Love Letter

1.1K 38 3
                                    


Sorry Guys Kung I-unpublished koto Kailangan ko kasi i-edit at Pahabain ang Bawat Chapter Kaya Sana Magustuhan niyo

1.

Vice's POV
Nang matapos ang klase namin kay Mr. Villanueva ay sinulyapan ko muna si Ion na lumabas na ng classroom saka ako nagtungo sa locker ko.

Pagbukas ko ay may sulat nanaman dito. Sumulyap ako sa kaliwa't kanan pero wala namang malapit na tao rito. Kanino kaya ito galing? Ano to trip lang?

Kinuha ko ito saka yung letter ko para kay Ion at pati na rin ang hand outs na ibinigay sa isa kong subject dahil kailangan ko mag-aral dito.

Pumunta ako sa library at umupo sa sulok kung saan walang makakapansin sa akin.

Pinag-aralan ko ang hand outs saka ko naisipan basahin yung letter na nasa locker ko kanina.

Dear Jacee Marie,
  I wanna thank you for inspiring me to go to school everyday. You're always putting a smile on my lips. You may not the most beautiful girl in the world but you made my world beautiful.

Wow lang ha, may humahanga sakin? Ano namang trip nito, ngayon ko lang binasa ang letter na nakikita ko sa locker ko, yung iba kasi iniipon ko lang din sa bahay.

Mas nakakakilig kaya dito yung ginawa ko kay Ion et----

Teka nasaan yon?!

Bwisittt asan nayun?!

Nasaan yung letter na sinulat ko kanina?

Kinabahan ako, paano kung may makakita non?

Anak ng! Hindi pwede may makakita nun huhu.

Dahil sa kaba ay lumabas agad ako ng library at bumaba sa baba.

Hinanap ko ito sa mga dinaanan ko kanina pero hindi ko nakita, dumaan din ako sa likod at pumunta sa locker ko kung nandun pero wala din.

Nasaan na yun? Naglakad nalang ako papunta sa quadrangle-- teka ano yung kumpulan don? May nag wre-wrestling ba?

Lumapit ako dun para makita kung ano yun.

"Crush na crush kita at salamat sa pag-inspire sa akin araw araw" teka parang pamilyar?

Wait, Whutt?!

Natigilan ako, yun ba yung sulat ko para kay Ion? sino ang nakakuha nun at bakit pinagkakaguluhan na nila? Huhu.

"Love, Vice" patuloy na sabi ng babae sa gitna ng nakapalibot na estudyante.

"Vice? Omygod it's Jacee Marie" sabi ng isa. Patay! "Architecture student sya, yung scholar"

Napatingin naman sa akin yung nasa tabi ko kaya naman kinakabahan akong hinarap sya mukhang kilala ako ee.

"Eto sya! Eto sya!" Sigaw nya sabay turo sa akin kaya napatingin silang lahat sa akin.

Nakakahiya ang dami nila.

"So it's you" mataray na sabi ng babaeng nasa gitna saka humarap sa akin, hawak nya nga yung sulat ko.

Patay kang bata ka!

"A-akin na y-yan" nauutal ako, aabutin ko sana ang letter nang ilayo nya ito.
"I-ibigay mo yan s-sakin"

"Wag mokong uutusan na para bang alipin moko!, Atsaka Pwedeng wag masyadong makapal ang mukha mong babae ka?" Tinaasan nya ako ng kilay.

"Wala naman akong ginagawa" sabi ko saka yumuko na lamang.

"May gusto ka kay Ion?" Tanong nya habang nakataas pa din ang kilay. "Well itigil mo dahil wala kang pag-asa sa kanya"

Alam ko naman ee. Wala akong laban sa lahat ng may gusto sa kanya nuh.

Nagsimula na akong makarinig ng mga bulong bulungan mula sa ibang estudyante.

"Omg! Si Ion" bulong ng isa sa mga estudyante kaya lalo akong kinabahan.

Yari!

"Ano to?" Tanong nya kaya unti unti akong humarap sa kanya.

"Gwapo mo talaga" bulong ng isip ko.

"Here Ion oh" ipinakita ng babae ang sulat ko kay Ion "corny letter for you, from this bitch" matalim syang tumingin sa akin. Ako naman ay napayuko nalang.

Wow b**** daw ako!

Nagulat ako kasi kinuha ni Ion yung letter saka ito tiningnan. Nag-angat ako ng tingin at nagulat nang maabutang nakatingin din sya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko, ito ang unang pagkakataon na makatingin ako sa kaniya ng malapitan at kitang kita ang napaka gwapo nyang mukha.

"Well thankyou" nagulat kaming lahat sa sinabi nya.

"What the hell? Why are you thanking he---" hindi na naituloy ng babae ang sinasabi nya nang sumabat si Ion.

"I don't need your opinion Angel so shut up" sabi ni Ion sa kanya saka ito naglakad papalayo na hawak pa din ang sulat ko.

Napatingin ako sa Angel at halatang napahiya sya.

"Kayo? Anong tinitingin tingin nyo dyan?" Baling nya sa mga estudyanteng tila nanonood kaya naman isa isa itong nag alisan hanggang sa ako, ang dalawang kaibigan ni Angel at sya nalang ang nandito.

"Ikaw" turo nya sa akin habang namumula ang mukha dahil ata sa galit at hiya. "humanda ka sakin"

Natakot ako sa sinabi nya, mukhang ang tahimik kong mundo'y magiging magulo dahil lamang sa sulat ko.

Yung sulat ko! Omg yung sulat ko nakay Ion!

-----------

#Jaceeburara

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon