haha leni for ph kayo na mag caption

731 46 24
                                    



46.

Ion's POV
Nang bumalik ako sa condo ay hindi na ako nagulat nang makita ko si Kuya dun, sya kasi ang kasama kong bumili nito.

"Anong nangyari?" Tanong nya pagkaupo ko sa sofa.

Umiling ako. "Hindi nya ko kinausap, pinaalis ako."

"Oh dapat lang talaga yan sayo." Tiningnan ko sya ng masama at tumawa naman sya. "Totoo naman ee! Kung nakinig ka lang samin nung una palang edi sana hindi kayo nagkaganyan."

Tama naman sya. Hindi ako nakinig kaya kami nagkaganito ni Vice. Hindi ako nakinig kaya sya galit sakin ngayon. Hindi ako nakinig kaya ako nasasaktan ngayon.

"Pero hindi rin naman kita masisisi, nun kalang nakaramdam na may Daddy ka kaya siguro madali kang napaniwala." Tumango ako sa sinabi nya.

Pinaniwalaan ko kasi si Daddy na puro kasinungalingan lang pala yung sinabi sakin. Akala ko totoo yung mga pinakita nyang kabaitan sakin pero hindi pa din pala.

Umuwi si Kuya kinagabihan. Tumatawag si Raissa sa akin pero hindi ko sya sinasagot. Tinapos ko na lahat sa amin.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok. Pumunta agad ako sa bahay nila Vice para sana sunduin sya.

Nauna akong dumating at nagulat naman sya nang makita nya ako dun. Ilang sandali lang ay may dumating pang isang kotse, kay Kent. Lumabas sya ng kotse nya at dun palang lumabas si Vice.

Kinwelyuhan agad ako ni Kent.

"Anong ginagawa mo ditong gago ka?!" Galit na sabi nya.

"Humihingi ako ng sorry sa kanya."

"Siraulo ka ba? Pagkatapos mo syang saktan pupunta punta ka dito na para wala lang?!"

"Kent tama na." Sabi ni Vice at hinawakan ang kamay ni Kent para ilayo sakin. "Tara na."

Tinulak na nya si Kent papasok sa kotse nya nang hinawakan ko ang kabilang kamay nya.

"Vice..." tawag ko sa kanya.

Tumingin sya sa kamay kong nakahawak sa kanya tapos ay tiningnan ako ng matalim. Binawi nya ang kamay nya at nilapitan ako.

"Hindi kita kailangan dito, umalis ka na." Mariing sabi nya saka ako nilampasan para sumakay sa kotse ni Kent.

Umandar agad ito at umalis na. Nakapikit ako. Napakatanga ko para hayaang mawala si Vice nang ganun ganun lang. Nasaktan ako pero ayos lang, dapat lang sakin to dahil nasaktan ko sya.

Nag-drive nalang rin ako at mabilis na nakarating sa school. Nandun na si Vice sa room nang dumating ako.

"Vice, please..." sabi ko nang makaupo ako sa tabi nya.

"Ohhh, himala at kinausap moko ngayon. Kamusta naman yung ilang buwan mong hindi pagpansin sakin?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"Vice please mag-usap tayo." Sinubukan kong hawakan ang kamay nya pero iniwan nya yun.

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Sabi mo di mo naman ako paniniwalaan diba? So bakit pa tayo mag-uusap?"

"Look, kahapon ko lang nalaman ang lahat. I'm sorry kung sobrang nasaktan kita. I'm sorry kung hindi ako naniwala sayo. I'm sorry sa lahat lahat Vice.." sabi ko.

"Hindi naman mababalik ng sorry mo ang lahat."

"Pero mahal kita.." halos magmakaawa ako.

Bahagya naman syang tumawa. "Nagpapatawa ka ba? Sinasabi mo ngayong mahal moko kasi gusto mong patawarin kita?"

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon