatingin sa kanya.
"Are you sure?"
"Yeah," nakangiti kong paniniguro.
"Okay, good." 'Yun lang at bumaba na siya ng hagdan.
Ako naman sinundan ko siya ng tingin.Kung movie ito, bigla siyang lilingon at ngingiti sa akin sabay kaway.
Hindi ito movie...pero lumingon siya sa akin...nag-smile...at nag-wave.
Ohmyyyyyyyyyghaaaadheaveeeeenthyking-domcome!!
Sa loob-loob ko, nagtititili ako. Gusto kong mag-sasayaw. Magtatalon. Magsisigaw.
Sa loob-loob ko lang 'yon. Dahil ang totoo... Nakatulala lang ako.
"NAKAKAINIS! Nakakainis talaga!" sabi ko kay Czeck pagkatapos kong ikwento sa kanya ang nangyari.
Nasa classroom kami at hinihintay ang teacher namin sa Geometry. "Para akong tanga na hindi nakapagsalita. Para akong nabudol-budol."
"Cute talaga?"
"Sobrang cute!"
"Baka siya 'yung bagong transferee. Sabi nila, may bagong lipat daw sa school natin ,eh"
"Ano'ng name? Ano'ng year? Ano'ng section?" tuluy-tuloy kong tanong.
"Hindi ko alam. Narinig ko lang 'yung mga girls na nag-uusap sa girls' room kanina habang nagli-lipstick ako."
'Yan si Czeck, bukod sa hindi mo maaabala kapag nanonood ng movie o tv, deadma rin siya sa earth kapag nagme-make-up. Make up si Czeck's bestfriend.
Minsan, bago matulog, nagme-make-up 'yan. Para raw kapag nanaginip siya ng cute guy, at least, maganda pa rin siya.
Sasabihin ko na sana kay Czeck na nakita ko na ang guy na iyon. Sa mall. Na iyon ang pinakatinitigan ko sa loob ng botique ng damit. Pero noon lumapit sa amin si Eizel. Mainit ang ulo.
"O, bakit?" Tanong ni Czeck.
" Nag-away na naman kami ni Dark. Ewan ko ba sa kanya. Wala naman na dapat pagselosan between you guys. Nagkukulang na daw ako ng time sa kanya."
"Omyghaaad! Pati samin nagseselos siya. Hayyy nako! Pero may point naman siya e. Tutal we spend more time together," ani ni Czeck.
"We are sorry kung nagseselos si Dark samin. You can spend time with him naman. Basta kaoag may gala tayo ipaalam ko sa kanya at samin."
Twenty minutes late si Ms.Rodis, ang teacher namin sa Geometry. Nasa Pyhsci raw.
"Bakit?" Tanong ni Czeck.
Hindi sumagot si Eziel na badtrip pa din hanggang ngayon.
Nagkibit-balikat lang si Czeck, na deadma kapag badtrip si Eziel. Alam naman niyang sandali lang 'yon.
Madalas mag-away ang dalawa, pero madali ring magkabati. Siyempre, friends for life naman kami, eh.
"Lika, C.R. muna tayo," yaya ko kay Czeck.
"Let's go," agad na sabi ni Czeck. Madali yayain itong friend ko sa girl's room dahil chance niya iyon para makapag-retouch.
Ako, iba ang reason ko sa paglabas. Gusto kong hanapin ang aking mysterious Mr. Right.
Ito 'yung sinasabi kong hanap ko sa isang guy, eh. 'Yung may air of mystery. May tatalo pa ba sa pagka-mysterious ng guy na ito? Imagine, nakita ko siya sa mall.
Tapos biglang nawala. Tapos biglang susulpot sa school namin. Imagine that. I mean, can you imagine that???
Panay ang silip ko sa ibang classrooms. Hoping na makita ko si mysterious Mr. Right.
Taka naman si Czeck. "May hinahanap ka ba?"
"Wala," sagot ko. Pero parang binabanat ang leeg ko sa kasisilip sa isang classroom kung saan nakatalikod ang isang male student. Siya kaya 'yon?
Pero tinitigan ako ni Ms. Lagera, ang teacher ng STS. Natakot ako. Terror 'yon eh. Saka hinila na ako ni Czeck sa comfort room.
Retouch-retouch lang si Czeck. Panay ang daldal. Blah! blah! blah! May sinasabi siya tungkol sa make-up, tungkol sa damit, tungkol sa Mommy't Daddy niya.
Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Sabagay, mahirap intindihin si Czeck lalo na ngayon lumilipad na naman ang isip ko kay Mr. Right. Paano ko ba siya makikita ulit?
"Let's go," sabi ni Czeck. "Baka naroon na si Ms. Rodis. Mapagalitan pa tayo."
Naroon na nga si Ms. Rodis. And true enough, pinagalitan kami.
"Where have you been, you two girls?"
"Miss, nag-C.R. lang kami. Call of beautiful nature," buong ningning na nagpapa-cute si Czeck kay Ms. Rodis.
Call of beautiful nature? Saan galing iyon? Only Czeck can think of things like that. Makapagpalusot lang.
And it worked. Napangiti na lang si Ms. Rodis at pinaupo na kaki sa mga seats namin.
Pero may nakaupo na sa seat ko. Isang guy. Nakatalikod sa akin.
"By the way, you have a new classmate."
At humarap sa akin ang guy na nakaupo sa silya ko.
At sino pa nga ba kundi ang kanina ko pa hinahanap but very elusive mysterious Mr.Right.
"Hi, I'm Andrus. Andrus Furrer," nakangiti niyan sabi sa akin sabay abot ng kamay ko.
At siyempre,napatulala na naman ako.
YOU ARE READING
Falling for Mr. Wrong
Teen FictionThey say, looking for Mr.Right is hard. But not for Skyler, a woman na naghahanap ng Mr. Right niya. Nakita niya,nakabunggo niya si Mr. Right. Doon nagsimula ang kanilang closeness. Pero hanggang tingin lang ang cute guy. Hindi niya alam kung...
