PROLOGUE
"Anak patawarin mo kami, hindi namin ginusto ito, ginawa lang namin ang nararapat para sa kaligtasan natin" umiiyak na sabi ni mommy
Halo halo ang nararamdaman ko ngayon takot, galit, at pagkahiya hindi ko lubos maisip kung anong naisip nila mommy para sumali sa ilegal na gawain na iyon
"Pero mom alam niyong maraming paraan pero bakit ito ang napili niyo!" sinubukan akong hawakan ni mommy sa kamay ngunit tinabig ko lamang ito at umatras mula sakanila
"Hindi mo alam ang pinagdadaanan namin ng mommy mo, mahirap itong desisyon namin pero ito lang ang naisip naming paraan para sa kaligtasan natin" galit na paliwanag ni dad at hinawakan ang magkabilang balikat ni mom
Alam kong wala ako sa lugar para sumagot sagot sakanila lalo na at sila ang bumuhay sakin pero sa oras na ito alam kong mali ang desisyon nila, alam kong may iba pang paraan para hindi malagay sa piligro ang aming mga buhay
"No dad you wrong! I know there is another way but you choose this instead of doing the right thing, Naging sakim kayo sa kayamanan akala ko pa naman mababait kayo akala kolang pala yun" and then i walked out and headed my way to my room
Nawalan ako ng tiwala sa pamilya ko alam kong may rason sila kaya nila ginawa ang bagay nayun pero mali padin yun akala ko bukal ang loob nila para tumulong sa mga tao yun pala sila pa mismo ang magiging dahilan para mapunta sila sa kapahamakan, hindi lang sa lugar namin kundi pati ng buong mundo.....
"Ahhhhhcccckkkkkk"
Napabalikwas ako ng takbo papunta sa aking pinto ng marinig ko ang sigaw nila mommy, pinihit ko ang doorknob ng pinto at dumuhaw mula sa ikalawang palapag
Tumambad sa akin ang tatlong nilalang na kinakain ang katawan ng aking ama't ina
Biglang nangatog ang tuhod ko sa aking nasaksihan at ano mang oras mula ngayon ay maaaring ako naman ang kanilang isunod....
Takot man sa nakita ay nagawa ko pading tumakbo papasok sa aking kwarto at kinuha lahat ng mga importanting bagay na pwedi kong mapakinabangan laban sa mga nilalang na aking nakita
Pagkalabas ko sa aking kwarto ay dahan dahan akong naglakad pababa ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay dahil maaaring sa akin mabaling ang atensiyon nila
Nakakalungkot isipin na sa ganito pang paraan mamamatay ang pamilya ko ni hindi ko manlang nagawang humingi ng tawad sa aking inasal
Pagkababa ko ay nadaanan ko ang bangkay ni mommy na wakwak ang leeg, mukha, at tyan hindi ko na sila nagawang iligtas ngunit wala na akong magagawa huli na ang lahat
Pagkalabas ko ng bahay ay tumakbo ako sa kahabaan ng harden namin at dahan dahang binuksan ang gate ngunit huli na ng malaman kong napapalibotan na pala ako ng mga nilalang na akala koy sa telebisyon ko lamang napapanood
Wakwak ang mga leeg nito ang iba ay bali ang mga leeg kamay at paa mayron ding nakalaylay ang mga laman loob, it has also a pale skin covered with the blood by their victims its hair ang nails are falling off the ground, ang mga mata nito ay nakaluwa ang iba ay wala na ang kanan o kaliwang mata at kinakain nila ng buhay ang mga tao
Hindi ko na maihakbang ang mga paa ko ng makitang sa akin na nakatoon ang kanilang pansin, kahit nangangatog ang aking mga tuhod ay ginawa ko paring tumakbo ngunit huli na ang lahat sadyang mabilis silang tumakbo at naabutan na nila ako at pinag pyestahan ang katawan ko........
YOU ARE READING
THE DAYLIGHT
Science Fiction~Sa panahon ngayon marami na ang mga impossibleng mangyari. ~ Hindi agad naniniwala hanggat walang matibay na ebidensya. ~Pawang kathang isip at impossibleng mangyari. . . . . . . . . Ilan lamang yan sa mga paniniwala ni Skyler dalawamput dalawang t...
