Chapter 27 Scorpions ( Gelly's update 3 )

Start from the beginning
                                    

It's only to warn them. Hindi ko rin naman kayang ipahamak ang kapatid ko.

Minsan kasi ang matatalinong tao mag-iisip ng mga kumplikadong bagay kahit meron naman mas madali.

Hawak nila lahat ng pwede ko gawing access sa DA. Minamanmanan nila lahat ng galaw ko. I just have to make sure na wala ng masasaktan pa. Tama na yung dalawa ang nawala sa mga kaibigan ko. Huwag na sanang dagdagan. Ni hindi ko nga alam na hahantong sa ganun ang plano ng BS para pabagsakin ang PB.

Kelangan ko na kumilos, may nararamdaman akong masama. may plano na naman sila na hindi ko alam. the last time they planned of planting the bomb, wala ako. Kaya hindi ko nagawan ng paraan na hindi masaktan si Marc at Trix. Kaya ngayon, hindi ko na hahayaang mangyari na naman ulit yun.

"chameleon, baka namimiss mo na ang mga kaibigan mo. you want to see them?" ----

"Hindi pa ito ang tamang panahon para magpakita ako sa kanila. Sa ngayon, magpakasaya sila baka bukas, mabawasan ulit yung grupo nila." sabi ko with clenched teeth.

"hahaha ang ganda para tayong naglalaro ng ubusan ng miyembro. tsk2... too bad for them, the're fighting some shadows." ----

"sige una na muna ako. Wala pa naman tayong gagawin." sabi ko.

They nodded.

**************

"bantayan mo lahat ng kinikilos niya. Wala pa rin akong tiwala sa kanya." ----

"but, he's your brother." ---

"we don't grew up together, so hindi kami pareho ng bituka. " ---

"he can't hurt you." ----

"malay mo. Umakyat ulit si hudas sa lupa galing sa impyerno at traydurin ako. Just keep an eye on him." ----

 "Sure." ---

Gelly's POV

Ohhh gaaah!!! Mag o-one week na din kami. Geez, walang araw na hindi ako kinikilig. Gray never failed to surprise me. At araw-araw din siyang nasa bahay. Well, okay lang din naman kay daddy kasi at least daw may nakakasundo na siya. Si Nica nga kung anu-ano na pinagsasabi kay Gray about daw nung nawala si Gray sa buhay ko. madaldal din kasi yang kapatid kong yan, syempre san pa ba magmamana yan kundi sakin. haha tulad na lang ngayon.

"Kuya, Gray alam mo ba na never nakipag-date si Ate sa kahit na sinong lalaki kasi nagpromise ka daw sa kanya na pagbalik mo, pakakasalan mo siya." sabi ni Nica.

Pinandilatan ko naman ang mahadera kong kapatid para paitigilin siya sa kadadaldal. Pero, ni hindi man lang ako nilingon, bruhang bata! Baket pa kasi nagmana sakin. -_-

"Ay oo nga pala kuya, nakipagdate si ate sa iba kaya dapat pagalitan mo siya, ni-break niya yung promise niya sayo eh!" sabi ni Nica tapos biglang subo dun sa belgian chocolate na dala ni Gray para sakin.

Tawa lang naman ng tawa si Gray dun saka lumingon sakin at nagkibit balikat.

"oh talaga? Sino naman yung swerteng lalaki na muntik nakong ipagpalit ng ate mo?" tanong pa niya kay Nica na busy pa din sa kakanguya ng tsokolate.

"Si kuya ren. Alam mo kuya akala ko magiging sila na ni ate kasi sobrang gwapo ni kuya Ren at sweet pa. Pero, mas gwapo ka pa rin dun kuya, promise!" pambobola pa niya kay Gray.

Find. Search. Love... WAIT!! Detectives??Where stories live. Discover now