SIMULA

1.6K 204 147
                                        

"Si Lilith ay ang unang asawa ni Adan, at hindi si Eba. Ngunit sa Bibliya, itinago ang lihim na ito..."

"Sinasabi sa Bibliya ang kuwento kung paano nilikha ang daigdig  at pagsisimula ng sangkatauhan."

"Sinasabi rito na ang tao ay nilikha sa imahe ng Diyos, at pagkatapos matuklasan na ang tao ay nag-iisa, kumuha siya ng isang tadyang mula kay Adan, at nilikha si Eba."

"Gayunpaman, iminungkahi na mayroong isang bahagi ng kuwento ang hindi sinasabi sa Bibliya..."

"Ito ay ang babae na si Lilith, ang naging unang babae, at asawa ni Adan bago pa man si Eba."

"Si Lilith ay pinabayaan ng Diyos dahil sa katigasan ng ulo at hindi pagsunod kay Adan at sa kanya."

"Sinasabing si Lilith ang unang babae sa mundo na nilikha ng Diyos kasabay ng paglikha kay Adan."

"Sinasabing si Lilith ay pinalayas at itinakwil ng Diyos matapos nitong hindi sumunod sa mga utos niya. Iniisip noon ni Lilith na mas matalino at magaling siya sa dalawa, kaya dahil sa labis na kasakiman sa kapangyarihan, nagawa niyang pagtaksilan ang panginoon."

"Nilisan ni Lilith ang Garden ng Eden matapos siyang palayasin ng panginoon at nanirahan sa isang ilog na tinatawag na Red Sea."

"Si Lilith ay hindi nabanggit sa Bibliya upang maiwasan na gayahin ng ibang tao ang ginawang kataksilan nito sa panginoon, at maging kay Adan."

"Hindi naglaon, na balitaan ng Diyos na malungkot si Adan. Kaya naisip niyang gumawa ng isa pang babae."

"Hindi ba naisip ng panginoon na muling suyuin si Lilith para magbalik loob ito sa kanya?"

"Maraming beses sumbok ang panginoon, Lili. Ipinadala niya ang isang Anghel upang kumbinsihin ito, ngunit ayaw talagang pumayag ni Lilith... Kaya naisip ng panginoon na gumawa na lang ng panibagong babae."

"Huh? At ayun nga si Eba na kilala sa mga bibliya?"

"Oo, tama. Para makasigurado na hindi na muling mauulit ang nangyari kay Lilith, kinuha ng panginoon ang isang tadyang ni Adan, at mula doon, nabuhay nga si Eba."

"Namuhay ng payapa at masaya ang dalawa....Pero nalaman ito ni Lilith."

"Pagkatapos anong nangyari? Bumalik ba si Lilith kay Adan?"

"Hindi. Sa sobrang galit ni Lilith, nakipagkasundo siya sa isang demunyo, at doon niya hiniling na maging isa siyang ahas."

"Ahas, bakit naman ahas?"

"Si Lilith ang ahas na humikayat kay Eba na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Nang dahil don, pinalayas din ng panginoon si Eba at Adan sa Garden ng Eden dahil sa pagsuway rin ng mga ito sa kanya."

"Napakasama naman pala niyang si Lilith!"

"Oo, masama ka nga."

"Ha? Ako?!"

"Oo, ikaw...Dahil ikaw ang reincarnation ni Lilith, Lili. Ikaw ang kanyang pangalawang katauhan at layunin mong itama lahat ng iyong pagkakamali, at pigilan ang lahat ng mangyayari, na nangyari na sa nakaraan..."

LILITH: The First EveWhere stories live. Discover now