Why?

479 40 10
                                    


37.

Vice's POV
Masaya akong naglalagay ng mga damit ko sa maleta. It's been a year since I left, miss na miss ko na si Ion. Masaya akong babalik na kami sa Palipinas sa wakas. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako.

"Kailangan nyo na ba talaga bumalik? Mami-miss ko kayo!" Sabi ni Terrence habang naka-pout.

"Mami-miss din namin kayo." Sabi ko at lumapit kay Tita, mommy ni Terrence. "Tita, thankyou po talaga sa pagtulong samin pati sa pagpapagaling ko, tatanawin ko po tong malaking utang na loob."

Si Tita ay isang doctor, sya ang gumamot sa akin ng libre. Oo. Libre. Isang araw nun nasa ospital kami ay may narinig nalang kaming sigawan nun pala ay may nakaakyat sa rooftop at akmang tatalon, nagulat ako at hindi napigilan ang sariling umakyat din dun at kausapin yung lalaki na yun. Nagulat pa ako kasi Pilipino pala sya, kinausap ko hanggang sa bumaba sya dun, hindi natuloy ang pagpapakamatay. Nalaman kong iniwan pala sya ng babae kaya ganun tapos ang mommy nya pala ay doctor. Simula nun sinabi ng mommy nya na bilang kabayaran, gagamutin nya ako ng libre pati ang mga gamot, tumanggi ako kasi nakakahiya pero pinilit nito, sobra sobra ang pasasalamat nya sakin. Doon kami naging close ni Terrence, kaibigan ko sya at lagi kong kine-kwento sa kanya si Ion. Hanggang ngayon na magaling na ako at babalik na kami sa Pilipinas. Dito din ako pinag-aral ni Tita ng second year college, sabay kami lagi pumapasok ni Terrence.

"Wala yun Vice, mas sobra pa rin ang nagawa mong pag save kay Terrence." Sabi nito habang nakangiti. Ngumiti din ako.

"Basta po pag nagkaron na ko ng trabaho, promise po ibabalik ko sa inyo lahat ng ginastos."

"Ano ka ba Vice you don't need to."

"Oo nga naman Vice, wag mo na intindihin yun." Sabi naman ni Terrence.

"Hayaan nyo po, pag umuwi kayo sa Pilipinas ay welcome na welcome kayo sa bahay namin."

"True ka dyan anak! Ee kelan nga pala kayo babalik ng Pilipinas?" Ani Papa.

"Hindi ko pa alam dahil may trabaho pa ko dito ee, etong si Terrence sigurado susunod to sa inyo." Bahagyang tumawa si Tita.

Our conversation went on, kinagabihan ay umalis na sila at nagpaalam na sa amin, sobrang thankful ako dahil sa mga tulong nila sa amin. Yun ang dahilan kung bakit maibabalik ko sa daddy ni Ion ang pera at mababalikan ko na sya.

"Oh bakit ngiting ngiti ka?" Tanong ni Papa.

"Masaya lang ako na babalik na tayo sa wakas, Pa. Miss na miss ko na kasi si Ion ee."

At alam miss nya na rin ako kaya hindi ako makapaghantay na magkita kaming muli. Doon na ulit ako sa DU mag-aaral.

Halos hindi ako makatulog nun dahil sa excitement kaya naman maaga akong nagising kinabukasan.

Ang daming tanong sa isip ko. Ano kayang magiging reaksyon ni Ion pag nagkita ulit kami? Ano kayang una naming gagawin? Siguro ay pupuntahan namin ang puntod ni Tita, nag-isang taon na yun at wala ako nung death anniv nya. Sobrang daming tanong at sobrang excited na rin ako.

Nang makarating kami sa airport ay isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Eto na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng pagbabalik ko. Hintayin moko, Ion. Malapit na malapit na tayong magkita.

**

Pagod at antok ang naramdaman ko nang makarating kami sa bahay. Miss na miss ko na din ito.

"Hindi mo pa ba sasabihin kay Ion na dumating na tayo?"

"Gusto ko pong surpresahin sya ee, siguro magkikita kami sa enrollment bukas." Tumango nalang si Papa sa sinabi ko.

Until You Fall Inlove  (Viceion) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon